"Hi po Sir!" Binati ko tatay ni EC. Teacher kasi ang Tatay ni EC sa school namin. Math teacher sa Senior High-school, to be exact. Mabait naman si Sir samin, strict at terror nga lang ang pagka-kilala sa kaniya ng mga estudyante.
"Hi Sir Lusano! Goodmorning po!" Sabi ni Hana pagka-upo sa likod ng van.
"Magandang umaga din sa inyo." Sabi ni Sir tapos nag drive na papuntang school.
"RENEÉ!!!!" Sigaw sakin ni EC tapos ngiting ngiti.
"EC!!!!!"
"ANG PANGIT MO PA RIN! Kala ko ba gumanda ka na?"
"Epal mo. First day na first daw of school ganyan sasabihen mo sakin."
"Don't worry, pareparehas naman kayo nila Sav." Sabi niya sakin sabay tawa.
Sav. Savanah ang totoo niyang pangalan. Isa siya saming tropa. Siya ang pinaka-mataba sa amin, and may braces siya and glasses. Hindi naman siya ganun kataba, pero mataba siya. (Diba ganda ng explanation ko)
"Diba ang saya! Same school pero iba na ang building natin! Mas malaki tas hindi na pang bata yung decorations." Ang sabi ni EC sakin.
"Oo nga! Wala ng playground!"
"Saya pa naman mag slide ng nakabaliktad."
"Oo nga eh. San ba natin imeemeet sila Sav?"
"Hindi ko alam din eh. Pero malamang sa canteen didiretso sila Sav and Anna."
Anna. Ang haba ng buhok niya sobra, pero baka wala silang gunting. Basta yun, tas payat din siya.
"Nandito na tayo mga anak. Baba nalang kayo dito sa gate. Hahanap pa ako parking eh." Sabi ni Sir samin.
Bumaba na kami.
"Ate! Punta na ko Elem building ah! See you laturrr!" Sigaw ni Hana sakin, tas tumakbo na siya.
Pumunta ma kami ni EC sa high school building.
"Baka mawala naman tayo dito." Sabi ni EC.
"Okay lang yan magpaka- Dora tayo."
Goodmorning Highschool students! Have a blessed day to all. Ang sabi ng babae sa speaker ng school.
Pumunta kami ni EC sa canteen, at bumili ng shake.
Time check 8:31 a.m.
Mamayang 10:00 pa kami aakyat sa classroom namin at 1:00 uuwi.
First day of school kasi, kaya thug life pa kami.
Ayun, bumili ako ng large chocolate shake.
Tas naglakad kami ni EC sa hallway tapos—
"ARAY!" Sigaw ko.
Naupo ako tas natapon shake ko.
Isang bwiset na lalaki ang naka-bangga sakin na naka glasses.
Mga senior high-school na siguro siya.
"ANO BA YAN KUYA! KAWAWA YUNG SAHIG!" Sigaw ko sa kaniya.
Tumawa siya.
"Wow Ate. Yung sahig pa kawawa ah." Tumawa pa siya.
"Syempre noh! Pano yung Janitor na maglilinis nito, edi mahihirapan pa!"
"Ate papalitan ko nalang."
Tinignan ko lang siya ng masama.
Asan ba si EC?! Hampaslupa.
"Magkano ba yan Ate?" Tanong ni Kuya sakin.
Biglang may narinig ako tumatakbo papunta sakin.
Si EC.
Tumingin si EC sakin tas kay Kuya.
Siguro pagsasampalin ni EC si Kuya kasi ginawa sakin toh ni Kuya.
Biglang ngumiti si EC.
"Goodjob Kuya." Sabi ni EC kay kuya.
Aba hampaslupa nga talaga.
"Ay, Ate kilala mo siya?" Ang tanong ni Kuya kay EC.
"Opo, ano po ba nangyari?"
"Nabangga ko kasi. Magkano ba yung shake bayaran ko nalang."
"Umm... 35 pesos po."
Kumuha ng pera si Kuya sa bulsa niya. Tas binigay kay EC at tumakbo.
"Sarap mo picturan dyan Reneé. Katangahan kasi eh noh."
"I-TAYO MO NGA AKO!"
Tinayo niya ko.
"Oy. 30 lang yun diba. Akin nalang yung 5 ah. Buti nalang hindi nalagyan yung damit mo."
"BILI NGA ULIT TAYO SHAKE! HINDI PA KO NAKAKASIPSIP NI ISA, NATAPON KAGAD!"
Balik kami sa Canteen at bumili ng shake.
Hindi ko natandaan masyado itsura ni Kuya. Basta maputi siya, naka-under cut. Tas naka glasses.
Bumili ulit ako ng shake.
"Ingat na ha." Sabi sakin ni EC.
Umupo na kami sa upuan (malamang) habang iniinom yung shake.
"SI SAV BA YUN?!"
"Saan? Madaming mataba."
"Ayun!"
Tinuro niya sakin.
"Kasama niya sin ata si Anna."
"Pero bakit hindi kulot si Sav?"
Lumapit sila Sav samin. Napansin din ata kami.
Sakto, naubos na shake ko sa wakas, at tumayo na papunta kaila Sav.
comment 👓 for more
BINABASA MO ANG
7th Grade Crush
Romance[newbook] Uy si Crush! Crush? Normal lang naman yan sa isang tao Stalk sa social media niya... Pag-nakikita si crush, tumatalsik at hampas sa kaibigan Sa puppy love na ito, ng first year... Ano kayang mangyayari sa kaniya pag-tanda niya? Masasabi...