Chapter 2: Brgy. San Alfonso

45 10 0
                                    

There's a blessing in waiting.

Author's note.

Enjoy!!!
•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•

Jonas P.O.V

Habang tumutugtog ang malakas at nakakabinging tunog na nagmumula sa sound system, nakaupo ako sa side pool sa bahay ng aking kaibigan mag-isa at nagiisip. Ngunit naramdaman kong may tumabi sakin, parang alam ko ang amoy at pabangong iyon, naramdaman ko rin na medyo lasing na ito. Magtatangka sana siyang ilapit ang mukha niya at halikan ako. "Ano ba Tracy! Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin? Hindi ba't sinabi ko sayo na matagal na tayong wala!?" Inis at galit na sabi ko sakanya. " Jonas alam kong mahal mo parin ako, alam kong nagpre-pretend ka lang na hindi mo ako mahal" sagot naman niya sakin. " Hindi na kita mahal! I don't like you anymore. Nakapag move-on na ako, kaya't 'wag mo nang ipagsiksikan pa ang sarili mo. We're OVER!". At sabay tayo ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis pero tinapik ko ang kanyang kamay. " Bakit Jonas, meron na bang iba dyan sa puso mo!?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya sa akin at sabay turo sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya. Pinuntahan ko ang mga kaibigan namin at nagpaalam na sa kanila. Paglabas ko nang bahay agad akong sumakay sa kotse at nagdrive na pauwi.

Maya-maya pa'y naisip kong muli ang sinabi ni Tracy.
"Bakit meron na bang iba dyan sa puso mo?"
"Bakit meron na bang iba dyan sa puso mo?"
"Bakit meron na bang iba dyan sa puso mo?"
Nagpaulit-ulit ito sa aking isipan.

••Flashback•••

"Mahal na mahal kita Jonas!" Sabi ni Tracy.
"Tama na! Tigilan na natin 'to!. Minahal kita ng buong-buo. Lahat ginawa ko para sayo. Tapos ganito pa igaganti mo sa akin!? Lolokohin mo Lang pala ako!" Nanggigilid ang mga luha at nasasaktan kong sagot sakanya.
"Hindi kita niloloko Jonas, maniwala ka naman sa'kin" nagmamakaawang kanyang tinig.
"Tumigil ka! Kitang-kita nang aking dalawang mata na mayroon kang kahalikang ibang lalaki! Ano 'to laro!?" Kahit naaawa na ako sakanya.
"Sorry, forgive me. Please. Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Please don't break up with me. Mahal na mahal kita Jonas." Pinag pipilitan niyang sabi.
"Wow. Mahal. Tracy kung mahal mo'ko hindi mo ako magagawang lokohin. Wag kang mag-alala May nagawa din akong mali." Nagiginayang kong sagot.
"Mali? No, ako ang may mali. Don't blame yourself, wala kang ginawang mali." Pag amin sa kanyang mga nagawang kasalanan
"Meron. Mali na minahal kita, mali na pinili kita, mali na pinag-katiwalaan kita. At mali na nag-pakatanga ako sa'yo. And now, I'll set you free. I'm breaking up with you. I'm sorry."

••• End of Flashback•••

At ngayon may sagot na ako sa tanong niya.

Oo, wala man ako ngayon. Pero makakahanap din ako ng taong magmamahal sakin ng lubos at hindi ako lolokohin. Yung taong hindi ako sasaktan at hindi ako iiwan di tulad mo Tracy.

Pagdating sa harap ng gate ng aming bahay, agad binuksan ni Manang Rosy ang gate at pinark ko na ang kotse sa loob. Pag-pasok ko ng bahay agad naman akong umakyat sa aming roof top. Ito ang lugar  na nakasaksi nang lahat ng aking pagluha, pagtawa at iba't-ibang emosyon ko. Dito ang lugar na kung saan walang nakakakita sa akin kung hindi ako lang. Humiga ako at pinagmasdan ang mga nagkikinangang bituin sa kalangitan. Napaka lawak talaga nang kalangitan at nakaramdaman din ako nang sarap ng pakiramdaman dahil sa hangin. Kailan ko kaya matatagpuan ang babaeng nakalaan para sakin? Saan ko kaya siya matatagpuan?

Nakaisip ako ng ideya, sabi nila para daw malaman mo kung siya na ang para sayo, pwede kang humingi ng sign kay God, at kapag nakita mo na yung sign na yun ibig sabihin ay siya na talaga. Kaya't humingi nga ako ng sign. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto at natulog na ako.

K-R-I-N-G-G!!!

"Ano ba yan, natutulog pa eh" sabi ko."Oh, Jonas wake up. We're going to your Mamita's House today. Mag ayos ka ng mga gamit mo" bungad sa akin ni Mama. "What?? Oh no. Hindi ako sasama" pagmamaktol kong sabi. "Sumama ka na, matagal ka nang hindi nakikita ng Mamita mo. Isa pa kung hindi ka sasama, babawasan ko ang allowance mo at sasabihin ko sa Daddy mo na hindi mo na muna magagamit ang kotse mo" paglalabing ngunit may halong pagbabanta para susuma ako.

Hindi ko man gusto napilitan nalang ako para sumama, kahit papaano nami-miss ko rin naman si Mamita. Gusto ko na ring makalanghap ng sariwang hangin. Kamusta na kaya ang mga pinsan ko dun?.

Nag-ayos na ako at nag-impake ng mga iilan kong gamit. Sa palagay ko mga one month din kaming mag i-stay kina Lola. Biglang may tumawag sa akin.

Phone ringing

"Hello, Marcus?" pagsagot ko. "Oh Dude!! Tara na, hinihintay na tayo nila Harvey sa field mag iistart  na ang race" mukhang nagmamadaling sagot sa akin. "Sorry Bro, hindi ako makakasama eh, magbabakasyon kami sa Lola sa probinsya, baka matagalan bago ako makakauwi. Miss ko na din si Mamita" sagot ko. "Ganon ba? Osige Bro kami nalang muna. Yung mga chix ah, huwag mo kaming kakalimutan."pilyong panunukso ng kaibigang kong mahilig sa mga babae. "Sira, pupunta ako dun para magbakasyon hindi para mag chix" sabi ko. "Palusot pa. Sige na, take care dude" sagot niya.

Call Ended

Habang nagbabyahe, sinaksak ko ang earphones sa tenga ko para makatulog, nang biglang magpreno ng malakas si Daddy, nasubsub ako at nauntog sa front seat. At dahil dun nagising ako sa lakas ng pagkauntog at hindi na maipinta ang aking pagmumukha. Pinagtawanan tuloy ako ng dalawa kong kapatid.

Almost three hours din kaming nagbabyahe at sa wakas ay nakarating na kami sa San Alfonso. Nagmasid masid ako sa lugar, mga bandang hapon nang dumating kami. Nakita ko ang mga batang naglalaro ng tumbang preso, nakakita rin ako ng iba't ibang bilihan. Habang nagmamasid ako, napansin ko sa di kalayuan ang isang napaka gandang babae. She's so beautiful and I can't resist looking at her. Mahaba ang buhok niya, simple, conservative sa pananamit pero bagay sa kanya. Hindi siya yung tipikal na babaeng nakikita ko sa City pag gumigimik kami ng tropa. Wala siyang make up at napaka natural, nakangiti siya habang kumakain ng cotton candy, may masama siya, siguro ay kaibigan niya yun. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay ni Mamita. "Uy kuya, what happened to you? Bakit ka nakatulala?

Bumalik ako sa realidad at nakita ko sila Mamita na sinasalubong na kami. Tumingin ulit ako sa bintana ng aming kotse para tignan ang babaeng nakita ko kanina lang, but she's gone. Sino kaya siya? Ano kayang pangalan niya? Makikita ko pa kaya siya ulit? "Jonas, my apo. How are you? What are you doing there? Ayaw mo ba akong makita?" Dinig kong sabi ng aking lola. Bumaba ako ng kotse at niyakap ko ng mahigpit si Mamita. "Of Course not, I really miss you Mamita, Ikaw yata ang pinaka magandang lola in the whole wide world." Masaya kong pagbati sa kanya. Napangiti si lola sabay halik sa pisngi ko. Mga lola talaga sobrang sweet sa mga apo nila. Pumasok na kami ng bahay pero bago ako sumunod tumingin ako ulit sa labas, iniisip na sana makita ko ulit yung babaeng kumakain ng cotton candy kanina.

Mukhang magiging exciting ang bakasyon ko ngayon ah? "Jonas, ano pang ginagawa mo diyan. Heto, pinagluto ko kayo ng miryenda." Tawag ni Mamita. "Yes, Mamita. Coming!"

•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•
Read.Comment.Vote

Searching for the Sign (Vacation Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon