Misha Laurel's POV
Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga kamag-anak ni Marcus sakin.
Na-shock nga ako na ang babait at ang humble nila. Nagtaka nga ako eh, mga kamag-anak ba talaga yun ni Marcus? Pero baka naman ampon lang ang damuhong yun, wala rin naman kasi syang kamukha dun sa mga kamag-anak nya.
Tatlong araw na kaming nagkukunwari ni Marcus at so far, so well naman daw. Mukhang naniniwala na si Miley. Isang step na lang ang kulang, yun ay ang mag-propose sya sakin at sasagutin ko sya. Sa harap ng maraming tao.
Ang plano raw kasi ni Miley, ipahiya at pagmukhain akong tanga sa buong student body. But I know better. Babaliktarin ko sya. Ako pa talaga ang ipapahiya nya? Excuse me lang, wala akong gusto kay Marcus.
Ginagawa ko lang to para sa impormasyong hawak nya. Na sa totoo lang ay ikinaiinis ko.
Sabi nya sakin, alam nya na daw ang dahilan. He was even bothered. Pero hindi nya sinabi sakin kasi pag sinabi nya raw, baka umatras na ako sa pinag-usapan namin at giyerahin ko si Miley.
Tsk, arte nya.
"Nagtext nga pala si Sophie sakin, puntahan daw natin sya sa bahay nila." Sabi ni Keyla.
Oh, speaking of that lazy girl. Hindi nga pala sya pumasok ng school sa araw na to. Ewan ko ba dun.
"Sige,"
Habang nasa daan kami, kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin no Keyla. Random things lang, nagkwento sya tungkol sa isang award's night na pinanood nya pero nainis rin naman sya dahil Hindi nya raw maintindihan ang languge tapos walang subtitle.
"Alam mo naman palang maiinis ka, pinanood mo pa!" Sabi ko sa kanya.
Live nya kasing pinanood, Edi malamang ay walang subtitle yun!
"Nga pala, nag-uusap pa ba kayo ni Seon?" Tanong ko sa kanya.
Nag-iwas sya ng tingin at bumuntong hininga. Oh, mukhang Hindi sila okay na dalawa.
"Hindi nya na ako kinakausap." Nalulungkot na sabi nya.
"Eh malamang, sinaktan mo yung tao eh." Sabi ko sa kanya.
Huminto na ang tricycle kaya bumaba na kami ni Keyla at ako na ang nagbayad.
"Hindi ko naman sya sinaktan. Basta gusto ko lang na maging magkaibigan kami. Importante sya sakin."
Sus, todo deny pa ang bruha. Sarap talagang hampasin para naman makaramdam. Hindi nya ba naisip na baka kaya lumalayo sa kanya si Seon kasi nasasaktan na at nahihiya yung tao? Tsk.
"Mahal mo." Sabi ko pagkatapos kong pindutin ng tatlong beses ang doorbell.
"Hindi ko sya mahal. Kaibigan ko sya."
Inirapan ko sya. Guilty naman masyado.
"Yun nga, mahal mo bilang isang kaibigan. Ikaw talaga masyado kang praning." Nakangising sabi ko sa kanya pero pinanliitan nya ako ng mata.
"Kilala kita..."
Bago nya pa ako awayin, bumukas na ang gate at bumungad samin si Sophie. Hindi lang basta ang normal na Sophie. Kundi ang may eyebags at maga ang mata na si Sophie.
"Anong nangyari sayo?" Sabay na tanong namin ni Keyla.
She sniffed then a tear escaped her eye. Teka, mukhang Tyron problem na naman ito. Hindi pa ba sya nakaka-move on?! Jusko naman!
Umakyat kami sa kwarto nya at dun nya ipinaliwanag ang nangyari. Tinawagan pala sya ni Tyron kahapon at sinabing magkita sila kaninang lunch. Kaya pala hindi sya pumasok. Nakipagkita pala sya dun sa assuming astronaut!
"Ano? Mahal nya pa kaya ako? I mean, binalikan nya ako eh. Baka mahal nya na ako ulit." Sabi ni Sophie habang umiiyak at nagpapahid ng luha.
Nakangiwing inabot ni Keyla sa kanya ang isa pang box ng tissue kasi ubos na yung hawak hawak nya. Umiiyak rin kasi ang bruha habang nagk-kwento. Akala ko ba gising na sya sa katotohanan?! Eh bakit ganito?! Ano yun? Nakatulog agad?!
"Kapag binalikan ka mahal ka uli agad? Hindi ba pwedeng tinetesting nya lang kung gaano ka katanga?" Pabalang na tanong ko sa kanya.
She paused for a second pagkatapos ay tumingin sa mga kamay nya habang humihingos.
"Ganun ba yun?" She asked slowly and it was barely a whisper.
Buti na lang at hindi ako bingi kaya narinig ko.
"Oo, ganun yun."
Umiyak na naman sya at ngumawa. Minsan ang sarap din batukan ng isang to. Lakas makasabi na may spark na sila nung Jason na yun pero Team Tyron parin pala.
"Eh Mish, kung humingi kaya ako ng signs?"
Signs? Anong signs? Tatawid ba syang EDSA o kaya sa kahit anong kalye para mangailangan ng signs?
"Kahit ilang signs pa ang dumating, bumagsak man ang lahat ng bituin sa langit. Kung hindi ka nya mahal, hindi ka nya talaga mahal." Sabi ko sa kanya.
Napangiwi na lang sya tapos tumayo at isinilid sa trash bin ang dalawang box ng Tissue.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Keyla sa kanya.
"Kukuha ng bagong tissue?" I guessed.
"Hindi. Naalala ko lang yung isang hugot mo. Na ang pagmo-move on, parang paggising sa umaga. Mahirap pero kailangan."
Inaalala nya ang mga hugot ko pero hindi nya kayang isabuhay? Tsk. Muntanga lang.
Hehe, stressed ako ngayon kasi clearance week. Pero alam nyo kung anong mas nakaka-stress? Yun ay ang hindi pa kompleto ang mga projects na ipapasa!!!
Vote, Comment & Be a Fan
BINABASA MO ANG
My Friends' Love story
ChickLit"Kailangan mo lang hintayin yung tamang pagkakataon, sa tamang panahon, at sa tamang tao. Dahil ang mga taong nagmamadali, laging mali ang pinipili." Si Misha Laurel ay isang highschool student na curious sa ibig sabihin ng love, at kung anong pakir...