Naks straight na buhok niya

25 8 6
                                    

"SAV!" Sigaw ko.

"RENEÉ!!!!" Sigaw nila sakin.

So ano? Magsisigawan lang tayo ng pangalan?

"Sav? Bakit hindi ka na kulot?!" Tanong ni EC.

"Nagparebond!!!!"

"Ano ba yan. Porket first year sa Highschool, nagparebond na?! Aba bongga!" Ang sabi ko.

"Syempre."

"Wag ka magalala, walang nagbago sa mukha mo." Ang sagot ko, sabay ngiti.

Time check 9:00 a.m.

Huhu isang oras nalang.

"Anna! Mahaba padin buhok mo? Lalong humahaba!" Sabi ni EC.

"Syempre diba! Ganda ng buhok ko noh." Sagot ni Anna.

"Buhok lang. Takpan mo nalang mukha mo para mas Okey."

Tas yun, mga 9:30 umakyat na kami sa Classroom.

3rd floor yung room namin, room 312.

Sa likod kagad kami umupong magkakatabi.

Ng mag 10:00 na, pumasok na yung teacher namin.

Tsaka, lahat na ng hampaslupa naming kaklase ay nasa room na.

"Magandang umaga sa lahat! Ako si Ms. Amiee!" Ang sabi ng isang maliit, at kulot na may katamtaman na kulay na teacher ang nagsabi.

Agad kaming tumayo at—

"GOODMORNING MS. AIMEE." Ang sabi naming lahat.

Pinaupo niya kami.

———

Nang magdissmisal na, pumunta kami sa labas ng school para bumili ng pagkain.

Pumasok kami sa cafeteria sa labas na may upuan para dun kakain.

'Hindi sobrang masarap, pero masarap na' cafeteria ang tawag dito

Tas umupo kami sa table ng makabili kami ng french fries.

Sa kabilang table may nakita akong pogiiiiiiiiiiiiiii. Naka-glasses din.

Bakit puro naka-glasses ang naeencounter ko na lalaki ngayon?

Pogi niya tapos OMGOMGOMGOMG

"BES!!!!!!!!!!!" Sigaw ko

tas lahat ng tao sa cafeteria tumingin sakin.

"Ano ba yan Reneé, lahat ng tao tumingin sayo anong problema mo?!" Ang bulong sakin ni Sav.

"May pogi naman kasi dun sa kabilang table oh!!!! Tignan moooo!" Ang sabi ko sabay usog sa ulo ni Sav.

"Ay, oo nga noh. Pero hindi ko siya type." Sagot sakin ni Sav.

"ANO YUN ANO YUN?" Sabi nila Anna at EC.

"Mga chismosang chararat. Tanong niyo kay Reneé." Ang sabi ni Sav.

"Kasi may pogi dun oh. Yun..." tinuro ko sa kanila.

Lumingon sila sa likod nila.

"WAG KAYO MAGPAHALATA!" Bulong ko ng malakas sa kanila.

"Mukha naman daga!" Ang sabi ni Ana.

"POGI KAYA!" Sabi ko.

"Hay nako Reneé, alam mo namang pangit ka. Wala kang pag-asa kagad." Ang sabi ni EC.

"Ewan ko sa'yo EC. Who you ka sakin pag nag Senior na ako ah." Ang sabi ko.

"Anong school ni Kuyaaaaa?" Ang tanong ko, sabay turo dun sa pogi.

"Ewan." Sabi ni Ana.

"Savanah! Tignan mo I.D. lace. Wag ka magpapahalata ah." Ang sabi ko.

Sumulyap siya dun sa lace.

"Guadalupe High School. Reneé! Katabi lang ng school natin!" Ang sabi ni Sav.

Guadalupe High School. Katabi ng school namin, which is San Juan Academy. SJA, yung school namin and private school siya na elementary to senior HS.

Ang yung Guadalupe High School naman is for HS lang malamang.

Tas magkatabi lang school namin. Both private pero mas mahal yung SJA.

7th Grade CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon