My Blue

80 3 4
                                    

Prologue:

May Crush ba kayo?

Yung tipong ginagawa mo ang lahat para lang makita siya?

Kahit nagmumukha ka ng ewan, eh go pa rin ng go.

Basta ba eh makita mo si Crush, solve na araw mo!

Edi ko kung ganun pareha pala tayo! ^O^

Ay hindi pala, malala na itong sa akin.

Love na nga ata eh..Aish! Basta ewan! Hohoho!

All I wanted is to see him each day, to see his irresistible smiles, his laugh, his sweet voice and his simple gestures na nakakapagpakilig ng bonggang bongga sa akin. \^o^/

Hi! Ako nga pala si Kim Kielle Perez. 4th year sa Fordwin Academy. Mahilig akong kumain! Hoho! Atsaka I love collecting things. Lalo na kung may kinalaman kay Blue Drey Ford may loves ko! \^o^/

Haha! Baliw ako kay Blue, Certified! Hindi pa ba Obvious?

Kay Blue na Ultimate Hearthrob at Campus Prince sa Academy na pinapasukan ko.

May diary nga ako nun eh. Dun ko sinusulat lahat ng mga ka-ek ekang ginawa para lang kay  Blue. Yung mga nakakilig na eksena na ako lang naman ang kinilig. ↖( ̄▽ ̄")

Hahaha. Kaya lang nawala yung Diary ko eh. Ewan ko ba kung asan na yun.

Atsaka teka,

I love the color Blue.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kielle's Pov (One person's Pov lang po ang story ^^)

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Blue my loves!

Kyaaaahhh! Oh em!

Makalapit nga!

↖(^ω^)↗

Waah! Nagbabasa na naman ng libro si Blue my loves!

At eto naman si ako kilig na kilig.

Hmmm....makalapit nga ng konti para mapicturan ko siya. Bwahaha! Ang dami ko na kayang pictures niya. 

*Click*

Huwaa! Napa smile ako.

Nakangiti si Blue sa picture ko! Oh yeaaaah!

Ang gwapo nya super! (x_x)

Sinulyapan ko ulit si Blue, Sheyttt! Nakangiti pa rin sya!

Makabili nga ng librong binabasa ni Blue. Ano kayang meron dun?

Nagseselos ako sa libro. >3<

Napapangiti nya si Blue..

Okay, baliw ako. Nagseselos sa libro. Abnormal nga ako. -.-

*Kriiiiiiing*

Hala, nag bell na. Start of classes na.

Tiningnan ko ulit si Blue,

Hmm...asan na yun?

Nawala na siya. ::>_<::

Okay lang! Naka stolen shot naman ako sa kanya eh!

Hohoho!

Teka, makapunta na nga

sa classroom.

Patakbo kong tinungo ang classroom ko nang may nakita akong paa na nakaharang sa dinadaanan ko?!.....

At sa minamalas ka nga naman..

(⊙o⊙)----> Mukha ko

*Blaaag!!!*

Natisod ako sa paa at dumiretsong nag dive sa floor ng corridor.

"Araaay!" Nasapo ko ang ulo ko na may bukol ata.

Yikes, meron nga!

"Hahaha! Such a wuss!" Ini angat ko ang ulo ko at nakita ang tatlong mga clowns na nasa harap ko.

Hay nako, sila na naman. Kailan ba nila ako titigilan?

Meet The O.A fangirls of Blue Drey Ford.  >"<|||

Nag make face nalang ako at tumayo pero natumba na naman ako dahil kumirot ang binti ko.

Argh! Kaasar!

Bakit ngayon pa?! (*>.<*)

"Buti nga sayo! Wag ka kasing mangarap na magkakagusto si Prince Blue sayo. Ewww lang!"

Aba't! Eh kayo, kumusta ang mga mukha niyo? Bangasan ko kayo eh! Pasalamat kayo nanghihina ako ngayon!!

Nag death glare nalang ako sa kanila at ayun natakot ata eh tumakbo naman.

"DuwAaaaag! leche!"

Sigaw ko sa kanila. HAY! Nasira araw ko sa kanila!

Kainis! >"<|||

Sinubukan ko na namang tumayo pero tuwing ginagawa ko yun, bumabagsak ako.

Aahhhh! Nakakainis! NAkakabanas! Nakaka! Arghh! o(≧o≦)o

Paniguradong late na ako.

Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata ko.

Tinignan ko ang binti ko at yun nga...Naging kulat BAYOLET na..T_T

Kainis naman oh! Ipapa suspend ko talaga yung mga Payasong palaka na mga yun!!!

o(︶︿︶)o

Tssss....

Dahil sa hindi naman ako makatayo, nanatili nalang akong naka upo sa corridor. Hihintayin ko nalang mag break, para may makatulong sa akin. Class hours na kasi, wala ng gumagala na estudyante. At sa kamalas malasan, nandito pa ako sa abandonadong corridor namin na minsan lang may dumaan. (x_x)

Ako na! Ako na talaga!..

Haayyy..

At diko namalayan nakatulog na pala ako. -_-zzzz

To be Continued....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

He's BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon