Thank you sa mga nag babasa kahit lame yung kwento hahaha sana pag patuloy nyo pa ang pag basa nyo nito. Imessage nyo lang ako kung may suggestion kayo. Thankyou ulit! :)
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Sandra's POV
Matapos ko mag banyo ay tinawagan ko naman kaagad si tracey.
"oh hello bakla asan kana? kanina pa ko dito sa hall sabi mo iihi ka lang asan ka na ba?" sabi ni tracey mula sa kabilang linya.
"Ah bes magkita nalang tayo sa principals office mauna ka na sunod nalang ako" sabi ko.
"oh sige bilisan mo ah!" -tracey
"Oo sige bye!" pag papaalam ko.
Habang nag lalakad ako papunta sa principals office ay may naka bangga saakin at napa upo ako sa sahig. Isang matangkad na lalaki pero di ko mamukhaan ito dahil sa nakatungo ito at naka hoodie.
"Okay kalang miss?" tanong nito.
" Ah okay lang okay lang ako." sabi ko naman at pinagpagan ang sarili. Inalalayan naman ako nito para makatayo ng biglang may lalaking dumating.
"Xa-- oh wow. Hello miss!" bati naman nito sakin. Magkasingtangkad sila ng lalaking naka bangga sakin.
"Ako nga pala si Alex. Parang bago ka lang dito, kailangan mo ba ng tulong namin?" tanong nito ng may pag wink pa.
"Ah hindi kaya ko na mag isa. Sige kailangan ko na umalis may pupuntahan pa ko" sabi ko naman at ngumiti. Nag lakad na ako papunta sa principals office ng bigla...
" Ah miss! Ako nga pala si Xander, sorry ulit!" sabi naman ng lalaking nakabangga saakin.
Ewan ko ba pero parang familiar saakin ang mga pangalan nila. Parang narinig ko na ito somewhere o baka naman imahinasyon ko lang ito.
"Oh bakla! ang tagal mo naman! san ka ba galing tsk. tara na nga!" sabi ni tracey at agad naman ako hinila papasok sa office.
Nang makapasok kami sa office ay nakita naman agad namin ang mukang bata palang na lalaki at sa tingin ko ay isa sa mga Prof ito, aaminin ko na gwapo din ito.
"Oh hello! You must be the reyes daughter. Sandra Reyes, right?" sabi nito.
"Yes, excuse po pero asan po yung principal sabi nya po kasi dito kami dumiretso eh. Kami nga po pala yung-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang nag salita.
"Hahaha ako ang principal nyo. Ron Valdez at oo alam ko na bago kayo dito, nakausap ko nga pala ang mga magulang mo, Sandra at ipinangako ko sakanila na ako muna ang bahala sainyo ng bestfriend mo dito sa school." sabi naman nito na ikinagulat ko.
Hindi ko ineexpect na magiging ganon kabata ang itsura ng aming Principal napaka bata nya para maging principal. Paano nang yari yun? Nawala ako sa iniisip ko ng nakita ko si Tracey naka nganga. Hinawakan ko naman ang braso ni tracey pra magising sa katauhan nya.
"ahm sir if you dont mind, ilang taon ka na po b-?" pagtatanong nya na ikinalaki naman ng mata ko at siniko ito.
" Bes ano ka ba?" bulong ko kay tracey.
"Ah 26 years old nga pala ako. Alam kong nag tataka kayo kung bakit Ang bata kong principal. Tatay ko ang may ari talaga ng School na to pero namatay sya 3 years ago kaya napag desisyonan ko na ako ang mag hahandle ng school nato." pag papaliwanag naman nya.
"ahhh ang gwapo mo p- araaay" sabi naman ni tracey at hinawakan ko ng madiin ang braso. Senyas upang matigil sya.
"Sir Valdez, saan po ba room namin?" tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
Me and the Brothers (SPG)
Teen FictionWarning! Bawal sa mga close minded at lalo na sa 13 years old pababa.