Stalker pala mga kaibigan ko?

22 3 3
                                    

Neil!!!!!

Neil neil neil

Yun lang naman inisip ko hanggang makauwi na ko sa bahay at sabay kaila EC.

Nag-search kagad ako sa Facebook para makita ko siya

Para may malagay na kong picture sa locker ko hihihi

Nilabas ko yung phone ko. Opened the app Facebook, then...

'Neil' search ko.

Pero sa napaka-daming Neil sa buong mundo.

May mga Arabo pa, mga Amerikano...

Wala ba kaming mutual friends?!

Then scrolling, ang scrolling...

Neil Bueneventura?!

Omayghaaaaad

Ang galing ko tologo

Naka black and white yung dp niya, tas kunwari stolen.

Fogiiii

Add ko na ba?

Kaso mukhang stalker naman pag ganun :(

Wag muna...
———

"Bukas daw Reneé, may starting the school year fest ah. Ano susuotin mo?" Sabi ni Sav sakin. Freetime namin right now after ng recess. Eh wala na kaming classes since second day palang. So tuloy tuloy na hanggang dissmisal.

"Fest kagad? Pang-tatlong araw palang ah." Sagot ko.

"Kaya nga. Ang weird nga nun." Sabat ni EC, habang kumakain ng hotdog.

Tumamgo naman si Anna habang sinusubo yung burger niya.

"Mga bobo ba kayo?! Malamang starting the school year fest nga eh. Magtaka kayo kung starting the school year fest sa gitna ng year." Sagot ni Sav.

"Wag ka nga Sav. Bobo ka kaya din. Mas mataas nga ko sayo kanina sa school history test ng one point." Sagot ni Anna.

"Hindi ko alam kung ano susuotin ko. Wala naman nakakapansin satin eh kahit paulitulit lang damit." Sabi ko.

"Ikaw lang. Wag mo kami idamay." Sagot ni EC sabay tawa.

"Edi wow edi wow." Sagot ko.

"Ang ganda nun oh. Tignan niyo." Sabi ni Sav sabay turo.

Isang babae, mga grade nine. Mahaba buhok niya, tas payat, maputi.

"Ahh... Si Quin Gatchalian?" Sabi ni EC.

Quinn Gatchalian. Nakilala ko na siya dati. Kasi yung may school program, parang tuturuan mo yung mas bata sayo sumayaw. Tas siya nagturo sakin so yun. Grade 5 ako nun tas siya first year.

"SSG student treasurer siya. Bobo naman sa Math." Sabi ko, which is totoo naman. SSG stands for San juan Student Government.

"Baka walang sinabi yan si Quin sa talino ni Reneé sa Math... lang." Ang sabi ni Anna.

Best in Math kasi ako, dahil kay Papa na engineer.

Pagkatapos kumain, napag-desisyonan namin maglaro ng volleyball.

Nanghiram kami ng bola sa mga uto uto na grade schools.

"Kami muna Reneé ni Anna maglalaro ng volleyball ah. Magaling ka na naman." Sabi ni Sav tas ngumiti.

So umupo lang muna kami ni EC sa upuan.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtulala...

"Ate, pwede kayo makalaro? Wala kasi akong kasama eh." Bungad ng isang matangkad, maputi, at naka-glasses na lalaki, na may hawak ng bola para mag volleyball...

Ang lalaking grade 10 na naka-tapon ng chocolate shake ko kahapon.

"Sorry Kuya, pagod kasi ako next time nalang, ito nalang si Reneé. Magaling toh Kuya." Ang sabi ni Hinayupak na si EC.

Hindi kasi alam ni Sav na natapon yung shake ko, at siya ang nakatapon.

"Ate... Pleaseeee." Sabi niya sakin. Mukha naman siyang mabait, gwapo din.

Tumayo na ko.

Ako muna yung nagseserve

Tas yung gusto niya siya na daw magseserve...

Aba tanga

"Kuya mali po serve niyo." Sabi ko sabay ngiti.

"Sorry Ate hindi ako marunong paturo nga po. Okay lang po ba?" Sabi niya sabay lapit sakin.

"Sige lang po." Sagot ko. Bakit ako pino-po ni Kuyang naka-glasses?! Mukha ba akong teacher? Nagpapaturo pa siya sakin.

Hindi niya ba nakikita na patch ko is 7? And not P? Which stands for professor?

"Ate ano po pangalan niyo?"

"Reneé po. Ikaw, Kuya?"

"Readge po."

Sabi niya tas sabay paalam dahil uuwi na siya.

Umuwi kami ng maaga ngayon ni EC pati ni Hana

Onti lang kasi Paperworks ni Sir Lusano kaya nadrive niya kami pauwi kagad

After like, limang oras nag message sila Sav pati Anna sa groupchat namin:

Anna Banana: Hi guys kakauwi lang namin ni Sav. May inistalk kami kanina😍
Reneé Maganda: Ha?! Kakauwi nyo lg? Limang oras nyo instalk?!
Savannahahaha: YUP
Reneé Maganda: Sino nanaman yan?
Ella Umbrella: Seryoso? Sino
Anna Banana: Secret basta galing niya mag volleyballll
Ella Umbrella: may nalalaman laman pa kayong secret sabihen nyo naaa
Savanahahaha: sikritongmalufet HAHAHA

7th Grade CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon