[Zafarah's POV]
"Tama, tama! Hindi ako dapat sumuko sa mga ipapagawa ni Tyron grr. Kailangan kong magtiis! Oo, dapat." Kinakausap ko yong sarili ko habang papasok ng hide out namin.
Nagulat ako ng bigla akong nabangga kay Tyron na nakatayo sa harap ko. Hala! Bakit ganito 'to makatignin?
"Tingin mo ba matatago mo sakin? Tingin mo ba matatago mo yon sa maskara na yan!?" Napa-atras ako sa lakas ng sigaw at talas ng tingin niya. Binigyan ko lang siya ng 'What-are-you-saying?-look'. "Hindi ako tanga Zafarah! Sampung taon na tayo magkasama at hindi mo kayang itago ang pagkatao mo sakin!" Sabi niya tsaka tinulak yong isa kong balikat.
Ngayon lang ako natakot ng ganito sakanya.
"S-so-sorry, Ty-ron." Napayuko nalang ako, hindi ko siya kayang tignan.
Umiling siya. "Tss, hindi ko na alam kung ikaw pa yong kababata ko na kasama ko ng sampung taon. Hindi bagay sayo ang pangalang Zafarah Gonzales, napaka sama ng ugali mo." Ang diin ng salita niya habang nakatitig sakin.
"H-hi-hindi!"
"Finn, ayos ka lang?" Napatingin ako kay Jiro na nagsabi tsaka tumango. "Ang sama ata ng panaginip mo hahaha."
Panaginip?
Nilibot ko ang mata ko at wala ako sa building ng org, nandito ako sa kwarto ko sa bahay ni Tyron.
Hay, nakahinga ako ng maayos don. Akala ko nakilala na niya ako.
Pero, paano ako napunta dito? Kagabi nasa likod lang ako at naglilinis ng pool tapos nakatulog ako tapos pag gising ko anndito na ako.. Hala! Napahawak ako sa mukha ko at suot ko pa din yong maskara, napatingin naman ako sa damit ko na iba na.
"HALA!" Nanlaki agad ang mata ko at napatingin sa tatlong asungot na nasa kwarto ko. Nagtakip agad ako ng kumot. "A-anong karapatan niyo para palitan ako ng damit ha!? Yah! Mga bastos!" Sigaw ko tsaka pinag babato sila ng unan.
Huhu walang respeto! Porket tulog ako pinagsamantalahan na nila ako! Mga bastos! Ir-report ko sila ammaya kay ninong huhu. Unang beses 'to at mababaliw na ako! Yah!
Magsasalita na sana si Zachary pero inunahan ko na. "Yah! Ano nalang ang sasabihin ng future husband ko ha!? Na hinayaan kong may tatlong asungot ang nagsamantala sakin!? Huhu ano nalang ang sasabihin sakin ng mother in law ko!? Na kaladkarin akong babae!? Ano!? Sinira niyo kinabukasan ko mga asungot!" Naiiyak na ako!
"Hahahahahaha." Tawa ng tawa si Jiro.
"Damn hahahahaha." Tawa din ni Zachary.
"Haleluyah hahahahaha." Sabat pati ni Aaron.
Eh? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nagpapaka-totoo lang naman ako ah? Masama bang sabihin ang side ng babaeng biktima ng karahasan?
"Akala ko pa naman mababait kayo pero mapag-samantala pala kayo." Tawa pa din sila ng tawa. Eh? Nabaliw na ba sila kasi gumawa sila ng isang krimen at sigurado silang ipapapatay sila ni president Digong?
"SHUT THE FVCK UP!" Sigaw nung halimaw kaya tumahimik yong tatlo at napatago din ako sa ilalim ng kumot. Mata ko nalang ang hindi ko natatakpan, dumating agad si Tyron na naka-black long sleeve at gray pants.
Inpernes! Ang sexy ng fafabels niyo oh ahehe.
"Si Allyana nagpalit sayo, wag kang oa." Sabi niya tsaka umupo sa upuan sa harap ko.
Hindi nalang ako umimik. Bat ba? Kung sa ayokong magsalita, eh.
"Nginunguso nguso mo dyan babae?" Umiling lang ako.
YOU ARE READING
I'm his Mafia Queen
RomanceAng mali mo, tinira mo ako. Binuhay mo ako. At yon ang malaking pagkakamali na ginawa mo. Ngayon, matakot ka dahil bilang na ang mga araw mo.