"Shekinah" tawag sakin nang isang batang lalaki. "Paglaki ko ako ang mamahalin mo at mamahalin din kita" ang saya-saya nila magka hawak kamay.Alarm rinnnnnnnggggg
Lumipas ang panahon at dito na kami sa Maynila nag-iistay. Kasama ko ang aking kaibigan na si Irish. Masaya pa rin sa probinsya dahil doon makakasama mo ang iyong pamilya. Pero nag pasiya kami ng aking kaibigan na dito na kami mag-aral dahil na rin siguro maganda ang quality ng study dito.
Oo tama ang narinig niyo sa Manila na kami nag-aral. Isang taon pa bago kami matapos. Kumuha pala ako ng Architecture dito, si best naman ay fashion designer. Alam mo naman ang aking kaibigan ay mahilig sa mga ganyang bagay, ang pag dadamit ng magaganda. Hindi naman nag lalayo ang aming kurso ako din naman ay nag didrawing.
"Bes, nanjan na ang mga macho at gwapo nating sundo" sabi ng aking kaibigang si Irish. Kahit kailan talaga napaka pilya. Kasama ko siya sa isang Dormitorio siya ang room mate ko.
Limang taon na ang lumipas at masaya na kami sa mga nangyari at mangyayari pa lamang.
Pag katapos ng aming Roadtrip, hindi ko na nakita pa si Tracy sabi ng mga kaibigan ni Jonas nangibang bansa siya. Doon na siya tumira at nag aral.
Si Adonis naman ay napag tanto niya na mahal na niya ang kaibigan namin na si Irish. Namalas ko din kung paano siya manligaw, una ang magulang ang niligawan. Tumang tuwa nga ako dahil sobrang proud ni Irish kulang nalang ipagsigawan niya sa buong San Alfonso na mayroong siyang boyfriend na si Adonis.
Ako naman at si Jonas masaya at simple. Sinagot ko na siya isang taon ang nakakalipas. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Isa siyang mabait, understanding at wala na akong masabi sakanya, araw-araw niya akong sinusundo dahil pareho nalang ang aming paaralan. Araw-araw niya ding akong pinapasaya.
Ang relasyon namin ay hindi naman perpekto minsan nag aaway at nagkakatampuhan din kame. Pero mas bangingibabaw parin ang aming pagmamahalan.
Nawa ay nagustuhan niyo ang aming istorya, isang simple at makabuluhang pagmamahalan na nabuo sa isang probinsiya dito sa bansang pilipinas.
•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•
Read. Comment. Vote
BINABASA MO ANG
Searching for the Sign (Vacation Edition)
Teen FictionThis is a story para sa mga taong naghihintay na darating ang kanilang one true love, taong umaasa na makikilala nila ang taong para sa kanila. Paano kung nagkatagpo ang dalawang pusong naghihintay at naghahanap? Magkakaroon ba sila nang tinatawag n...