Chapter 2 - Caution

143 27 0
                                    


Isang nakakatamad na araw ngayon sa eskwelahan at oo kahit mahilig ako mag-aral ay dumadating talaga ang oras na ito na bigla nalang magiging matamlay ang araw ko sa eskwelahan.

2nd period na namin ito ngayon pero hindi pa rin ako ginaganahan na mag-aral ngayon. Naka-upo pa rin ako nang tuwid sa aking upuan habang namimili na ang aming teacher para sumasagot sa black board. Kahit tumaas pa ako nang kamay alam kong hindi ako ang tatawaging teacher namin para sumagot ng equation.

"Okay, let's have uh.. Zamora!"

Bigla akong nabuhayan ng dugo nang marinig ko ang surname ni Zeus. Lumingon ako sa kanya at naka-tungo siya sa kanyang desk, of course natutulog na naman.

"Zamora! Andito ba si Zamora? New student ba 'to?" Tanong ng teacher.

Nagising na si Zeus at humikab ito nang malakas. Itinaas niya ang kanyang kamay sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Ano ho 'yun sir?" Tanong niya.

"Are sleeping in my class?"

"Opo, naka-tulog po ako.. Pasensya na." Sagot niya habang pakamot-kamot ng likod ng ulo niya.

"Solve this equation on the board!" Sabi ni sir at lahat ay tumingin sa kanya.

Ito yata ang unang pagkakataong natawag ang pangalan niya para pumunta sa unahan upang sagutan ang nasa board na equation. Patay ka Zeus! Ako ang gumagawa nang mga homework mo, kaya kung binabasa mo ang mga nilagagay ko na sagot ay masasagutan niya anh equation na 'yon.

"Hurry up! Go to the board!" Sabi ni sir.

Naglakad siya papunta sa black board at pinagtitinginan na siya nang buong klase. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero natutuwa ako sa mga oras na ito. Ikaw naman ang mapapahiya ngayon Zeus, mararamdaman mo ang naramdaman ko noon nung napahiya ako sa'yo.

Habang hawak-hawak niya ang chalk ay naka-tingin ito sa board at wala man lang isinusulat na kahit na ano.

"Mr. Zamora, why can't you just answer the equation?"

"Uh sir.. Hindi ko po alam kung paano sagutan 'to.." Tugon nito.

"What?" Sabay kuha sa notebook niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What?" Sabay kuha sa notebook niya. "You have your answer in your assignment, how come you can't answer that on the board!"

"Eh sir, hindi naman po kasi ako ang gumawa niyang assignment ko." Sagot naman niya.

"Ano? Ang ibig mong sabihin, hindi ikaw ang gumawa nang assignment mo ganun ba?"

"Uh, opo, ganun na nga po." Sagot niya na parang nahihiya. Heh, sa wakas naka-ganti rin ako sa'yo.

"Sino ang gumawa nang assignment mo?" Tanong nito.

"Si Airene Argamosa po." Tugon nito at lahat ay nagsigawan.

A between ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon