Chapter 1 - Begin

217 32 0
                                    


Airene's POV

First day na nang second quarter namin ngayon at excited na akong mag-aral ulit sa mga susunod na topics sa mga subjects namin.

Isinuot ko na ang aking uniform na plantsado at tumingin sa salamin. Itinali ko na ulit ang aking buhok as bun at isinuot ang aking eye glass. Since my senior year started, hindi ko na kayang hindi susuotin ang eye glass ko dahil malabo na ang aking mata dahil sa kakabasa ko nang mga aklat gabi-gabi.

Bumaba na ako mula sa aking kwarto at agad kong binati ang mga magulang ko nang masayang 'Good morning'

"Oh, ang aga mo yata ngayon na papasok?" Tanong ni mommy.

"Uh, opo," sagot ko sabay upo sa harap ng lamesa para kumain. "May class duty po ako ngayon kaya maaga akong papasok."

"Airene, ipapaalala ko lang sa'yo.. This is your senior year, kailangang ikaw ang valedictorian sa batch nyo."

"Of course mom, I will be a valedictorian." Sagot ko na mabilis.

"Hmm," ipinatong ni dad ang kamay niya sa aking balikat. "Talaga bang engineering ang kukunin mong kurso anak?"

"Engineering ang kukunin niyang course." Sagot ni mommy nang mabilis kaya hindi na ako umimik pa.

Hindi na rin umimik pa si daddy at kumain na lamang kami nang tahimik at puro tinginan lang kami. Alam ni dad na ayaw kong maging engineer. Gusto kong maging Botanist someday, pero sabi ni mommy maganda ang magiging future ko kapag engineering course ang kukunin ko.

Lahat ng estudyante nang paaralan namin ay napasok na sakay sa kani-kanilanh bisekleta. Pinatupad ko ito bilang isang regulasyon para wala nang dahilan ang mga estudyante para mahuli pa sila nang dahil sa trapik.

Kaya lang naman ako umagap ng pasok ngayon dahil sa gusto kong harapin at kausapin ang kaklase kong 'yon na nakahuli sa akin. Siguradong dito siya dadaan papasok ng school.

I studied everything that can happen after he caught me cheating in our exam yesterday. Base sa napanuod kong teledrama kagabi na paboritong panuorin ng aking kapatid ay nalaman ko na ang aking gagawin sa kanya.

He was just playing it cool pero alam kong sasabihin niya rin ito sa mga teachers namin.

After 30 minutes of waiting ko, finally dumating na siya. Sakay siya sa kanyang bisikleta habang subo-subo niya ang malaking tinapay sa kanyang bibig.

"Psssst! Pssst! Hey! Heyyyy!" Tawag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.

Tumigil siya sa pagtitipa at lumapit siya sa akin. Tinanggal niya ang subo-subo niyang tinapay at nag simula na itong ngumuya.

"Ano 'yon?" Tanong niya habang may laman pa ang kanyang bibig.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at mukha talaga siyang tamad mag-aral at puro kalokohan ang laman ng isip. Hindi man lang naka-butones ang polo niya at naka-suot pa siya nang rubber shoes imbis black leather shoes. Ang mas matindi pa sa itsura niya, naka-suot pa siya nang hikaw sa magkabilang tenga at kulay orange ang buhok.

"Can we talk?" Tanong ko.

"We are talking.. Ano nga 'yon?"

"About what happen yesterday.." Sagot ko sabay abot ng pera sa kanya.

A between ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon