Tagal narin pala, Ang tagal na simula nung maDUROG tayong dalawa, Matagal na kung tutuusin pero hindi ko mawari bakit BUMABALIK parin. Bumabalik,bumabalik pag-ibig na nuon pa ma'y KINALIMUTAN ko na. Pag-ibig na sana hindi ko na naramdaman pa, pagibig na sana hindi ko nalang KINUHA. Kasi akala ko ng maramdaman ko yon may MABABAGO, mababago nun ang takbo ng buhay ko, buhay ko na dati walang SIGLA walang KULAY, akala ko mababago pati pagtibok ng aking puso. Pero bakit? bakit tila hanggang ngayon NAHIHIRAPAN, nahihirapang alamin ang PINAGMULAN, na kung bakit tayo nadurog at nagkalabuan, saan ba NAGMULA? ano? ano-ano nga ba ang DAHILAN.Hindi naman dalawa ang minahal ko, ikaw din panigurado. ORAS at PANAHON naman ay sakto, hindi naman ako, hindi naman ikaw NAGLOKO. Kaya papaanong NAWALA ang pagibig natin, hindi ko mawari kung anong dahilan at kung SINO ang sisisihin. Kaya sabihin mo sa akin. Paano ko mahahanap ang SAGOT sa mga tanong ko. Paano ko malalaman ang KATOTOHANANG magpapalaya sa pusong hanggang ngayon ay UMAASA, na sana bigyan ako ng pagkakataon para ayusin ang nasirang TAYO, sabihin mo sa akin. PAANO?
YOU ARE READING
UNANSWERED-UNTOLD
PoetryHave you heard about the SPOKEN WORD POETRY? If yes.. Ganung style mo basahin itong mga isinulat ko. Para maapreciate mo ha? If no... Basahin mo parin. Kasi maiintindihan mo naman siguro ha? Pagkatapos mong basahin, magcomment ka. Bigyan mo ako ng...