Kung paanong dinurog mo ako.💔
Una gusto kong sabihin ang salitang salamat😊Bap salamat sa aral na binigay mo! Salamat sa pananakit 😫na nagdulot ng matinding pagbabago sa buhay ko! Salamat ha? 😒Hindi mo naman ako pinaabisuhan na tatlong araw mo lang pala ako mamahalin.😔Tapos ano? Iiwan lang ako sa ere na parang hindi ka naghirap ligawan ako? Ang galeng😒 Naghanap ka agad ng iba! Grave ka o!🙄 Nagbakasyon lang nawala narin sweetness mo? Tch! Ulul! Isa kang dakilang manloloko!😡 Tapos ano? Nung nagpasukan na naging sweet ka ulit?😍 Kaya ako naman.. Sa sobrang katangahan ko. Nafall na naman ako😐 Hindi ko nga rin malaman kung bakit minahal kita ulit!😏 expert ka na kasi sa pagpapaikot ng mga babae!🙄 like duhh! Gusto kong sampal-sampalin mukha ko ngayon kasi hindi ko naisip yung kabaduyan ko noon😂 At masakit pa doon. Hindi mo ulit ako sinabihan na hanggang isang linggo lang din yung pangloloko mo sa akin😠 NapakaGago mo! 🌵Tang Ina mo! 🔫Hayup!🐗 At hindi ka pa nakontento aber!💣 Ginantihan mo pa ako? Pero in some ways alam ko naman na hindi ikaw ang may pakana non😅 pero hindi parin sapat yon para saktan mo ako ng paulit ulit ngayon!😭Durog na Durog ako non Bap! Sobra! Alam mo ba kung bakit? Kasi minahal kita. Minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako! Pero nakakatawang tang ina na mali pala ako!😔 Nabulag ako sa mga akala ko magkakatotoo pero akala ko lang pala😭 Buti nalang at may mga kaibigan 👫👭👬 ako na sumalo sa akin nung mga panahong iniwan mo ako😓 Buti nalang meron si Jayson.
Ang Pagsalo💓
Buti nga at nanjan si Jayson👫 Siya ang nagparamdam sa akin na ok lang na mawala ka sa buhay ko.😒Ok lang na iwan mo ako. Kasi meron naman siya na magpaparanas sa akin ng mga bagay na hindi mo magawa😐 Sumaya ako sa piling niya😊 unti unti ay nakalimutan ko ang sakit na binigay mo sa akin. Unti unti ay naghihilom ang sugat na iniwan mo sa akin😬 Kaya salamat kay Jayson. Naging komportable ako sa piling niya. At hindi ko napansing nawawalan na ako ng oras sa sarili.😓Hindi ko na binigyan ng oras ang sarili ko. Palagi nalang siya. Ayoko kasing iwan din niya ako gaya ng pagiwan mo sa akin.😔 Pero pinayuhan ako ng mga kaibigan ko. Mas mahalaga daw na mahalin ko ang sarili ko bago ang iba. Mas mabuting paglaanan ko ng oas ang sarili ko kesa kay Jayson.⏰Dahil wala din daw ibang magmamahal sa akin kundi ang sarili ko. Kaya ginawa ko ang sabi nila. Dumistansya ako ng kaunti kay Jayson. Hindi na kami gaanong magkatext dahil itinuon ko ang oras ko sa pag-aaral.📚Hindi ko nasiya makasabay kumain 🍴dahil inuuna ko na ang mga kaibigan ko. Nung una akala ko ok lang sa kanya. Na naiintindihan niya ako, kasi hindi naman siya nagrereklamo. Pero mali nanaman ako. Kasi nagalit siya sa akin.😔 Nagtampo siya. Hindi ko na daw siya napapansin at nawawalan na ako ng oras sa kanya.😓 Pinilit kong ayusin. Pero parang hindi umaayon ang tadhana sa amin. Hindi niya ako pinakinggan. At ang masakit😞 Iniwan din niya ako. Gaya ng pag-iwan mo sa akin.😔 Sobrang sakit Bap. Biruin mo? Hindi lang pala ikaw itong pwedeng mangiwan sa akin. Nung mga panahong yon, sinabi ko sa sarili kong hindi na ako magmamahal.😔 Hindi na ako ulit magpapaloko. Sinabi ko na hindi na ulit ako magpapaiwan at hindi na ako ulit masasaktan. Limang buwan akong mag-isa.🙍🏼Limang buwan ang inilaan ko para sa sarili ko. Alam mo ba kung bakit Limang buwan? 5️⃣ Kasi akala ko hindi na ulit ako mafofall. Kasi akala ko matibay na ako. Pero akala lang nanaman pala. Kasi nakilala ko si Kuya Emilio💙
Muling Pagtibok💖
Inakala kong hindi na ulit ako magkakagusto sa mga tulad mo. Pero nung makilala ko si Kuya Emilio, nagbago ang lahat. Nasira ang dating sabi ko ay hindi na mangyayari. At yon nga, nagsimula kami sa pagiging partners sa JS prom.👫Nahiya pa ako sa kanya non kasi nga sinabihan ko siyang wag bilisan maglakad😂 kasi nga diba? Dapat finifeel mo yung moment? Alam mo bang inisip ko din non na sana ikaw yung katabi ko😔 ikaw yung kasama kong naglalakad sa aisle. Eto nanaman tayo sa sana e!😒 E yun nga. Dun kami nagstart. Ewan ko ba at bakit ako nahulog sa kanya. Oo. Gwapo siya, pero aminado naman akong mas gwapo ka😍 pero gago ka nga lang kase! Tyaka sobrang bait niya! Kaya dun din siguro ako nafall.😓 Ganun naman ako diba? Masyado lang sigurong malambot ang puso ko kaya madali akong napapaikot. Hindi naman ako nagsisisi na naging kami ni Kuya Emil, kasi kahit papaano naging masaya kami.😃Mas masaya pa kaysa sa sayang naramdaman ko kay Jayson 🙂at Mas higit na masaya kaysa sa sayang binigay mo sa akin noon😄 Oo Bap, hindi ako nagsisisi na nagkaroon ako ng tulad ni Kuya Emil, mabait, masipag, matulungin, super mahal niya ang family niya, at higit sa lahat, May takot sa Diyos😇 Doon siguro niya ako nahuli. Siya ang nagbigay sa akin ng pagkakataong makita at maunawaan ang tunay na aral ng Diyos.🙂 Siya ang nagturo at umakay sa akin para mas mapalapit sa Panginoon. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Dumating nga sa puntong narealize ko na simula ng maging kami, never pa kaming nag-away,☺️ni kahit konting hindi pagkakaunawaan. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap pala sa pakiramdam ng ganon. Sa wakas! Naramdaman ko yung ganong feeling. Feeling na hindi mo man lang naparamdam sa akin😕 Hanggang,😔 hindi ko namalayan na naabuso ko na pala. Naabuso ko na pala ang pagiging mabait at maunawain niya. Lagi nalang niya akong iniintindi, sa tuwing busy ako sa school💻, sa tuwing hindi ko siya matetext o matatawagan📱, iniintindi niya lang ako. Pero dumating yung point na napagod siya, napagod na siyang intindihin ako. Pagod ako that time, at naitaong kinonfront niya ako, nagalit at nagtampo siya😐 Bumalik agad sa akin yung oras na nagaaway kami ni Jayson tungkol sa time. Hindi ko malaman kung bakit dinepensahan ko ang sarili ko kahit alam kong ako ang mali.😓 Umabot sa puntong nasabi ko sa kanya na maghiwalay nalang kami kung hindi niya ako maintindihan, ang ikinagulat ko, pumayag siya.😰 hindi ko alam kung anong sasabihin ko nun pero mas nanaig yung galit ko, na ganun ganun niya nalang ako bitawan. Hindi ko inisip na ako ng humingi sa kanya ng break.😢 Tapos, sa isang iglap. Wala na siya. Iniwan na din niya ako.😓 alam kong ako ang may kasalanan. Ilang ulit ko pang tinangkang humingi ng sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Parang ibinulong sa akin na huwag na, kasi baka masaktan lang din ako sa magiging sagot niya.😓Kaya pinilit kong kalimutan siya. Pinilit kong mag let go kahit deep inside alam kong mahal ko pa siya.😭Kahit nagkikita kami tuwing may pagsamba pinipilit kong wag bumalik yung pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa tuluyan ko na siyang napakawala sa buhay ko. 🙂Bumangon ako Bap, bumangon ako kahit paulit-ulit akong nasaktan. At alam mo ba kung bakit sa'yo ko to sinasabi?😕 kasi ikaw ang puno at dulo ng lahat!😖 Iniwan mo na ako ng dalawang beses pero bakit prang ang bilis lang para sa akin na balewalain yun at tanggapin ka ulit sa buhay ko?🙁Ang dali lang para sa alin na patawarin ka sa kabila ng sakit na dinulot mo? Bakit Bap?
Ang Panunumbalik📱
Nakita mo na? Nakita mo ba kung paanong tinanggap kita sa kabila ng pagiwan mo sa akin?😔 Ganun kita kamahal! Alam mo ba? Ramdam mo ba? Hindi! Hindi mo mararamdaman kasi alam kong ginawa mo lang akong pampalipas oras! 😠 Oo! Alam kong iyon ang rason kung bakit ka ulit bumalik. Pero alam mo bang ang tanga tanga ko kasi umasa ako non na hindi totoo lahat ng hinala ko?😫 Na sabi ko, pwede pang maibalik yung dating tayo! Umasa ako na sa simpleng conversation at paglabas labas natin malaman mo na mahal mo talaga ako na babalik ka sa akin at hihingin ulit ang oo ko. Pero mali nanaman ako!😰 Mali na umasa akong pwede pa. Mali pa lang umasa akong babalik ka, maling mali. Maling mali!😖 Kaya ayun! Sa pagiging asyumera ko, nasaktan nanaman ako. Pwede mong sabihing kasalanan ko kasi nga diba? Umasa ako sa wala? Pero konsensya mo na yon! Gago ka! Ginamit mo ang kahinaan ko. Akala ko pa man din nagbago ka na. Pero ayun nga at mali nanaman ako! Bwisit na bwisit ako sa sarili ko dahil binigyan ulit kita ng parte sa buhay ko. Ang saya na natin diba? Na kahit maliwanag sa akin na wala naman talagang tayo, e hinayaan kong maging ganon tayo ka kumportable sa isa't isa. Hinayaan kong maging close tayo at isipin ng iba na mayroong tayo.ulit. Hinayaan kong umasa ako kahit alam kong wala akong aasahan. Ang tanga ko Bap diba? Pero kahit papaano salamat narin sa katangahan ko. Dahil sa pagkadiskubre ko ng katangahan ko, naghilom lahat ng sugat. Unti-unti ay natutunan kong gamutin yung sugat na iniwan mo.
Paggamot sa sugat💉
Unti-unti ay ginamot ko ang sugat na iniwan mo.
Unti-unti ay natututunan kong maglaan ng oras sa sarili ko.
Unti-unti ay narerealize kong tama na.
Unti-unti ay nakakalimutan kita.
Unti-unti ay natanggap kong wala ka na sa buhay ko.
Unti-unti ay natanggap kong may mahal ka na talagang iba.
Kaya salamat. Salamat sa sugat na nagiwan sa akin ng aral.
Salamat Bap. Salamat.
Nawa'y masaya ka na ngayon sa piling ng bago mong mahal.
Nawa'y wag mo siyang sasaktan.
Nawa'y wag mo siyang iwan gaya ng pagiwan mo sa akin.
Dahil sapat na lahat ng ginawa mo sa puso ko para masabi kong balang araw!
Maghihiwalay din kayo.
At wala ka ng babalikang AKO.
YOU ARE READING
UNANSWERED-UNTOLD
PoetryHave you heard about the SPOKEN WORD POETRY? If yes.. Ganung style mo basahin itong mga isinulat ko. Para maapreciate mo ha? If no... Basahin mo parin. Kasi maiintindihan mo naman siguro ha? Pagkatapos mong basahin, magcomment ka. Bigyan mo ako ng...