Pumasok ako nang maaga sa school dahil ako ang morning DJ ngayon sa school radio namin. Habang pinaparada ko ang aking bisikleta sa parking space ay may mga babae na nasa paligid ko. Lahat sila ay naka-ngiti sa akin at mukhang nahihiya na kausapin ako."Uh, can I help you?" Tanong ko sa kanila.
"Wala.. Uh, masaya lang kami dahil may boyfriend ka na pala Airene." Sabi ng isang babae.
"What are you talking about?" Tanong ko habang papalapit sa kanila.
"Diba kayo na ni Zeus Zamora," sagot ng isa at nagtawanan sila.
"Actually, gusto lang namin ikaw i-congratulate kasi bagay na bagay talaga kayo ni Zeus." Tugon naman ng isa.
"I don't know what are you talking about.." sabi ko at wala akong masabi na kahit na ano.
"Sige, mauna na kami.." Sagot nila at naglakad na sila papalayo.
Iniwan nila akong mag-isa dito at nagsisimula na namang uminit ang ulo ko. Kaaga-aga may mangbwibwisit na naman at sisira sa araw ko.
Naglakad ako papunta sa school radio station at nang makita nila na parating ako ay bigla silang nag tabihan sa gilid. Binagalan ko ang aking pag-lalakad at tinitingnan ko sila isa-isa. Lahat sila ay lalaki at mga pamilyar na ang mga itsura nila sa akin.
"Mrs. Zamora!" Sigaw nilang lahat habang nadaan ako sa gitna.
Aisssh! Tama ako, mga kaibigan nga sila ni Zeus. AGHH! Ang lalaking 'yon talaga, nakakainis! Siguradong may sinabi pa siya tungkol sa amin. Ugh.
Hindi ko na lamang ito pinansin hanggang sa makapunta ako sa radio station. Nag simula na ako by greetings at kasunod nito ang mga anunsyo patungkol sa school events and other regulations.
Ang segment ko sa school radio ay patungkol sa mga usapin sa loob ng school. May kalayaan ang mga estudyante na tumawag sa aming hotline telephone para maghayad ng kanilang mga saloobin at bilang host dh ay magbibigay ako nang advice o opinyon tungkol sa kanyang ilalahad.
"Okay, our next caller please.." Sabi ko at ini-on ko na ang kanyang linya.
"Hi Good morning DJ Airene!"
"Well, hello there, pwede bang malaman namin ang iyong pangalan?"
"Ehh? Hindi mo ba ako nakikilala sa boses ko?"
"Marami akong kilala sa loob ng school na ito at posibleng hindi ako makatanda nang mga boses." Tugon ko naman na may kasama pang tawa.
"Magkasama lang tayo kagabi sa bookstore nakalimutan muna kaagad ang boses ko?" Tanong nito na natawa at tsaka sumagi sa isip ko si Zeus. Pati ba naman dito ay bwibwisitin niya ako? "Ano, kilala mo na ba ako? Ako si Zeus Zamora.."
"Uh-- Z--Zeus Zamora, okay," sabay lagok ko. Hindi ko pwedeng iterminate ang tawag niya dahil on-air kami ngayon. "So, dumako na tayo sa gusto mong ilahad ngayong araw."
"Sige," patawa niyang tugon. "Ang gusto ko lang naman sabihin sa lahat ng nakikinig ngayon na nahingi ako nang tawad sayo Airene tungkol sa nangyari kahapon sa ating klase."
"Uh, yun lang ba? Uh.. pinatawad na kita sa ginawa mo kahapon.." Patawa-tawa kong sagot.
"Hindi lang 'yon ang gusto kong sabihin. Gusto ko rin malaman ng lahat na wala ka talagang gusto sa akin."
"Ahh.. Zeus, hindi naman yata.."
"Teka lang, hindi pa ako tapos Airene.. Maaaring hindi mo ako gusto ngayon, pero gagawin ko ang lahat para magustuhan mo lang ako dahil gustong gusto kita Airene!"
BINABASA MO ANG
A between Z
Teen FictionAng buhay ni Airene Argamosa ay isang aklat na nakatakdang mangyari sa bawat araw-araw ng yugto nang kanyang buhay. Si Airene ang pinaka-magaling na mag-aaral na nakatakdang maging pinaka-magaling na engineer balang araw. Ito ay itinatakda nang kany...