Chapter Twelve

44 2 0
                                    

Misha Laurel's POV

Bumuntong hininga ako bago ako kumatok sa kwarto ni Keyla. For the nineth time. Pero wala. Hindi parin ako pinagbubuksan ng gaga. Napairap na lang ako sa kawalan dahil hindi ako makapaniwala na gagawin ko to.

Sa tanang buhay ko, akala ko ay walang silbi ang itinuturo at ipinapakita ni Clinton sakin. Pero mukhang tama nga sya nang sabihin nya sakin noon na Magagamit mo rin ang mga bagay na natututunan mo sa gwapong katulad ko.

Hinalughog ko ang Backpack na dala ko at kumuha ng hairpin. Yep, I know how to pick locks. Don't ask, it was Clinton who taught me. Kahit ayaw ko, matututunan ko parin kasi lagi nya namang ginagawa sa harapan ko.

After less than 5 minutes, tumunog ang lock ng doorknob na ang ibig sabihin ay nabuksan ko na ito. Napangiti ako at pumihit papasok.

"Kelan mo pa natutunang maging akyat bahay?" Tanong ni Keyla sakin na may malungkot at nag-aalalang mukha.

But still, nakaharap sya sa laptop nya.

"Excuse me, hindi ko inakyat ang bakod nyo. Ni hindi nga ako marunong umakyat ng puno, maging akyat bahay pa kaya?"

Isinara ko na ang pinto at pabagsak akong umupo sa kama nya, tinabihan ko sya.

"So, gusto mong pag-usapan?" Malungkot na sabi ko sa kanya.

Hindi ko maimagine ang kahihiyang pinagdaanan ni Seon kanina.

Mukhang wala nga talagang forever.

"Binenta mo na naman ako." Sabi nya at tumingin sa mga mata ko.

"Bakit mo ginawa yun Mish? Bakit mo sya tinulungan?" Parang naiinis na tanong nya kaya nakonsensya naman ako sa hindi ko alam na dahilan.

"Because he likes you, at kahit wala akong karapatan na pumili ng lalaking gugustuhin at mamahalin mo, aaminin kong gusto ko sya para sayo."

Minasahe nya ang sintido nya na parang naiirita na sya sakin at gusto nya akong sakalin pero nagdadalawang isip sya kasi ayaw nya namang may mangyaring murder dito sa kwarto nya.

"Pero in public talaga sya magp-propose? Misha naman! Akala ko ba walang forever?"

"Wala nga! Hindi naman porque tinulungan ko si Seon ay may forever na. Malay ko bang wala kang gusto sa kanya." Dirediretso kong sabi.

Pero iniwas nya ang tingin nya, at alam ko na ang ganitong galaw ni Keyla.

"Wala ka ba talagang gusto sa kanya? Wag mong subukang magsinungaling sakin, babasagin ko ang screen ng laptop mo."

Napabuntong hininga si Keyla at nilarolaro muna ang mga daliri nya. Hindi ako nagsalita kasi gusto kong sagutin nya muna ang tanong ko.

"Oo, may gusto ako sa kanya. Sino bang hindi? Masayahin sya, palakwento, cute, gentleman tsaka may sense. Kaya lang..." She left her words hanging kaya ako na lang ang nagpatuloy.

"Kaya lang hindi ka pa handa."

Tumango sya kaya napatango tango na lang din ako. Malas ni Seon, nagmahal sya ng isang babaeng ayaw pang pumasok sa isang Romantic relationship.

"Well, naiintindihan kita. Kung sabagay, Ang taong nagmamadali ay laging mali ang pinipili. Pero sana. Sana lang. Maging masaya ka sa desisyon mo." I checked my wrist watch and stood up after tapping Keyla's back a few times.

"Kaibigan kita. Kaya kahit anong gawin mo, nandito lang ako." Sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na ako sa bahay.

Kaso paglabas ko, naabutan ko si Seon na nakatingin sa bahay nina Keyla sa di kalayuan. Ayy iba rin pala ang nilalang na yan. Binasted na't lahat, may gana pang maging security guard. Napailing na lang ako bago naglakad papunta sa bahay.

Pagdating ko, tinanong ako agad ni Manang kung anong gusto kong ulam. Oh diba, pagkatapos mag-gala ay tatanungin ka kung anong gusto mong kainin! San ka pa?! Kay Manang Lily ka na!

"Kahit ano manang, isurprise mo ako!" Nakangiting sigaw ko dahil nasa hagdan na ako at walang chance na marinig nya anh boses ko kung hindi ako sisigaw.

Bago pa man ako makapasok sa kwarto ko, tumunog na ang phone ko at nakita ko na tumatawag si Seon. I bit my lower lip before I hit the answer button and went inside the room.

"Hello, Seon?"

Nagdasal ako na sana hindi sya galit. Sana hindi masama ang loob nya sakin. Pero on second thought, bakit naman sasama ang loob nya kung hindi ko naman sya pinilit na magpropose kay Keyla in public? But still!! Argh!

"Misha, kumusta naman si Keyla? Is she okay? Hindi ba masama ang loob nya?"

Napaawang ang labi ko dahil sa narinig kong itinanong nya.

"Ikaw ang nabasted sa harap ng maraming tao, Seon. Okay naman si Keyla. Ikaw? Okay ka lang?"

I heard him laugh at the other line kaya napataas ang kilay ko. Baliw lang?

"Hindi ako nabasted. She said she's not ready yet. Hindi ko naman sya minamadali, Misha. Handa akong maghintay para kay Keyla." He said.

Napangiti naman ako. Tama nga naman. Hindi naman kasi No ang isinagot ni Keyla sa tanong nya.

"Ang tenga, kapag pinagdikit ay korteng puso. Extension kasi ng puso ang tenga. Kaya kung marunong kang makinig, marunong kang magmahal." Nasabi ko na lang.


***


Kanina pa mukhang problemado si Keyla, paano naman kasi ay tinext pala sya ni Seon. Gusto raw kasing makipag-usap sa kanya.

At hindi naman yun matanggihan ni Keyla. She still wants to save their friendship pero mukhang mahina ang pag-asa nya.

"Hey guys, cheer up. Wag nga kayong malungkot because love is in the air." Inspired na naman na sabi ni Sophie.

Minsan, sarap batukan ng isang to. Paniwalang paniwala sa Love, mukhang idol nya ata si Kris Aquino.

Aalaskahin ko sana si Sophie nang maunahan ako ni Keyla. Na ikinataas ng kilay ko kasi bukod sa inagawan nya ako ng moment, ngayon nya lang rin ito ginawa.

"Hindi love ang nasa Air. Kundi oxygen at Hydrogen, samahan mo na rin ng Carbon dioxide." Buntong hininga nya, pinanliitan sya ng mata ni Sophie at inirapan.

"Where did you get that?" Tanong ko, referring to her quote.

"Internet,"




Ang sweet ni Seon, noh? Sinong gustong magkaroon ng manliligaw o boyfriend na katulad nya?! Taas ang kamay!!!

****

***
**
*

Okay, baba na. Walang Forever sabi ni Misha! Hahaha!



Vote, Comment & Be a Fan



My Friends' Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon