Napakabata ko pa non para masabi kong mahal kita.
Pero sa paglipas ng panahon, nalaman kong totoo pala.
Walang halong biro, walang halong siyensya
Totoo. Minahal kitang talaga.Bakit? bakit kaylangang ganito?
Nahihirapan ako, nahihirapan ng husto.
Tama ba na balewalain ko
Tunay na nararamdaman ng puso.Nagmahal ako ng iba dahil akala ko yun ang solusyon,
Sa sakit na dinanas ko, nakatanim hanggang ngayon.
Sa piling niya kunwari lang ang saya,
Kasi ang totoo, ayoko na.Paano? sabihin mo kung paano?
Paano tatakasan ang problemang ito.
Maling mali ang desisyon ko,
maling mali na dalawa kayong mahal ko.Kaya sabihin mo ang gagawin
Para sa huli hindi masaktan ang damdamin,
Ipagpapatuloy ko ba ang relasyon o puputulin
Para bigyang daan ang pusong pwede ko ulit mahalin.Sana pala nuon pa ginawa ko na,
Nung mga oras na sana maaga
Hindi ko na sana pinatagal pa,
Para hindi ganito kahirap, hindi ganito kalala.Hirap na hirap na ako
Hindi alam kung sinong pipiliin, litong-lito
Siya ba na ngayon ay mahal ko,
o ikaw na nagbabalik para mahalin ulit ako?Ganito ba talaga pag nagmamahal ang tao?
Kaylangang mahirapan, kaylangang magsakripisyo,
Masakit, may kirot, hihiwain ang puso,
Pero anong laban ko? kung pag-ibig ang nakataya dito?Huli na ba ang lahat sa atin?
O sadyang ganun talaga ang sasapitin,
Magmamahal ako ng taong hindi ko alam kung mahal ko talaga?
O babalikan ko ang taong hindi ko sigurado kung mahal akong talaga?
Sino? Sino sa inyong dalawa?
YOU ARE READING
UNANSWERED-UNTOLD
PoetryHave you heard about the SPOKEN WORD POETRY? If yes.. Ganung style mo basahin itong mga isinulat ko. Para maapreciate mo ha? If no... Basahin mo parin. Kasi maiintindihan mo naman siguro ha? Pagkatapos mong basahin, magcomment ka. Bigyan mo ako ng...