Araw-Araw, hindi ko nakaligtaan dumaan sa lugar kung saan labis akong nasisiyahan.
Sa tuwing malamig ang umaga, ikaw laging hanap ng puso't kaluluwa.
Pinaiinit ang bawat sandaling babad ako sa yelo, at tila hindi alam kung saan tutungo.
Ikaw ang naging saksi sa lahat ng pinagdadaanan ko. Sa bawat problemang kinakaharap at sa bawat luhang pumapatak.
Hindi ka napagod intindihin ako sa kabila ng paulit-ulit kong pagbalik.
Dahil alam ko, ikaw at ikaw lang ang malalapitan ko.
Naalala mo pa ba? Nung unang magawi ako sa lugar mo? Tinanong ko kung meron ka pero ang sagot nila sa akin ay wala.
Nanlumo ako, alam mo kung gaano ako kasabik makita at makausap ka.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, bumalik ako at sa wakas mayroon ka na.
Natuwa ako, matyagang naghintay hanggang makalapit ka sa mesa ko.
Bumakat ang ngiti sa mukha ng maamoy ko ang bango mo. Nakakawalang pagod at problema.
Hinawakan kita at nagsimulang magkwento, hindi ka man sumagot alam kong naiintindihan mo ako.
Ramdam ng palad ko ang init ng pagmamahal mo. Hanggang sa diko namalayan, kaylangan na kitang iwan.
Gustuhin ko mang manatili at magpakalunod sa pagmamahal mo, hindi maari dahil may mga bagay pa akong kinakaylangang gawin.
Bago kita iwan, nangako ako. Babalik ako.
At sa pagbabalik ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ka at kausapin ulit.
Kasi dahil sayo, tumamis ang mundo kong dating kay pait.
Salamat kape.Maraming Salamat.
Hanggang sa muli.
HAHAHA!
Nandito kasi ako ngayon sa Chocolate Coffeline :) e napagtripang gumawa niyan! haha. LOL. Pagpasensyahan niyo na:)
YOU ARE READING
UNANSWERED-UNTOLD
PoetryHave you heard about the SPOKEN WORD POETRY? If yes.. Ganung style mo basahin itong mga isinulat ko. Para maapreciate mo ha? If no... Basahin mo parin. Kasi maiintindihan mo naman siguro ha? Pagkatapos mong basahin, magcomment ka. Bigyan mo ako ng...