Chapter 10: Heartbreak

18 8 0
                                    


Mahal kita sana maniwala ka. Mahalin mo rin ako ng may pag titiwala.

Author's Note

Enjoy!!!
•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•

Maria's P.O.V

Inabutan nakami ng takip silim at napag pasyahan naming pumunta sa malapit na resort sa aming lugar para mag stay ngayong gabi. Kasama ko ngayon sina Irish, Adonis, at Jonas at ang iba pa niyang mga kaibigan.

Kanina ay nakausap ko si Adonis nag tapat ako sa kanya na nahuhulog na ang loob ko sa kanyang pinsan. At ito ang unang beses na nahulog ang aking loob sa isang lalaki.

Kahit sandali lang ang oras at panahon ng aming pagkikilala masasabi ko sa aking sarili na napaka gaan ng aking pakiramdam, para bang matagal na ang aming pag sasama at feeling ko nga ay komportableng-komportable ako sa kanya. Ay ganito pala ang buhay na may sinisinta.

Tulala lang si Adonis habang naglalakad kami, ang lungkot ng kanyang mga mata. At dahil hindi ko tinitignan ang aking daan muntik na akong madapa, Buti nalang ay natisod lang ako. Ngunit sa kasamaang palad nasira naman ang aking tsinelas. Paborito ko pa naman ang tsinelas na ito.

Inalalayan naman ako ng aking kaibigan na kanina pa tulala at nakita ko sakanyang mukha na nag-alala ito sa akin.

Bago kami bumalik, nag pasya kami na dumaan muna sa isang store para bumili ng tsinelas. Si Adonis ang pumuli ng design at yellow ang kulay nito.

"Ito, mukhang bagay sayo. Hindi ba ang paborito mong kulay ay kulay dilaw? tanong niya sakin. Nakita ko na muling bumalik sa kanyang dating saya ang aking kaibigan. Napawi ang kanyang nararamdaman kahit sa kaonting oras. "Sige, 'yan nalang" sagot ko naman na may ngiti.

Binili nga namin ang tsinelas na kanyang napili, ngayon ay naka ngiti na ang kanyang mukha at napansin kong nakatingin siya sakin. Bumalik na kami sa mga kasama namin.

Pag dating namin ay sinalubong kami ni Jonas, pero bakit napalitan na naman ng kalungkutan ang kaibigan ko? Tinanong ni Jonas kung saan kami nanggaling, halatang nag alala ito.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari para mawala na ang kanyang pag aalala.  Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila papunta sa Dining Area.

Hindi ko na napansin si Adonis sa aking tabi, bigla itong umalis.

Pagkatapos naming kumain pinuntahan ko ulit si Adonis. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumabay sa aming kumain.

"Adonis!" sigaw kong tawag sakanya. Nag-iisa lamang ito at napaka lungkot ng kanyang emosyon. Kanina ko pa kasi napapansin na malungkot ito. Hindi ito ang aking nakasanayan na Adonis. Si Adonis na kilala ko ay laging masaya at napaka positibo sa buhay.

"Anong ginagawa mo dyan mag isa?" tanong ko sa kanya "maari ba akong makitabi?" dagdag ko pa.

"Oo naman, halika" sinenyasan niya ako na pwede na akong umupo sa kanyang tabi "nagpapa hangin lang ako" sagot niya sa aking tanong.

"Bakit hindi ka sumabay kumain sa amin kanina?" Nagtataka kong tanong. "Busog pa kasi ako" seryosong sagot niya sakin.

Nakaupo ako sa tabi niya at ramdam ko na may gusto siyang sabihin ngunit hindi naman niya masabi. Naghintay lang ako ng ilang minuto at muli itong nagsalita "Maria, kapag sinaktan ka nang aking pinsan, huwag kang mahiyang magsumbong sakin ha?" bigla niyang sabi. Noon ko palang nakita na ganon kaseryoso si Adonis.

"Suss, Ikaw talaga" pabiro kong sabi sa kanya.

"Maria, may sasabihin din sana ako. Pwede bang mag tanong?" Panimula niya. "Bata palamang ako ng nakita kita. Iba ang pakiramdam ko noon" madarama mo talaga na malungkot siya. "Samadaling salita bata palang tayo tinamaan na ako sayo. Bata palang tayo mahal na kita" sabi niya pa. "Ewan ko nga kung bakit hindi mo yun napansin. Dapat pala sinabi ko na sa'yo ito dati pa. At baka sakaling minahal mo rin ako" sabi niya.

Pinagmasdan ko lang ang mga bawat kilos at galaw niya ng sandaling iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin at isagot sa kanya.

"Pwede bang huwag na ang pinsan ko, ako nalang. Pwede ba kahit sandali mahalin mo ako?" mabilis niyang tanong na wari nasabi na niya ang kanyang gustong sabihin.

Tinitigan ko lang siya ng mga oras na iyon. Dapat akong sumagot para maliwanagan siya at para hindi na siya umasa. Ayaw ko siyang saktan pero  kailangan ko parin itong sabihin. "Sorry Adonis, alam kong mabait kang tao at simula palang ng bata tayo alam ko na iyon, alam namin yon ni Irish. Buksan mo ang pakiramdam mo Adonis at alam kong may nag mamhal sayo ng palihim at ayaw lamang itong sabihin sayo" lakas loob kong sabi. "Pasensiya ka na ngunit kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Sorry" naluluha ko nang sabi sa kanya. Alam kong nasaktan siya pero kailangan ko itong sabihin lalo't ayaw ko siyang umasa sa akin.

"Salamat Maria, salamat dahil naging parte ka ng buhay ko basta ito ang tandanan mo na mamahalin kita bilang aking tunay na kaibigan" maluhaluhang sagot niya pero ganon pa man ay makikita mo na ulit ang kanyang matatamis na mga ngiti. Hinawakan niya ako sa pisnge at hinagkan niya ako sa noo.

Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan ng kagaya ni Adonis pati na rin si Irish. Sila ang lagi kong kasama sa lahat ng oras. Malungkot man ako o masaya ay lagi silang nasa tabi ko.

Nang mag isa na ako ay naglakad-lakad  ako, may napansin akong dalawang tao sa sa hallway sa dulo nito. Biglang kumirot ang aking puso. Nanigurado ako na sila nga iyon.

Muli ko silang  tinignan at tama nga ako na si Tracy at Jonas, naghahalikan. Binigo mo ako Jonas, totoo nga ang naririnig ko na pinag-seselos mo lang siya para bumalik siya sayo.

•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•

Jonas P.O.V

Nakaupo ako sa isang hallway sa pung stayan namin. Hinihintay ko si Maria dahil sabi niya na may gusto lang siyang sabihin sa pinsan ko. Ito na siguro ang tamang panahon para masabi ko na sa kanya na may pagtingin ako para sakanya.

Tahimik lang ang kapaligiran ng biglang may naramdaman akong may paparating, si Tracy. Hindi ko nalang siya pinansin at baka mainis lang ako sa kanya.

"Hey, Jonas anong ginagawa mo dito" tanong niya. "Pwede ba tayong mag-usap" tanong niyang muli.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko lang siya siya pinansin. Bigla siyang umiyak ng hindi ko alam. Naawa ako sakanya at tinanong at bakit siya umiiyak. Pinunasan ko ang kanyang luha at pinatahan ko na siya.

"Alam kong gusto mo pang ibalik ang dati. At alam kong nasasaktan ka ngayon Tracy. Pero may minamahal at mamahalin na ako, at sana tangapin mo na ang kayotohanan na hindi na kita mahal" sinsero kong pagpapaliwanag sa kanya.

"Sino? That stupid Maria the probinsyana ba? Ha?" makikita mo talaga na naiinis ito. "Don't call her stupid because she's not. She's the one who bring back the happiness in my life since the day you left" paliwanag ko naman sa kanya. "But I'm here na now. Nandito na ulit ako at hinting hindi na kita Iowan pa" sabi niya sa akin.

Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako. Naramdaman ko na wala na, wala na akong nararamdaman pa para sakanya. Puro pait ng kahapon ang nalala ko dahil doon.

Tinulak ko siya papalayo sakin "Tracy stop it. I already said it, may mahal na akong iba. At hindi na na rin mababalik pa ang sa ating pinaglaruan ng tadhana at hindi na kita mamahalin".

•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•.•
Read. Comment. Vote

Searching for the Sign (Vacation Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon