CALLUM
Umuuga uga ang paligid. Gumagalaw yung lupa. O baka naman ako lang ang nag-iisip nun?
Naalimpungatan ako mula pagkakatulog. Sobrang sakit ng ulo ko. Mabagal kong iminulat ang mga mata ko. Kinapakapa ko ang bagay na hinihigaan ko. Nag-ayos ako ng posisyon at pinilit umupo kahit na mabigat ang ulo. Nasa pinaka likod na passenger seat ako ng isang di pamilyar na van. Umaandar ang van ngunit di ko alam kug saan papunta.
Nasa bandang unahang upuan si Benjie. Busy sa PSP niya, naglalaro ng kung ano man. Si Avery naman ang nagdadrive. Tahimik lang silang dalawa habang nagpeplay sa radio ng van ang di ko kilalang kanta.
Isinandal ko ang katawan ko sa upuan at ini-relax ang katawan. Ang bigat ng ulo at katawan ko, sobra! "May pain reliever ba kayo dyan?" tanong ko.
Nilingon ako sa likod ni Benjie. "Gising ka na pala Callum. Mukhang nag-enjoy ka nga sa club ah?"
Napansin kong sumilip ng sandali sa rear view mirror si Avery. "Benj, may medical kit sa ilalim ng upuan mo. Ikuha mo muna ng gamot si Callum." utos niya.
Sinunod naman ni Benjie ang utos. Inabot niya sa ilalim ng upuan ang kit at kumuha ng isang pain reliever. Ibinigay niya sa akin ang tablet pati na ang water bottle niya. "Wala naman akong virus kaya ayos lang kahit dyan ka nalang uminom."
"Thank you." Kinuha ko na sa kanya ang mga iyon at ininom na ang gamot.
Ano nga bang nangyari sa akin? What did I do now at ganito nalang ako ka-wasted? Nakita ko ang isang napaka sabog na reflection ko sa salamin. Pilit kong inalala lahat ng kaganapan bago ako makatulog...
Tuloy tuloy na tumatalak si Tiffany tungkol sa mga nakakasuka at kakaiba niyang sex experiences. Hindi ko na alam kung papaano ko pa masisikmura ang mga sinasabi niya. Para bang palala ng palala yung kinekwento niyo after ng isa. Matatagalan ko pa kaya ito?
Wala rin kaming tigil sa pagtungga ng alak. I didn't have any chance of attending the dance floor any more. Ayaw akong paalisin ng sadistang si Tiffany or else, ilang masasakit na kurot nanaman ang matatanggap ko. Besides, hilong hilo na ako at wala nang control sa balance ko.
Mula sa kung saan mang lumalop siya nanggaling, may lalaking biglang tumabi kay Tiffany. Agad niyang napansin ito at inasikaso. Pinanood ko ng harap harapan kung paano ahasin ng bitch na ito ang lalaki. Agad naman napakagat sa paing ang ginoo. Konting dikit dikit lang ng mga boobs braso niya, haplos haplos lang ng bahagya sa hita, konting pabulong bulong lang sa tenga, bibigay din pala.
Gumapang ang isang kamay ng lalaki sa paligid ng bewang ni Tiffany. Minsanang inubos ng lalaki ang order niyang beer at hinalikan sa leeg si Tiffany. Naglabas ng mahinang ungol ang babae na ikinatuwa naman ng estranghero. Kapansin pansin din ang lumalaking bukol sa pang-ibaba niya.
May ibinulong ang lalaki sa tenga ni Tiffany at hinawakan siya sa isang kamay. Tumawa ng mahina si Tiffany at tumango. Wala akong kaalam alam sa pinag-uusapan nila pero sa palagay ko, tama na ang hinala ko. Tumayo na ang lalaki at inalalayan siya.
"Gumamit ng protection ha?" paalala ko sa kanya.
Kinindatan ako ni Tiffany. "Ikaw din." anito. Ano raw? Bakit kakailanganin ko naman ng protection?
Naglakad na sila palabas ng club. Paniguradong may putukang magaganap ngayong gabi.
Mag-isa nanaman ako. Uubusin ko nalang ang isa pang bote ng beer at okay na ako. Pupuntahan ko na si Benjie at magyayayang umuwi. Naparami na ata ako.
BINABASA MO ANG
Trap Bus
Teen Fiction[2nd Book of The Sex Drive Series] Paglalaro lang ang sex para sa isang rebelde na tulad ni Callum Jaxon. Nang pagsawaan niya ang mga usual na gawain, napag-isipan niyang gayahin at gawin ang napapanood sa Bait Bus - isang lumang pornography site ku...