Dalawang linggo na ang nakalipas at patuloy pa rin ang rumors around the school patungkol sa aming dalawa ni Zeus. Hindi na yata kami titigilan nang mga tsismosa sa school. Madalas pa rin niya akong intayin sa may gate kaya naman lagi akong nasama sa mga gala at pamamasyal ng mga kaibigan ko para lang maka-iwas sa kanya.
Hindi na muli akong kinausap ni Sehun ngunit parati pa rin siyang andoon kung nasaan ako. Madalas ay nakatingin lang ito at pinapanuod ang mga galaw ko. Daig ko pa tuloy ang isang notorious na criminal na kailangang bantayan lagi.
"Ikaw na talaga Airene! Dalawang lalaki na ang naaligid sa'yo nang sabay ha." Sabi ni Erin na tuwang tuwa pa.
"Sa tingin mo ba gusto ko yun? Para na nga akong kriminal nito dahil lagi nasa paligid yang dalawang yan." Sagot ko naman.
"Actually, si Sehun lang namang ang medyo creepy.. Pero si Zeus, gosh! Napaka-sweet at napaka-protective na lalaki." Sabi ni Ray habang katabi niya ang boyfriend nyang si Jay.
"Hindi ka ba nahihiya dyan sa boyfriend mo, kasama mo siya tapos kinikilig ka sa ibang lalaki dyan." Sagot ni Eugi.
"Nako hindi," sabay sandal kay Jay. "Maunawan itong si Jay, tska hindi naman siya seloso kagaya nang iba.. Diba Jay,"
"Tama 'yon, tsaka Airene, nakikita ko namang mabuting tao si Zeus. Kaya nagtataka ako kung bakit pilit mo siyang nilalayuan ang pinapakita naman niya sayo ay puro kabutihan lang." Tugon ni Jay at medyo nabigla ako sa sinabi niya.
"Paano mo naman nasabing mabuti siyang tao eh napaka-pala away nga." Sabi ni Eugi.
"Madalas ko siyang makita sa lugar namin, inaalagaan niya yung mga bata na anak ng kapit bahay namin.. Minsan nga nagbibihis pa siyang clown para mapasaya lang yung mga bata." Sagot ni Jay.
"Baka naman sugar mommy niya yung nanay nung mga bata," patawang tugon ni Eugi.
"Hindi, wala nang nanay ang mga bata na inaalagaan niya. Habang wala pa ang kanilang tatay na, si Zeus ang nag-aalaga sa kanila nang libre." Sagot ni Jay.
"Tama yun, dahil nakita ko rin siya duon minsan na nagpunta ako sa bahay nila Jay." Dagdag ni Ray.
"What can you say Airene?" Tanong ni Wena.
"Kailangan ko pa rin humanap ng paraan para tigilan na niya ako," sagot ko at tumingin ako nang diretcho kay Jay. "May naiisip ka ba na paraan para tigilan na ako ni Zeus?"
"Hmm, hindi ko alam, pero ang gusto mo lang naman ay matigil na ang mga tsismis tungkol sa inyong dalawa ni Zeus diba?" Tanong nito.
"Ugh, ganun na rin yun, ang tingin ng lahat magkasintahan kaming dalawa." Tugon ko.
"Kailangang magkaroon siya nang girlfriend para itigil na nila ang kwento sa inyong dalawa." Sagot ni Jay.
"Tama! Kapag nagkaroon siya nang girlfriend at makikita nang lahat, siguradong titigil na ang mga rumors sa inyong dalawa." Sabi ni Erin.
BINABASA MO ANG
A between Z
Teen FictionAng buhay ni Airene Argamosa ay isang aklat na nakatakdang mangyari sa bawat araw-araw ng yugto nang kanyang buhay. Si Airene ang pinaka-magaling na mag-aaral na nakatakdang maging pinaka-magaling na engineer balang araw. Ito ay itinatakda nang kany...