Tracey's POV
Ako nga pala si Tracey Garcia, 18 years of age hahahah. Bestfriend ko si Sandra mahal na mahal ko yung bestfriend kong yun, lagi kaming mag kasama kahit saan mag punta mapa Clubbing, School, Mall or kahit sa Cr! hahaha joke lang yung sa Cr.
Yung pagkatao ko naman uhm medyo Nerdy at may sense of humor. Kaya kapag may problema si Sandra ako nag papatawa sakanya kahit minsan Corny na mga jokes ko hahaha.
Inadopt lang ako ng mga magulang ko ngayon nung 5 years old palang ako matapos namin magka car accident ng mga tunay kong magulang. Pero yung mga umampon naman saakin ay tinuring akong tunay na anak. May stepbrother nga pala ako si Kyle (Kyle Garcia), 20 years old na sya. Nalaman ko lang recently na may gusto pala sya sa bestfriend kong si Sandra. Minsan na kasing pumunta sa bahay namin si Sandra at sa tingin ko nalove at first sight si kuya hehehe.
Naka upo ako sa sofa habang nanunuod ng Tv ng biglang nag ring ang Cellphone ko. Inabot ko ito mula sa lamesa at nakitang tumatawag si Sandra. Namiss ko talaga tong babaeng to ahhaha.
"Oh bakla! napatawag ka!"
"Bes! tumawag kasi sila mama at papa!" sabi nya na bigla ko naman kinakaba.
"oh bakit daw?" pagtatanong ko.
"Bes pinapalipat nila ko ng school." sabi nya na kinagulat ko dahil narin sa ayaw kong mapahiwalay sa bestfriend ko.
"Ha?? at saan naman daw?" tanong ko.
"Bes, alam ko magugulat ka pag sinasabi ko sayo kung saan pero una sa lahat isasama kita sa pag pasok ko don sa school na yun! At yung school na yun ay yung SU daw!" sabi nya na kinatuwa ko naman at kasama nya parin ako sa bagong papasukan nya.
"Ay bet ko yan! Schoolmate again sana classmate tayo hihihi. Ay teka may school bang SU? anong school yun? Saan U? asSUmming?" sabi ko ng naka ngiti ng wagas.
"Baliw ka bes! sa SEX UNIVERSITY daw!!!" sabi nya at nanlaki ang mga mata ko.
Hala ano daw tama ba rinig ko.
"HAAAAAA?!!!!?!?!?! WHATTT?!??" napasigaw ako sa gulat.
" oo bes don nga" sabi nya.
" haahaha grabe naman yung name ng school. nakapag enroll kana ba?" tanong ko.
" Oo bes, ikaw din inenroll na tayo nila papa at mama"
" Ah ganon ba sige sige. Teka kailan ba start ng school?"
" uhm ano ba araw ngayon? hahaha" tanong nya. Kahit kailan talaga di ata to tumitingin sa kalendaryo ahhaha.
" Sunday na po Madam! nalimutan mo ata galing lang tayo kahapon sa club eh ahahah" sabi ko ng may pagtawa.
" Ay shet bes! Bukas na pasukan!!!" sabi nya na basa sa boses nya ang pagkagulat.
"Hala! teka mag reready na ko ng gamit ko. bye muna Bakla! mwuah mwuah labya!"
Hindi ko na hinintay na sumagot sya at inend call ko agad. Agad naman ako tumakbo papasok sa aking kwarto. Hinanda ang Bag at ang mga gamit na kakailanganin. Di parin mawala sa isip ko ang pangalan ng School na yun.
"Sex University hayss" sa isip isip ko.
Ano kaya ang mangyayari sa aming unang araw bukas.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Sandra's POV
"Hala! teka mag reready na ko ng gamit ko. bye muna Bakla! mwuah mwuah labya!" sabi ni Tracey.
"Tek-" di ko na natapos ang sasabihin ko at bigla nya na kong binabaan ng cellpone.Hayyss yung babaeng yun talaga mas excited pa ata sakin ahhaa.
Matapos ang tawagan namin ni Tracey, bumaba na ko para kumain ng hapunan na inihanda ni nanay Cess.
Pagbaba ko palang ng hagdan naamoy ko na ang bango ng niluto ni nanay Cess at naupo sa dining room namin.
"Hmmm nay ang bango ng luto mo!" sabi ko.
"Syempre para sa alaga kong napaka ganda" sabi nya.
"Nanay talaga binobola pa ko haha"
" Onga pala bibi girl nakapag handa ka na ba ng isusuot mo at gamit mo para bukas?" tanong nya.
" Hindi pa po nay! pag tapos ko po kumain ihahanda ko na agad isusuot ko" sabi ko habang ngumunguya.
"Bait talaga ni bibi girl" sabay kiss nya sa noo ko.
Matapos ko kumain inihanda ko na agad ang isusuot ko para bukas at dahil naisipan ko na first day palang naman bukas di muna ako magdadala ng bag.
Pagkatapos ng pag hahanda ko ng isusuot ay nahiga na ko pero bigla akong napaisip.
"hayss pasukan nanaman ano kaya mangyayari bukas hmm" at unti unti ng pumikit ang aking mga mata sa antok.
To be Continued...
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Hello!!
Si Tracey nga po pala yung nasa pic! para mag ka idea rin kayo kung ano itsura nya hahahaVote nyo lang to para ganahan akong mag update pa. Next Chapter nga pala medyo may SPG na hahha.
BINABASA MO ANG
Me and the Brothers (SPG)
Teen FictionWarning! Bawal sa mga close minded at lalo na sa 13 years old pababa.