TBS~Job (2)

710 14 7
                                    

Hi! another update :). I hope you'll like it. Please vote and comment ;). Thank you.

Warning: (A lot of typo errors)

~~
Sophia's POV

Nandito ako ngayon sa kalsada..naghahanap ng bagong trabaho. Para kumita ng pera. Kulang kasi yung sahod ko dun sa isa ko pang raket. Kaya kailangan ko pa ng isa. Habang naglalakad ako may nabangga akong isang nakablack t-shirt at maong pants na lalake. Nalaglag ang mga dala nyang mga papeles. Sa tingin ko nagtratrabaho ito sa isang kumpanya.

"Ay sorry po sir! pasensya na po. Di ko po sinasadyang mabangga kayo" paumanhin ko habang pinupulot ang mga nalaglag na papel. Tumulong na rin sya sa pagpulot.

"No, its ok" nakangiti nyang sabi. Tumayo sya at humarap sakin. Ay shet! Ang cute naman pala ni kuya. Hahahaha!.

"Mauna na ko miss, may trabaho pa kasi akong gagawin. Tingin ka na sa dinadaanan mo ah" tumatawa nyang sabi. Napatawa na rin ako.

Naglakad na sya papalayo sakin ngunit may nalaglag sya. Ay teka sandali..Invitation ba to? Binuksan ko ang envelope at binasa.

"Slave for hire?" yan ang nakasulat sa isang maliit na papel na nakapaloob sa envelope. May kasama rin itong business card na sa tingin ko ay pwede kontakin kapag magaaply ka. Bakit ganun? mukha namang desente yung tao. Pero bakit--SLAVE. Ibinalik ko sa loob ng envelope yung papel tsaka pinasok sa bag ko.
~~
"Sige po ma'am, tatawagan ko na lang po kayo kung pasok na kayo" sabi nung kausap ko.

"Huh? eh ayos naman po ang interview ko ah. Di pa po ba ako hired nun?" nalilito kong tanong. Lahat sila ganito ang sinasabi sakin.

"Ma'am pasensya na po. Ang boss ko po kasi ang magpapasya kung sino ang tatanggapin namin. Tatawagan na lang po namin kayo kung tanggap ka na" sabi nya. Ehh ano ba yan! akala ko pa naman tanggap na ko!.

"Sige po, salamat na lang po" nalulungkot kong sabi. Lumabas na ako ng opisinang iyon para humanap pa ng ibang trabaho. Aaaiish!! gutom na ko. Hindi pa ko kumakain magsimula kaninang umaga. Gustuhin ko mang kumain ngunit bente pesos nalang ang nasa wallet ko. Pamasahe ko na lang yun pauwi.

Habang naglalakad ako sa isang iskinita dito sa Quezon. Pakiramdam ko ay may sumusunod sakin. Pero pagtitingin naman ako sa likod wala naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit parang may sumusunod pa rin. Aaiishh, pagtumingin naman ako sa likod wala! Bwisit na buhay to oh! wag mong sabihin saking mahoholdap ako?!.

"Holdap to!" sabi ng lalaki sabay tutok ng kutsilyo sa bandang tyan ko. Ay punyeta! speaking of holdap nga naman ohh. Ngayon pa ko minalas!.

"Jusko kuya! maawa ka naman sakin. Mas mahirap pa ata ako sayo ehh. Ako pa tong hoholdapin mo" naasar kong sabi. Wala na nga kong pera mahoholdap pa!.

"Wag mo kong lokohin miss! bigay mo sakin yang bag mo!" sigaw nyang sabi habang nakatutok pa rin sakin ang kutsilyo.

"Utang na loob, putong masarap kuya!. Bente pesos na lang po ang nasa wallet ko!" Pagsasabi ko ng totoo. Ngunit ayaw ata akong paniwalaan ng loko. Kinuha ko ang wallet ko sa loob ng bag ko na wala naman talagang laman kundi ang ilang ID, cellphone kong di-keypad na basag basag na at ang aking wallet.

"Oh! kuya naman! pustahan tayo mas may pera ka pa sakin!" sabi ko habang pinapakita sa kanya ang laman ng wallet ko at bag.

"Putcha! mas nakakaawa ka pa sakin. Ang poor mo naman!" sabi nya sabay bitiw sakin at layo sa kutsilyo. Aba loko to ahh! Grabe sa magsalita!. Kapal ng mukha.

"Buti pa ko may 500 at cellphone na touchscreen" pagmamayabang nya pa! Putek! panigurado namang galing sa nakaw yan eh.

"Edi ikaw na kuya! Ako na mahirap!. Ikaw na mayaman" sabi ko sa kanya sabay walk out. Gutom na talaga ako. Makauwi na nga!. Bukas na lang ako ulit hahanap ng trabaho.
~~
Masyadong traffic sa edsa kaya gabi na ko nakauwi samin. Habang naglalakad ako pauwi may nadaan akong mga naglalasing sa isang tindahan dito sa kanto papasok sa amin.

"Pst! Hi miss! gabi na ahh..bakit naglalakad ka pa?" tanong ng isang lalaki habang papalapit sakin. Halata sa mukha nya na lasing na lasing na sya.

"Eh anong gusto mo? gumapang ako? Tanga pala neto!" pamimilosopo ko. Biglang nagbago ang itsura nito na parang biglang napikon sa sinabi ko.

"Bastos kang bata ka ah!" sigaw nya sakin na may halong pikon at galit.

"Bastos nakabold! bobo!" sigaw ko pabalik tsaka mabilis na tumakbo pauwi samin. Hay..sa awa ng diyos. Hindi nila ako nahabol. Paano ang tatanga! lasing na nga tatakbo pa! ayun! bagsak sila sa kalsada. Bahala silang abutin ng umaga dun. Hahahaha!.
~~
Hay..makapagbihis na nga! may trabaho pa ko mamayang 12. Dali dali akong nagligo at nagbihis. Inayos ko na rin ang sarili ko. Dumeretso na ko sa bar na pinagtratrabauhan ko. Oo! tama ang nabasa nyo. Sa bar nga ako nagtratrabaho. Uyy matino ang bar nato! dancer ako pero di ako nagpapatable no!. Waiter rin ako rito. Dalawing libo kada gabi. Marami kasi kaming costumers. Hoy! may permit ang bar na to ahh..baka akala nyo.

Anyways, habang nagtratrabaho ako may isang lalaking nanakid sakin na syang ikinadapa ko. Natapon tuloy yung mga pagkain na dala ko.

"Putang in*!" malakas na mura ng isang lalake na syang ikinatingin ng lahat.

"Naku! sorry po sir! di ko po sinasadya" pagpapaumanhin ko.

"Pasensya na po talaga" ulit ko pa pero mukhang di nya ko mapapatawad sa nagawa ko. Di ko naman kasalanan yun ehh. Natapisod ako no!.

"Alam mo ba kung gaano kamahal tong damit ko ahh?" sigaw nya sakin. Aba! nagsorry na nga yung tao ehh. Ayaw pang tanggapin!.

"Hindi! pakelam ko sa damit mo!" pagmamataray ko. Okay lang na magmataray ako dito. Kasi kung tutuusin, ako ang dahilan kung bakit maraming costumers dito.

"Bastos ka ahh! Costumer ako dito!" bulyaw nya sakin.

"Hay nako! kahit mag walk-out ka pa sir..hindi kami kawalan!" sagot ko naman sa kanya. Sikat ako sa lugar na ito. Kaya sanay na sila sakin. Hindi ito ang unang beses na may naencounter akong ganito. Tuluyan ng nagwalk out yung lalaki kaya bumalik na ko sa trabaho ko.
~~
Hay..kakauwi ko lang. Wala pa rin akong raket!. Teka..yung envelope kanina!. Dali dali kong kinuha yung envelope at nidial ang number sa business card.

"Uhmm..Hello po?" umpisa ko. Jusko! kinakabahan ako!.

"Hi! what can I do for you?" tanong ng kausap ko.

"Uhh, nalaglag nyo po kanina yung envelope na may lamang 'Slave for hire'. Gusto ko lang pong malaman kung pwede po ba magaaply?" kinakabahan kong tanong.

"Of course! Punta ka lang sa address na itetext ko sayo. Then let's meet tomorrow! Goodnight!" sagot ng kausap ko. Whoo! sana talaga matanggap ako! jusmeyo marimar!!.
~~
Hey guys! hahaha! ito na po yung update ko. Sana po magustuhan nyo :). Please vote and comment po. Salamat!. Pasensya na rin po sa mga typo. Yun lang po! salamat uli! ;).

The Billionaire's Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon