CHAPTER 14

4.9K 105 12
                                    

CALLUM

"Sigurado ka ba sa lugar na ito?" tanong ni Avery mula sa driver's seat. Iniliko niya ang van sa isang kanto at nagdirediretso sa pagdadrive.

"Mmm-hmm." mapang-akit na sagot ni Tiffany na naka-lugar sa tabi ng driver's seat. Nilalaro niya sa iba't ibang paraan ang buhok niya, tutok ang mga mata sa daang tinatahak ng sasakyan.

Tumakbo ang sasakyan patungo sa isang sikat na park sa kalagitnaan ng syudad. Ito ang unang araw na isasagawa namin ang Trap Bus. Hindi pa gaano kataas ang posisyon ng araw sa kalangitan. Malamig ang ihip ng hangin. Saktong sakto ang temperatura para sa mga gustong magjogging.

Tumigil malapit sa entrance ng park ang van. Kitang kita mula sa kinalulugaran namin ang dami ng mga nagjajogging sa park.

"We're here!" pahayag ni Tiffany. Napapalakpak siya sa pagkasabik.

Hinarap ko si Benjie sa tabi ko ba busy at inihahanda na ang video recorder. "Benj, just relax mamaya ha? Act normal na parang barkada mo lang talaga ang kausap mo..." paalala ko sa kanya.

"I know what to do, C." Itinapat niya sa mukha ko ang video recorder. Nagbiblink ang isang pulang dot sa gilid ng lens ng camera, hudyat na nagsisimula na ang video recording. Bumaba na ng van si Benjie at lumakad papasok sa park, pinanood ko kung paano siya mag-ikot ikot sa paligid.

Napansin kong nakatitig si Avery mula sa rear view mirror. Nag-aayos na ng sarili sa gilid niya si Tiffany.

"You look anxious, Ave." sabi ko.

Huminga siya ng malalim. "You don't have to do this, Callum. May pagkakataon ka pa para magquit."

Napangiti ako sa offer niya. Bakit nararamdaman kong mas kinakabahan pa kaysa sa akin si Avery? "It's not like I'm going to sign my death warrant, Avery. No harm will be done, I assure you. Besides, a deal is a deal." wika ko at ibinaling na lang sa ibang bagay ang atensyon ko. Wala nang nagawa si Avery pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

Naglalakad na pabalik sa van si Benjie. May kasama siyang isang gwapong lalaki na may suot na fitted white na t-shirt at jogging pants. Pawis na pawis siya't kitang kita sa suot niyang pang-itaas ang hubog ng maskulado niyang katawan. Naiimagine ko na siyang nakapatong sa akin...

Isinarado na namin lahat ng mga bintanang nakabukas. Tinted ang mga salamin ng van kaya paniguradong walang makakakita sa kaganapan sa loob. Binuhay na ni Avery ang makina ng sasakyan na lumikha ng mahinang pag-ungol.

Mabilis ay lumugar sa may malapit sa pintuan si Tiffany. Inihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga susunod na maaaring mangyari. Ito na 'yon, wala nang urungan.

"Anong nararamdaman mo, tol?" tanong ni Benjie sa estranghero, nakatutok sa kanya ang video recorder. Nagkibit balikat lang ang lalaki sa kanya saka ngumiti.

Binuksan na ni Benjie ang pinto at pumasok sa loob kasama ng lalaki. Nang marinig na ni Avery ang pagsarado ng pinto ng van, umarangkada na ang sasakyan. Magsisimula na ang palabas.

"Miguel, ito si Tiffany. Siya yung hot na babaeng tinutukoy ko sa iyo kanina." pagpapakilala ni Benjie.

Nakapagpalit na rin pala ng damit si Tiffany. Mula polo ay naka-spaghetti top na siya ngayon at sobra sobrang ikli na denim shorts. Hinila ni Tiffany pababa ang dulo ng pang-itaas niya. Pumuputok sa pagkapitpit ang dibdib niya.

"Hey..." bati niya sa isang sexy voice na ngayon ko lang narinig. Lumapit siya sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi. Ipinadampi niya sa braso ng lalaki ang kanyang dibdib at nagkunwaring hindi niya iyon sinasadya. "Ooops..."

Trap BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon