The Start

690 19 7
                                    

The Start

Samantha's POV

Umiiyak lang ako sa isang sulok. Naiinis ako sa mga tao dito sa bahay. Pakiramdam ko tinraydor at pinagloloko lang nila ako. Wala akong pinaniniwalaan maski isa sakanila. Ayokong makinig, puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi nila. Pagod na pagod na ako.

Palagi nalang kinokontrol ang buhay ko. Tas ngayon ipapakasal ako sa taong hindi ko man lang kilala?

BullshitKung sino man yang poncio pilato na yan, sana mamatay nalang siya! Ayokong ikasal sa ganitong edad. Bata pa ako at marami pa akong ambisyon sa buhay pero sinira lang lahat ng iyon ng napakagaling kong lolo. Leche siyaParang wala ng kwenta ang buhay ko dito sa mundo nang dahil sakanya.

Napabalik lang ako sa katinuan ng may narinig akong katok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Princess, are you ready?" rinig kong tanong ni lolo mula sa labas ng kwarto.

"Leave me alone oldhag!" inis kong sambit. Mula nang malaman ko sakanya na ikakasal ako sa iba, nag iba na agad ang tingin ko kay lolo. Nawala ang respeto ko sakanya. Yung closeness namin bigla nalang nawala ng parang bula. Naging strict na siya sakin pero nandun parin yung pagiging malambing nya. Galit na galit ako sakanya! Napaka selfish niya! Tangina!

"Samantha!"

"Go to hell!"

Alam kong inis na inis na siya sa inaasta ko ngayon. Pero masisi niyo ba ako? Bastos na kung bastos. Malaman mo ba naman na ngayon ka na ikakasal?! Tae.

"Lumabas ka dito!" Akala niya susundin ko siya?

Pero malas nga naman dahil may spare key pala siya dito sa kwarto ko. Marahas niya itong binuksan at hinatak ako patayo.

"Samantha, don't try my patience!" galit na sigaw niya.

"Then wag niyo akong ipakasal sa iba! I-cancel niyo yang putanginang arranged marriage thing na yan!"

"It's for your own good. Please understand me."

"Understand!? I never understand you lolo! Palagi mo nalang iniisip yang sarili mo! Hindi mo iniintindi ang nararamdaman ko! Akala mo masaya ako sa punyetang marriage na yan!? E ikaw nalang kaya magpakasal lolo? Tutal para lang naman yan sa ikabubuti ng kompanya mo diba?! Diba? Simula nung malaman ko ito, kinakamuhi--"

*SLAAAP*

"Hindi kita pinalaki ng ganyan Samantha." malalim at ma-autoridad niyang sabi. First time na sinampal ako ni lolo. Napahagulgol nalang ako sa iyak.

"Ayusan niyo si Samantha. Maya't maya magsisimula na ang wedding ceremony." Sinunod naman ng mga personal maids ko ang sinabi ni lolo. Hahawakan na sana nila ako pero tinabig ko ang mga kamay nila.

"Please naman lolo oh... W-wag niyo nang ituloy 'to. M-maawa naman kayo sakin lolo.. P-please." pagmamakaawa ko sabay luhod sa harapan niya. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Kahit na nandito ang lahat ng mga katulong namin sa loob ng kwarto ko wala akong pakialam. Basta lang hindi matuloy 'tong kasal na 'to.

"I'm sorry Sam." sabay talikod niya at humakbang papalayo palabas ng pinto. Ngumiti ako ng napakapait. Ang sakit lang tanggapin ang katotohanan.

Marahan nila akong pinatayo at pinaupo sa harapan ng dresser ko. Tulala lang ako habang inaayusan nila ako. Gusto kong tumayo at tumakbo para tumakas pero ayaw kumilos ng katawan ko. Pagod na pagod na ako sa lahat na nangyari sa buhay ko.

So this is the last hour of me being single, huh?

**

Samantha po at the media section :)

Samantha's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon