Chapter 6

13.7K 45 0
                                    

Sandra's POV

Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko para ba ko naiihi sa sarap.

"Ito na nga ba? Ito na nga ba ang tamang oras na ibigay ko ang bagay na mahalaga saakin?" sa isip isip kong sinabi.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ibinahala na lang ang pwedeng mangyari. Ilang saglit pa lamang ay may biglang kumatok sa pinto. Nag tinginan ang dalwang mag kapatid.

"Ako na bahala don." may pag kindat na sabi ni Alex at naglakad papunta sa pintuan.

Nagpatuloy si Xander sa kanyang ginagawa hinalikan nya ako sa tyan pababa. Inalis nya ang suot kong palda, tanging panty ko na lamang ang suot ko ngayon. Unti unti na nyang hinuhubad ang suot kong panty ng biglang dumating si Alex.

"Bro, pinapatawag daw tayo ni tito." pag tawag ni Alex kay Xander.

Agad akong bumangon at nag balot ng kumot.

"Sandy babalik kami ah maiwan ka muna namin saglit babalik kami agad." sabi naman ni Xander at hinalikan ako sa noo.

Pag labas nilang dalwa sa pinto ay naiwan akong nakaupo sa kama ng naka kumot.

"Hmm Sandy? san ko nga ba narinig yun?" sa isip isip ko at tumayo para mag bihis at mag ayos. Dumiretso ako agad sa banyo para maligo at binuksan ko ang gripo sa bathtub. Habang pinapakinggan ang pagbagsak ng tubig galing sa gripo napa tingin ako sa salamin at napaisip sa sarili tungkol sa mga nangyari kanina. Sa pag iisip ko di ko namalayan na nakangiti na pala ako. Bakit parang ang saya ko matapos ang pang yayari?

Xander's POV

Pinapatawag daw kami ni tito, ano kayang dahilan para ipatawag nya kami ng gantong oras. Malapit na mag 6 pm sa mga oras na to ang mga studyante ay nasa kani kanilang silid na.

"Bro, bakit daw tayo pinapatawag?" pag tatanong ko kay Alex habang naglalakad papunta sa office ni tito.

"May importante daw sya sasabihin eh, hindi ko din alam bro." sagot naman nya.

Sa pag lalakad namin naalala ko ang mukha ni Sandy at ang pag ungol nya kanina. Napaka ganda nya, para syang isang dyosa. Parang musika sa tenga ko ang mga ungol nya. Hindi sya mawala sa isip ko.

Kakaisip ko sakanya nasa harap na pala kami ng office ni tito. Kumatok kami at binuksan ang pinto.

"Oh maupo kayo." sabi nya ng nakangiti.

"Pinatawag mo daw po kami?"

"Oo may kailangan lang ako sabihin sainyo tungkol kay sandra."

"Ano po yun?" pag tatanong ko.

"Alam nyo naman kung sino sya. Anak sya ng kaibigan ng ating pamilya ang Reyes Corporation. At alam kong alam nyo narin na sya si Sandy ang kababata nyo. Lalo na ikaw Xander ikaw ang pinaka malapit na kaibigan ni Sandra nung mga bata palang kayo."

"Alam po namin yun pero bakit nyo kami pinatawag dahil don?" tanong naman ni Alex.

" Hmm gusto ko ipaalam sainyo na siguro ay hindi na kayo naaalala ni Sandra dahil 2 years ago na car accident sya ayon sa information na nakuha ko galing sa magulang nya dahil ito sa ex boyfriend ni sandra." sagot ni tito ron.

Kaya pala.. Kaya pala hindi nya ko nakikilala kanina pa sa tagal naming di pag kikita hindi ko alam na may pinag daanan syang ganon.

"Nag ka amnesia si Sandy?" tanong ni Alex na parang di parin nakukuha sinasabi ni tito at binatukan ko sya.

" Bakit ba?" pag tatanong nya sakin.

" Oo tama ka Alex may amnesia sya kaya sainyo ko sya ipapabahala kaya bantayan nyo sya ng mabuti."

"Makaka asa po kayo tito." sagot ko at naglakad palabas ng office.

"Onga pala Xander at Alex! Tawagin nyo nalang akong Kuya tutal halos kapatid narin turing ko sainyo." saad nya.

Ningitian ko nalang sya at tuluyang lumabas sa pinto.

Sandra's POV

Ang sarap talaga sa pakiramdam ang bagong ligo. hayyyy 6:45 pm na hindi parin sila bumabalik. Ipag handa ko nalang kaya sila ng hapunan.

Kinuha ko ang kawali at binuksan ang stove. Kumuha din ako ng itlog at kamatis.

Matapos ko mag luto ay nag saing ako at inihanda ang mga pinggan sa lamesa pati narin mga baso. Ilang saglit pa lamang ay narinig ko ng may bumubukas ng pintuan.

"Tamang tama kakaluto ko lang kain na tayo" Sabi ko ng naka ngiti.

" Hayy buti nalang kanina pa kong gutom salamat ah" Sabi naman ni Alex at dumiretso agad sa dining table.

Naka ngiti ko syang sinundan ng tingin ng bigla akong lapitan ni Xander at yakapin.

"Xander?" tawag ko sakanya pero mahigpit parin ang yakap nya.

" Xander ok ka lang b-" hindi natapos ang itatanong ko ng maramdaman ko ang labi nya ... ang malambot nyang labi ... bumilis ang takbo ng puso ko para bang tumakbo ako ng sobrang layo.

"Tara kain na tayo" nakangiti nyang sabi. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa kainan. Siguro kasing pula ko na ang kamatis ngayon. Ramdam ko ang init at pamumula ng mukha ko. Ano ba tong nararamdaman ko?

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Ayan hahahha sana magustuhan nyo kahit lame. Salamat talaga sa mga nag titiis mag basa nitong story. XD

Susubukan ko na talagang mag update as soon as possible. Salamat sa mga votes at comment nyo. :)

Abangan..

Ano nga ba ang nararamdaman ni Sandra? Nahulog na nga ba sya kay Xander?

Me and the Brothers (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon