Unang araw ng pagsusulit namin ngayon sa 1st quarter ng taon, pinag-papawisan ako sa aking kinakaupuan dahil hindi ko maalala ang tamang equation sa pagsusulit na ito. Hindi ako pwedeng bumagsak sa unang pagsusulit namin sa Mathemathics. Kailangang 100 ang marka na makuha ko sa subject na ito para maging qualified sa pagkuha nang Engineering course sa susunod na taon.Habang palakad-lakad ang aming guro sa buong silid ay dahan-dahan kong kinuha ang test paper na kung saan makikita ko ang tamang equation para sa pagsusulit na kinukuha ko ngayon. Hindi naman siguro ako paghihinalaan ng aming guro na nangongodigo dahil consistent akong magaling sa kanyang klase. Nang makita ko ang equation ay naka-hinga agad ako nang maluwag, ito lang ang nalimutan kong i-review para sa pagsusulit na ito.
Matapos kong masagutan ang mga tanong ay bigla namang humangin ng malakas at nilipad ang test paper na may sagot at ito ay bumagsak sa sahig. Napalagok ako nang malalim sabay lingon ng dahan-dahan sa aking likuran. Nasa sahig nga ang test paper at nakita ito nang aking kaklase.
"PATAY NA! MASISIRA NA LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO!"
Bigla nalang nag flashback lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Simula noong bata pa lamang ako ay lagi na akong una sa aming klase. Ako ang pinaka-magaling sa lahat. Academics, sports, and any other extra curricular activities ay lagi ako ang leading and never pa akong naging second place.
Since elementary days palang, lahat ng mga mata ay naka-tingin na sa akin not because of I'm pretty or something it's because I was born to be perfect. I'm good in everything dahil lahat ay kaya kong gawin at kaya ko ma-achieve.
I'm always on top and my mom really loves it and she's proud of me. Gusto niyang maging successful ako in the future so she planned everything for me.
BINABASA MO ANG
A between Z
Teen FictionAng buhay ni Airene Argamosa ay isang aklat na nakatakdang mangyari sa bawat araw-araw ng yugto nang kanyang buhay. Si Airene ang pinaka-magaling na mag-aaral na nakatakdang maging pinaka-magaling na engineer balang araw. Ito ay itinatakda nang kany...