Chapter 2.5

632 18 4
                                    

Amanda's POV


Nang makalabas sina Alexander at Samantha ng cafeteria ay mas lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Marami akong naririnig na malandi daw si Samantha kesyo kay bago-bago pa lang dito. Sino ba daw siya bakit pinagtanggol siya ni Louie at bakit siya kinaladkad ni Alexander palabas. Tsk! Nakalimutan ko palang sikat yung dalawang yun dito sa university. Mga mapanghusga talaga ang mga tao dito. Maling galaw mo lang, pinipintas at huhusgahan ka na kaagad. Ka-stress.


"Kawawang samantha." maarteng sambit ni Mica. Tinignan ko siya ng masama. Nagkibit-balikat lang ito at kumain nalang ulit.


"Bakit mo yun ginawa?" pasigaw ngunit mahina na sabi ni Louie kay Sophia. Naririnig ko sila dahil malapit lang naman ang table namin sa kinaroroonan nila. Naiinis na tumingin sa kanya si Sophia.


"Kasalanan naman niya e. Pake mo ba?" Nakapameywang niyang sabi. Knowing sophia? Mas tigas pa yan sa pinakamatigas na bato kung meron man dito sa mundo. Tsk!


"Kaibigan ko siya. Hindi mo dapat yun ginawa." Hindi pa rin nagpatinag si Sophia. Matapang niya paring tiningnan si Louie sa mata. Habang si Louie ay matalim ang tingin niya kay Sophia. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang reaksyon ni Louie sa ginawa ni Sophia. Hindi naman sa hindi ko gusto yung ginawa niyang pagtanggol kay Samantha kahit hindi naman pero hindi naman bago samin yung ginawa ni Sophia e. After all, she's a queen bee. Kaya para samin normal na yun. Pero naiinis pa rin ako sa ginawa niyang kalokohan kay Samantha. Bestfriend ko yun e. Pero nakakapagtaka lang si Louie. Ewan.


"At sino ka ba sa tingin mo?" dagdag ni Louie. Pagkasabi niya 'nun nilagpasan niya si Sophia at naglakad palabas ng cafeteria. Ouch ha.


Bumalik ang tingin ko kay Sophia. Nakita kong inalalayan siya ng mga kaibigan niya. Oa naman. Tinuon ko nalang ang pansin sa pagkain ko. I sighed.


"Da.." malambing na tawag ni Mica kay Samuel.


"Bakit ma?" nakangiting tanong ni Samuel. Nasa harapan ko sila. Nakatingin lang ako sakanila. I sighed.


"Date tayo mamaya." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mica. Siya pa talaga ang nagyaya. Pfft.


"Sure ma. San mo ba gusto?" Nakatitig lang si Samuel kay Mica na parang siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Kung mag-usap 'tong dalawang 'to parang sila lang ang tao dito ah. Pag-ibig nga naman napakapakshet.


"Kahit saan basta kasama kita. Masaya na ako 'nun." sabay kapit niya sa braso ni Samuel at sumandal sa balikat nito. Op na op na ako dito ha.


Padabog akong tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi ko na inubos ang pagkain ko dahil nawalan na rin naman ako ng gana.


"'San ka pupunta Amanda?" narinig kong tanong ni Samuel. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako hanggang sa makalabas ng cafeteria. 15 minutes nalang bago ang next class namin.


Bumalik na ako sa classroom. Konti palang ang mga classmates namin ang nandito. Wala si Samantha. Saan kaya yun nagpunta? Makailang ulit ko siyang tinawagan pero ayaw niyang sagutin ang tawag ko. Tinext ko nalang siya kung saang lupalop siya nilagay ni Lord pero hindi parin siya sumasagot.

Samantha's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon