Prologue

98 7 1
                                    

Flashback

Masaya kaming kumakain ngsyon dito. Sobrang daming pagkain na niluto si mommy. Hindi ko alam kung may okasyon ba basta ang alam ko lang sa mgayon kumpleto at masaya kami.

"Si Zafarah lang ang makakapag ayos ng pamilya natin." Tinawanan ko nalang ang biro ni kuya.

"Syempre, ito ata ang bunso ng pamilya. Kahit 9 years old palang 'to, madami ng alam sa buhay." Sumasang ayon pa si daddy kay kuya. Hala.

"Kuya, daddy, bata pa po ako. Bakit po ako nadadamay dyan?" Bigla naman nila akong tinawanan.

Hay nako. Pinag kakaisahan nanaman nila ako.

"Wag niyong pag tulungan ang bunso natin." Yes! Pinag tatanggol ako ni mommy. Kumain nalang ako at hinayaan sila.

"Basta para sa akin, si Zafarah ang makakagawa ng pangarap ni lolo." Nagtaka ako bigla sa sinabi ni daddy.

Sinong lolo? Ang lolo ba sa tuhod ni daddy? Hala.

"Diba po ang pangarap ni lolo ay mawa---" Naputol agad ang sasabihin ko dahil kay Mr. Tiu, assistant ni daddy.

"Mr. Gonzales, andyan na po ang mga kalaban." Biglang nagtayuan sila kuya at daddy. Pati na din si ate.

"Itago mo si Zafarah! Ngayon na!' Utos ni daddy kay mommy. Binuhat naman agad ako ni mommy.

"Bakit ako lang po ang magtatago!?" Sigaw ko at sinimulan ko ng umiyak.

Dinala agad ako ni mom sa tapat ng butas ng kisame. Kinuha niya yong hagdan at pinaakyat ako don. Iyak na ako ng iyak sa takot sa kung anong pwedeng mangyari sakanila.

Tumingin muna ako kay mom bago pumasok sa kisame, kitang kita ko kung gaano nagp-panic si mommy.

"Zafarah, wang kang makulit. Pumasok kana dyan. Kahit anong mangyari, wag na wag kang bababa dyan. Mahal na mahal ka namin anak." Mas naiyak ako.

"Osige na, pumasok kana dyan."

Ayoko man iwan sila mom pero kailangan ko sumunod. Pumasok na ako sa kisame at nagtago. Inalis na ni mom yong hagdan at saktong may pumasok sa bahay namin na mga lalaki.
Sino sila?

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kung anong ingay. Nakatingin ako sa mga ginagawa nila.

Nakikipag suntukan si kuya sa dalawang lalaki. Si daddy naman ginagamit ang wushu stick niya laban sa apat na lalaki. Si mommy ay nakikipag laban din gamit yong martial arts na tinuro niya sakin. Si ate ay hawak lang ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan.

Hindi ko alam ang kahahantungan ng pangyayaring 'to.

Lord, kayo na po ang bahala sa pamilya ko. Ayoko pong mawala sila sakin.

Biglang may pumasok na lalaki na may mga kasamang lalaki. Mukhang bata niya 'to, ganito din si daddy pag aalis siya.

"Oh, tignan mo nga naman. Palaban talaga." Humalakhak agad yong lalaki pero naging seryoso agad ang mukha niya. "Kung hindi kaya susuko, masisira ang kinabukasan ng dalaga niyo."

Lumapit yong lalaki kay ate at tinitigan 'to. Mukha naman 'tong adik.

Hindi ko inasahan na susuko sila daddy sa lalaking iyon. Ngayon ay hawak na sila sa magkabilang braso ng mga lalaki. Mas naiyak ako sa ginagawa nila.

Dad, hindi ka po ganito. Hindi ka nagpapatalo. Ano po 'tong ginagawa mo? Huhu.

"Wag ang anak ko!" Sigaw ni daddy pero hindi siya pinansin nung lalaki.

"Baboy ka talaga Mr. Cruz! Pati anak ko dinadamay mo!" Kitang kita ko ang pagtulo ng luha ni mommy.

Gusto kong bumaba dito at lumaban, pero alam kong hindi ko sila kayang lahat. Ayoko din suwayin si mommy. Wala akong magawa kun'di umiyak nalang.

"Kung papatayin mo kami, gawin mo na! Ang dami mo pang dada!" Natawa yong Mr. Cruz sa sinabi ni kuya.

Ano ba 'tong ginagawa nila?

"Ang tatapang ng pamilya mo, Mr. Gonzales. Mukhang mapapalaban ako." Mayabang niyang sinabi pero hinfi ako naaaliw sa kilos niya.

Bigla niyang kinuha yong baril sa mga bata niya at tinutok 'to kay kuya. Tinignan ko si kuya pero parang wala siyang takot na nararamdaman ngayon.

Kuya, wag kang mag mayabang ngayon!

"Uunahin na kita," Binaril niya ng tatlong beses si kuya. Sa braso, sa tuhod at sa dibdib.

Sigaw nalang nila mommy at daddy ang naririnig ko.

"Kuya.." Nakita ko ang pag bagsak ni kuya sa sahig. Dumadaloy na ang dugo niya sa sahig. Iniiwasan kong makagawa ng ingay kahit na gusto ko ng sumigaw.
.
"Ano, Mr. Gonzales? Masakit bang mawalan ng taong mahal?" Maangas na tanong niya pero mukha pa din siyang adik.

"Tch, sakim talaga kayo!" Sigaw ni dad.

Ngumisi lang 'to at kinuha ang ispada niya sa bata niya. Nakita ko kung paano niya pugutan ng ulo si ate. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Lunapit siya kay mommy at hinimas nito ang mukha ni mommy. "Napaka kinis mo pa din, hindi ka pa din nagbabago." Ang sama ng tingin sakanya ni dad at ganon din si mom. Dinuraan lang siya ni mom sa mukha kaya napangiwi siya.

"Kung ako ang minahal at pinili mo noon, hindi ko sana gagawin sayo 'to ngayon." Sinaksak niya si mom ng ispada at nakita ko agad ang pagngisi niya.

Nakita ko ang pagluhod ni mom sa sahig na kasabay na pagtulo ng dugo at luha ni mom.

Wala akong magawa para sakanila. Iyak lang ako ng iyak.

Nilapitan naman niya si dad at tinuhod sa tyan. Tinutukan niya si dad ng baril sa ulo at huli ko nalang na nalaman ay bumagsak na si dad sa sahig.

Wala siyang puso!

Lumabas siya sa bahay na may mga ngisi at tawa sakanila ng bata niya.

Binigay ko ang lahat ng lakas ko para tumalon dito sa kisame. Nasigurado ko ng wala na sila. Tumakbo agad ako papunta kay mommy.

"Mom, wag mo po akong iwan. Lumaban po kayo." Hinawakan niya ang pisnge ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Mom, kaya niyo po yan. Mom, wag kayong sumuko." Hinawakan ko ang isang kamay ni mommy para sabihin na tatagan niya ang loob niya.

"A-anak, tandaan mo, m-mahal na mahal ka namin ng d-daddy mo.." Pilit na sinasabi ni mom habang umiiyak siya.

"W-wag na wag kang magpapapatay sa lalaking yon. O-oh sa pamilya niya.." Tumango tango ako kay mommy sa mga sinasabi niya.

"O-opo mommy."

"M-mahal kita, Z-zafarah.."

Ang tanging alam ko nalang ay tuluyan ng sumara ang mata ni mommy at dahan dahan na naalis ang kamay niya sa pisnge ko.

Biglang dumating si Mr. Chan, ang ninong ko. Iyak lang ako ng iyak dahil sa nangyari.

Bata nga ako, pero wag niya akong subukan.

End of flashback

Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo sa pamilya ko.

Hintayin mo ako, Mr. Cruz. Magtutuos tayo.

Ipaparamdam ko sayo ang sakit na mawalan ng pamilya.

Alam mo ang mali mo? Tch.

Ang mali mo, tinira mo ako. Binuhay mo ako.

------------
I'm his Mafia Queen
February 1, 2017

I'm his Mafia Queen Where stories live. Discover now