Pumasok ako sa eskwelahan na inihatid ako nang parents ko. Hindi ko pa kayang pumadyak sa bisikleta dahil sa sugat na nakuha ko kagabi. Nakakahiya tuloy, kitang kita ang bandage sa tuhod ko.
Hindi ko ipinaalam ang nangyari kagabi sa mga magulang ko. Ang tanging sinabi ko lang ay aksidente na nadulas ako kaya ako nagka-galos sa tuhod.
Pagpasok ko pa lang ng locker room area ay binati na kaagad ako nang mga kapwa ko estudyante. Iisa lang ang mga sinasabi nila, pinapansin nila ang bandage na nasa tuhod ko at tinatanong nila ang nangyari.
Nang tumunog na ang ring bell ay nag alisan na ang mga tao sa loob ng locker room para magmadaling pumunta sa kani-kanilang classroom.
Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa araw na ito. Dumating naman bigla si Zeus at dumaretcho kaagad siya sa kanyang locker. Napatingin ako sa kanya at kulay itim ang paligid ng mata niya. Teka, may black eye siya?
"Ehh?" Napatingin siya sa akin at nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya.
Isinarado niya ang kanyang locker at lumapit sa akin. Siguradong kukulitin na naman niya ako ngayong araw.
Tumungo siya at tiningnan niya ang aking tuhod, "Buti nalang yan lang ang nakuha mo kagabi," sabay ngiti niya sa akin. "Nakakalakad ka ba nang maayos?"
"Ehh? Paano mong.."
"Diba sabi ko naman sayo delikadong umuwi mag-isa kagabi. Buti nalang sinundan pa rin kita at nakita ko yung lalaking nasunod sayo kagabi.."
"Huh.." nang titigan ko ang mga nasa mukha niya na galos tsaka ko lang napagtanto na possibleng nakipag-suntukan siya sa maskuladong lalaking 'yon kagabi.
"Kaya sa susunod mag-iingat ka," sabi niya sabay talikod. "Tara na, tumunog na yung bell, baka mapagalitan na naman ako ni Sir Valderrama kapag nahuli ako!"
Isinarado ko na rin ang aking locker sabay takbo pasunod sa kanyang likuran. Napansin ko na may bandage ang kanan niyang braso kaya sukbit niya ang kanyang bag sa kaliwa niyang balikat. Mukhang nahirapan yata siya kagabi sa pakikipaglaban duon sa lalaking 'yon.
Nakakaramdam tuloy ako nang pagka-guilty. Sa kabila nang ginawa kong pagtataboy sa kanya kagabi ay tinulungan pa rij niya akong makaligtas sa lalaking 'yon kagabi. Itinaya niya ang sarili niyang kapakanan para lang hindi ako mapahamak.
Nang paakyat na siya sa hagdanan ay bigla kong hinawakan ang kanyang uniporme at napatigil siya sa paglakad.
"Ehh?" Nilingon niya ako at hindi ako makatingin sa kanya.
"Uh.. Sa-Salamat kagabi.." tugon ko na nahihiyang humarap sa kanya.
"Heh," humarap siya sa akin at sinilip niya ang mukha ko. "Walang anu man Airene, ang mahalaga hindi ka napahamak kagabi.." sabay tawa niya.
BINABASA MO ANG
A between Z
Ficção AdolescenteAng buhay ni Airene Argamosa ay isang aklat na nakatakdang mangyari sa bawat araw-araw ng yugto nang kanyang buhay. Si Airene ang pinaka-magaling na mag-aaral na nakatakdang maging pinaka-magaling na engineer balang araw. Ito ay itinatakda nang kany...