Kung nakakapagsalita lang ang unan, kanina pa nagrereklamo itong unan na pinaghahampas ko.
Nandito pala ako sa kwarto ko.
Nagdadrama na naman sa ka ek ekan na nagawa ko kanina.
Wala eh. Masyado akong affected sa pagsigaw sa akin ni Blue.
Umiiyak na naman ako..
Buseet! T_T Ganito ko ba sya kamahal?
Sinigawan nga lang nya ako eh bumigay na ako,
Paano pa kaya kung malaman kong totoong girlfriend nya ba yung babaeng yun at kung hindi niya ako gusto, eh di sabog natong puso ko. (x_x)
Sheet! Andrama ko naman!
*Blaaag!*
"Hoy!"
"Ay! Blue my labs ko!" Napasigaw ako at nagulat dahil bigla nalang pumasok si kuya Xander sa kwarto ko.
Ngumiti sya ng may halong pang aasar..>"<|||
"Ayiie! Blue na naman! Panget mo talaga Kielle! Hinding hindi ka magugustuhan nun! Imposibleng maging kayo! Bwahahaha!!" tapos humagalapak siya ng tawa.
Umiwas nalang ako ng tingin at yumuko.
Totoo yung sinabi ni kuya.
Wala akong pag asa kay Blue.
Imposible...
"Hoy! Hala! Ba't ka naiyak?" Lumapit si kuya sa akin at tinignan ang mukha ko na pilit ko namang itinatago.
Napaiyak na naman ako!
Kaasar ka kuya, pinamukha mo pa. (*>.<*)
"Hoy...joke lang naman yun eh! Iyakin mo talaga! Hoy..." Tinutusok tusok ni kuya yung tagiliran ko.
Ang sakit na biro naman nun kuya.. :'(
Pinunasan ko ng dali dali yung mga luha ko at humarap kay kuya ng nakangiti.
"Hahaha! Joke lang kuya! Patola! Napaniwala din kita! Bleh!" Binelatan ko si kuya at ngumiti ng malaki.
Akala ko pepektusan ako ni kuya,
pero iba yung ginawa niya.
Ginulo niya yung buhok ko at ngumiti sa akin.
"Ang plastik naman ng mga ngiti mo bunso...Galingan mo naman ang pagsisinungaling next time...Masakit ba?"
Tanong niya sa akin at ngumiti sya ng malungkot.
Si kuya talaga..Alam niya na.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at bigla nalang akong humagulhol ng iyak at inakap naman ako ni kuya.
"Kuya, ang sakit..*sob* Ang sakit pala..Akala ko crush ko lang *sob* siya. Yun pala, mahal ko na siya! *sob* Ang unfair kuya! Bakit ganito? Ayoko na! *sob* Kuyaa..." Para akong batang nagsusumbong kay kuya.
BINABASA MO ANG
He's Blue
Teen FictionCrush na crush na crush kita, di mo ba nadarama Blue Drey Ford? Crush mo rin kaya ako? Cross my heart P.S I love you.