CHAPTER 11

5.3K 97 8
                                    

CALLUM

Kinurot ko ang magkabilang pisngi ni Benjie. "Para kang batang maliit! Umiyak ka dahil lang sa halik!" Tumahan na rin sa wakas ang iyaking bata. Nakakatuwa lang dahil sa tinagal tagal kong kaibigan itong malaking kumag na ito, ngayon ko lang nalaman na uiiyak rin pala ang kulugo!

Ipinaikot niya lang ang kanyang mga mata at ngumiti. Bumitiw na ako sa kanya at sinindihan ang flashlight. Bumukas na ang elevator at nakarating na kami sa pinaka mataas na floor ng building. Tumambad sa amin ang isang madalim at malamig na corridor. Tanging pagkalabog lang ang nadirinig, wala nang ibang ingay.

"We're here." maikling irap ni Benjie.

Napalunok ako. "Hindi naan ito tulad doon sa mga horror movies o kaya sa mga zombie video games sa arcade na paglingon natin, may biglang lilitaw na kung anong kutong lupa mula kung saan noh?" paninigurado ko.

Natawa si Benjie. "Wag ka nga paranoid, bro!" Nauna na siyang lumabas ng elevator at naglakad.

Nakakahiya man sabihin pero naduduwag talaga ako kung minsan. Inilawan ko ag buong paligid bago tuluyang maniwala sa kanya at sumunod. Lakad takbo na ang ginagawa ko hangga sa abutan ko siya.

Huminto kami ni Benjie sa harap ng bakal na pinto. Binuksan niya iyon at lumabas ang nagkukumawalang ingay ng tugtugin at ingay ng mga tao mula sa loob.

"Welcome to Paradiso! Mi casa es su casa." gunita niya. "Ano? Gusto mo bang subukan paano magwork dito or magpapakasaya ka na lang muna?"

Sumilip ako sa loob para i-check ang paligid. Nakakaaliw yung dami ng mga tao. May mga sumasayaw sa dance floor. Mayroon mga todo kung magpakalunod sa alcohol sa may counter. Huling huli din yung mga gumagawa ng kababalaghan sa sulok sulok. I guess mapapadalas ang pagsama ko kay Benjie sa lugar na ito...

"It'll be better if magpaparty na lang ako. You do your business. I do mine. Tara na sa loob?" hinawakan ko na siya sa kamay at hinila papasok. Hindi na siya nakapalag pa.

Nakakabingi ang lakas ng tugtog. Ginaganahan na tuloy ako sumayaw! Madilim at nagpapatay sindi ang mga disco lights. Well ventilated naman kaya hindi maalinsangan kahit full pack ang lugar.

Hinila ako palapit ni Benjie sa kanya. Dikit na dikit na ang mga katawan namin. Itinapat niya ang bibig niya sa tenga ko para marinig ko ang sasabihin niya. "Punta muna tayo ng Technical Room." aniya.

Isinama niya ako patungo sa isang room sa dulo ng barkung saan siya nagpapaka-DJ. Pumasok kami doon at nadatnan ang isang lalaking DJ na nag-aayos ng iba't ibang CDs.

"Oh ma' men!" bigkas nito at nakipag-man hug kay Benjie. Putok na putok ang dibdib at mga braso ng maskuladong lalaki sa t-shirt niya. May balbas din at naka-dread locks siya. "Mukhang may kasama ka." pansin niya sa akin at nakipag fist bomb.

"Callum, siya si Boomer. Co-DJ ko dito sa Paradiso." pakilala ni Benjie.

"Are you having fun around here?" pangangamusta ni Boomer bago lagokin ang laman ng beer in can niya. Kumikintab ang maitim niyang balat mula sa liwanag galing sa iilang monitor sa harap niya. Nginitian ko lang siya.

"Kadarating lang namin kani-kanina and it's his first time sa Paradiso so mas maganda siguro kung itu-tour ko muna siya bago dumating si--" Hindi na nagawang tapusin ni Benjie ang sasabihin niya dahil may kung sino ang biglang nagsalita mula sa likod namin.

"Bago dumating sino, Benjie? Tama ba ang pagkakarinig ko? Kadarating mo lang kani-kanina?" pag-entrada ng isang boses ng babae.

Nagpanggap na may inaasikasong ibang bagay si Boomer, nagsalita siya sa isang mic at nagplay ng bagong musika.

Trap BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon