Chapter 3

446 22 18
                                    

Samantha's POV


Nagising ako sa ingay ng alarm clock sa side table ko. I forcely open my eyes to see it's already 6:30 in the morning. Class starts at 7:30. Mabuti nalang talaga at hindi nanaman ako late nagising.


Naramdaman kong may gumalaw na bagay na nakapulupot sa waist ko. Dahan-dahan ko itong nilingon. Nagulantang ako sa nakita ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makumpirma ang nakita ko. Anong ginagawa ng hayup na 'to sa tabi ko?!


"AAAHHH!!! Manyak! Manyak! Manyak!" sigaw ko. Peste talaga 'tong lalaking 'to! Kay aga-aga binubwisit ako!


"Ang ingay mo..." He said in a husky voice. Napatakip ako sa bibig ko. Napapikit ako ng mariin.


"Rape! Rape! Rape!" tili ko. Mas lalo akong napatili ng pinisil niya ang bewang ko. Oh em zzz! Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit hanggang sa mapaaray siya sa sakit.


"Just one more minute Sam..."Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakapit sa bewang ko. Umiinit na ang ulo ko sa lalaking 'to. Bwisit ka talaga sa buhay ko Alexander! Bwisit!


"Walang 'yang lalaki ka!" sigaw ko sabay tulak sa kanya sa kama. Bumagsak siya, una ang ulo. Galit siyang tumingin sakin. Napangisi ako sa naging reaksyon niya.


"Ano bang problema mo?! Kitang natutulog pa yung tao!" sigaw niya. Magkasalubong ang kilay nito at kulang nalang siguro suntukin niya ako sa mukha.


"Ikaw! Bakit ka nandito natutulog sa kwarto ko ha?!" Dinuduro ko siya habang nagsasalita. Napataas ang kilay ko sa naging sagot niya.


"Mag-asawa naman tayo diba? So why bother?" Aba ang loko ngumisi pa. The nerve! Napaigting ang bagang ko. Hindi naman ako madaling magalit e pero pagdating sa lalaking 'to mabilis pa sa kidlat ang galit ko sa kanya. Nakakapakshet e.


"So? Wala kang karapatan matulog sa kwarto na may kwarto! May sarili ka namang kwarto e! And I need privacy Alexander! Privacy." diniinan ko talaga yung huling sinabi ko para isaksak niya sa makitid niyang kokote.


"It doesn't make sense." Nilagay niya yung hinlalaki niya sa baba niya na parang may iniisip at ngumiti nang nakakaloko. I closed my eyes and breathed heavily as I mentally count 1 up to 10. I need to be calm. Just don't mind that bastard Sam! Ugh.


Minulat ko ang mata ko at susugurin ko na sana siya nang bigla siyang tumayo. Napako ako sa kinauupuan ko. Nag stretch siya at humikab.


Naka boxer shorts lang naman siya at naka topless. Nagkunwari akong kinuha ang cellphone ko sa side table at tiningnan ang oras kahit alam ko na kung ano ang oras ngayon.


"Hindi ako komportable matulog pag hindi ako nakaganito kaya wag ka nang magtaka kung umagang-umaga palang binabalandra ko na itong abs ko." full of confident niyang sabi. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Mabilis akong umatras pero nahuli niya agad ang braso ko sabay hila papalapit sakanya. Nahulog pa yung cellphone ko leche.


Napairap nalang ako sa mahangin niyang ugali. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Tinitigan niya ang mukha ko. Hindi ako nagpatinag at tinitigan rin siya. Blangko lang ang mukha ko. Bale nakaluhod kaming dalawa sa kama. Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Ang awkward lang ng posisyon namin ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Samantha's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon