CHAPTER 9

5.5K 118 12
                                    

CALLUM

Iniabot sa akin ni Avery ang isang apron, ang menu, isang notepad saka ballpen.

"Ano namang gagawin ko sa mga ito?" pagtataka ko habang pinoproblema ang pagsusuot ng apron.

Lumakad papunta sa likod ko si Avery at siya ang nagsuot ng apron sa akin. Tumatama ang hininga niya sa batok ko na nagdudulot ng kilabot sa akin.

"Waiter ka sa ngayon." aniya. "Ano? Kaya ba?" pagkumpirma niya.

Tumunog ang door chimes, senyales na may bagong customer na pumasok sa coffee shop. Walang tiwala sa akin si Avery. Papakitaan ko muna ng galing ang isang ito.

Pinabayaan kong hindi nasasagot ang katanungan niya. Humarap ako sa mga customer sa may entrance at nginitian sila.

"Good morning, lovely ladies!" bati ko sa dalawang babae. Namula silang parehas at bahagyang humalakhak. "Samahan ko na kayo sa table niyo." ang sabi ko.

Lumakad ako papunta sa banda dulo ng coffee shop kung saan may table for two na hindi occupied. Nakasunod ang dalawa sa likod ko at naririnig ko ang mahina nilang pagkekwentuhan tungkol sa akin.

"Ngayon ko lang siya nakita dito..." sabi ng isa.

"He's cute though..." sabi naman ng pangalawa, dahilan para humagikgik sila.

I'm a bisexual, yes. Mas nananaig ang pagkagusto ko sa mga lalaki. Malambot ako g very very light lang naman. Pero di ibig sabihin nun na wala na akong karisma at dating sa mga babae.

"Heto po ang table niyo mga miss." sabi ko at umupo na sila sa magkatapat na mga seat. "Here's the menu. Kukunin ko na lang ang mga order niyo when you're ready." Iniabot ko ang menu at lumakad na pabalik kay Avery sa may counter.

"Doing well?" pagkamusta niya habang tinitignan isa isa ang iba't ibang resibo mula sa isang box.

"Yep. Piece of cake." tipid kong sagot.

Namatahan ko si Benjie sa gilid, sayang saya habang nakaupo at nilalantakan ang isang slice ng chocolate cake. Pinuntahan ko siya kaagad. Akmang iinumin niya ang frappe niya nang bigla ko siyang unahan sa pagkuha.

Umupo ako katabi niya sa sofa habang sumisipsip sa straw. "Oh, cookies and cream? Wow. Thank you." sabi ko at ipinagpatuloy ang pag-inom. Na-relaw naman ako kahit kaunti sa flavor ng frappe.

"Tss... Bigay ni Lola Carolina 'yan sakin eh. Nagtetaste test kami." aniya at kumuha ng part ng cake gamit ang tinidor.

Agad ko siyang hinawakan sa kamay at idinerekta ang tinidor papunta sa bibig ko. Kinain ko ng bilisan ang piraso ng cake. "Grabe! Ang sarap nito!" puri ko at sumandal muli sa sofa.

Tinitigan lang ako ng masama ni Benjie at umusog ng kaunti palayo sa akin. Di ko nalang pinansin, inatupag ko na lang ang pag-ubos sa frappe ko.

"Callum!" pagtawag ni Avery mula sa counter habang kumakaway.

Kinuha ko ang dalawang kamay ni Benjie at ipinahawak ang baso ng frappe. "Thank you ha? Sayo na yung tira." Agad na akong lumapit kay Avery.

"Oorder na yung mga babae kanina." sabi nito.

Nilingon ko naman ang lamesa ng mga babae. Kinilig silang parehas nang mapatingin ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko na ang notepad at ballpen saka nagmartsa palapit doon.

"Can I take your order, ladies?" tanong ko nang may ngiti. Yung ngiting pinaka nakakasilaw na kaya kong gawin. Okay, exaggerated.

Nagtinginan sila ng mabilis saka ngumiti ng pasimple.

Trap BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon