Misha Laurel's POV
Pagdating ko sa school ay ang naga-alburotong si Jenny ang naabutan ko. Ano na naman kayang drama ng tomboy na yan? Tagal nya ring walang eksena sa story ko ah. Saan kaya nagsusu-suot yan?
"Hoy Jenny, anong ganap mo dyan?" Tanong ko pagkatapos kong umupo sa upuan ko na katabi ni Keyla.
Magkaharap sila at mukhang sirang sira ang mukha ni Jenny. Mas sira kesa sa usual face nya.
"Put*ng ina talaga Mish, mas mabuti pang mamatay na lang ako."
Napataas lang ang kilay ko dahil sa sinabi nya at bago pa ako mag-react ay binulungan na ako ni Keyla.
"May gusto na raw sya kay Harvy," Bulong nya.
Napangiwi naman ako. Yun lang pala ang ipinagmamaktol nya tapos ang dami dami nya pang arte na akala mo inagawan ng ice cream na selecta.
"May gusto ka lang pala sa kanya. Problema ba yun? Edi sabihin mo."
Tinignan ako ng masama ni Jenny pagkatapos ay binatukan.
Aray, masakit din yun. Hindi porket broken hearted sya at pangit ay palalagpasin ko na ang ginawa nya! Pero pasalamat sya at tinatamad ako kaya hindi ko na lang sya ginantihan.
"Akala mo ba madaling magtapat sa isang taong ayaw sayo?"
Hindi pa nga sya nagtatapat tapos alam nya na agad na ayaw sa kanya. Aba, mas mabuti pang palitan nya na lang si Madam Auring. Magaling naman pala syang manghula eh.
"Kung may gusto ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo bukas ayaw mo na rin sa kanya, naunahan ka lang." Payo ko sa kanya.
Ang kaninang masamang tingin nya ay may kasama nang kunot ng noo ngayon.
"Wag mo akong idaan sa hugot hugot mo Misha, hindi nakakatuwa."
"Eh sinabi ko ba namang matuwa ka?"
Babarahin nya pa sana ako kaso nag-bell na kaya pumasok ang subject teacher namin.
***
Tinext ako ni Marcus na ngayon na gagawin ang plano kasi naiinip na raw si Miley. Baka raw ay dumaan na ang pasko pero hindi nya parin ako naipapahiya.
Tsk, kung alam nya lang na sya ang mapapahiya sa gagawin ko. True to his words, may mga lalaki ngang dumating at sinabihan ako na kailangan kong sumama sa kanila.
At hindi lang yun, may dala pang posas ang mga bakulaw at pinosasan ako.
"Oh My God, what are you going to do to her?" Mahina at malumanay na tanong ni Sophie sa kanila.
"Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting sabi nung pangit.
Ew, ang kakapal ng mukha nilang hawakan ako eh mukha naman silang mga bisugo. Baliw na Marcus yun ah, hindi man lang pumili ng gwapo!
Dinala na nila ako sa pavement, hindi na ako nag-kunwaring nagpapanic kasi ayoko namang magmukhang tanga rito. Dumating kami sa pavement at nakita ko nga na nakatayo si Marcus at may dalang long-stemmed rose.
Sabi ko sa kanya white rose ang gusto ko pero red parin ang binili nya. Hindi ba sya makaintindi? Tsk. Kinalas na nung mga bisugo ang posas ko at umalis na rin sila. Maraming tao sa paligid kaya nagkunwari akong naguguluhan.
"Anong ibig sabihin nito?" Kunwaring tanong ko.
Ngumisi si Marcus at lumuhod. Pangit ang acting nya. Dapat magkunwari man lang syang kinakabahan para mas effective!
"Misha Laurel, matagal na kitang gusto. At alam ko na alam mo na ang ibig kong sabihin. Hindi ka manhid kaya wag kang magmaang-maangan sakin."
Inilahad nya ang rose sakin pero hindi ko yun agad tinanggap.
"Will you be my girlfriend?"
Pwe! Ang corny! Excuse me lang, walang forever at pinepeke lang natin to! Yuck.
Pero pinigilan ko ang pagngiwi at ngumiti na lang ako. Baka kasi nasa paligid lang si Miley, gusto kong maging effective ang acting ko.
"Yes," Nakangiting sabi ko.
Iniabot nya sakin ang rose na binili nya na sa totoo lang ay gusto kong ibato mismo sa pagmumukha nya. Ang corny kaya ng red rose! Tumayo sya at kunwaring niyakap ako, kanya kanya namang sigawan ang mga tao sa paligid tapos may iba pa na parang maglupasay na sa sobrang kilig.
"Ang pangit ng acting mo," Bulong ko kay Marcus.
"Gwapo naman ako, kinilig parin sila." Bulong nya pabalik sakin.
"Ang sweet naman."
Napahiwalay ako sa pagyakap kay Marcus dahil narinig ko ang boses ng bruhang si Miley. Nakita ko syang nasa may kanan namin, ilang metro ang layo mula sa aming dalawa ni Marcus.
Nakangisi sakin si Miley na parang sinasabi nya saking naisahan nya ako. Pero mas pinaganda ko ang ngisi ko. Kasi kahit saang anggulo nya tignan, mas panalo ako. Hindi lang dahil nag-uumapaw ang kagandahan ko kundi dahil mas madiskarte naman ako sa kanya.
"Miley,"
Biglang tumahimik ang mga studyante. Ramdam siguro nila ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi na rin naman kasi bago ang pagiging magkaaway namin ni Miley. Proud naman kami ron.
"Ang tanga tanga mo talaga." Nakangising sabi nya sakin habang dahan dahan syang naglalakad papalapit.
"Hindi mo man lang napansin na niloloko ka lang nya." Tapos hinila nya mula sa pagkakahawak ko si Marcus.
Hindi pa tapos. Nagkunwari akong naguguluhan, gusto ko sanang mag-iyak iyakan kaso hindi ko naman kaya.
"Simula pa lang ay hindi ka na nya gusto, napag-utusan ko lang syang lapitan at ligawan ka." She said.
Naka-mic pa talaga ang bruha kaya naman ang mga tsismosang studyante sa paligid ay nagsimulang magbulungan.
"Ano?" Parang gulat na sabi ko.
Kahit na ang gusto ko naman talagang gawin ay maging sarcastic sa kanya.
"Ikaw na mismo ang magsabi sa kanya, Marcus." Utos ni Miley kay Marcus.
He smirked, pero alam kong nasa isip na ni Marcus na mapapahiya si Miley.
He hates Miley, hindi ko lang alam kung bakit. Pero paki ko ba?
"I fooled you, Misha. Hindi ko naman akalain na bibigay ka agad, pero swerte ka at hindi ko kinuha sayo ang isang bagay na alam kong ibibigay mo naman ng kusa." Nakangising sabi ni Marcus sakin.
God, parang gusto kong masuka! Ang kapal kapal ng mukha nya. Hindi nya na naman kailangang sabihin ang ganyan eh!
"See? Tanga ka kasi, kaya ka naloloko." Ngumisi sya sakin at may inabot na kung ano kay Marcus.
Now the show is over, dapat ko nang itapal sa pagmumukha nya ang mga pasabog na inihanda ko.
"Tanga ako? Baka ikaw ang tinutukoy mo." Matigas na sabi ko sa kanya.
Mula sa parang inosente ay iniba ko ang ekspresyon sa mukha ko.
"Don't fear the enemy that attacks you but fear your allies who hugs and helps you." Sabi ko sa kanya.
Haha! Sa next or sa Chapter 24 ay malalaman nyo na kung bakit ganyan si Miley kay Misha. At malalaman nyo na rin kung anong ganap talaga ni Marcus dito!
Hehe, read more to know!
Vote, Comment & Be a Fan
BINABASA MO ANG
My Friends' Love story
ספרות לנערות"Kailangan mo lang hintayin yung tamang pagkakataon, sa tamang panahon, at sa tamang tao. Dahil ang mga taong nagmamadali, laging mali ang pinipili." Si Misha Laurel ay isang highschool student na curious sa ibig sabihin ng love, at kung anong pakir...