[Zafarah's POV]
Pinag mamasdan ko lang ang picture namin. Ang saya namin, buo kami at walang iniintinding iba. Pero nagbago ang lahat ng yon. Hays.
Sampong taon na ang nakakalipas at hindi pa din mawawala ang bakas ng sakit na ginawa nila sakin, na ginawa nila sa pamilya ko. Sa lahat ng katotohanan na alam ko, ayun ang pinatay niya ang pamilya ko at don siya magsisisi.
Mararanasan mo din 'to, maghintay ka lang.
Sa ngayon, enjoy mo lang ang buhay mo habang kumikilos pa ako. Dahil darating din ang araw na guguho ang buhay mo.
Naitago ko bigla sa bulsa ko yong picture ng nakita ko si Tyron. Nagpunas agad ako ng luha.
Si Tyron ang nag iisang anak ni ninong, yong tatay tatayan ko. Simula ng mamatay ang pamilya ko at kinuha ako ni ninong si Tyron na ang lagi kong kasama hanggang ngayon. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi kami magkasundo. Pagkaka alam ko lang kasi ayoko sa ugali niyang pasaway at manloloko.
Oo, napaka manloloko nyan. Ilang babae na ang dinala nyan dito sa bahay at nilalandi. Hindi ko nga ba alam kung bakit siya ganon. Pwede naman dibang magseryoso sa isang tao? Pero hindi niya yon magawa at yon ang kinaiinis ko.
Tumakbo agad ako papunta skaanya ng makita ko siyang palapit na sa pinto. Napahinto naman siya pero hindi niya ako nilingon, nakalagay lang yong dalawang kamay niya sa bulsa.
"Uh, saan ka pupunta Tyron?" Tanong ko habang nakangiti. Ang aga aga aalis na agad, nako.
"Mall."
Malamig na sagot niya na hindi ps tumutingin sakin. Sus, mall ka dyan! Panigurado sa bar ka lang pupunta at maghahanap ng babaeng madadala mo nanaman dito.
"Uh, anong gagawin mo don Tyron? Hehe." Mas lumapit pa ako sakanya para makita ang mukha niya. Aish, kahit sa loob loob ko nauumay ako pero hindi ko nalang pinapakita.
"None of your business."
"May bibilhin ka ba? Gusto mo samahan kita?" Pagungulit ko. Hays, sana naman pumayag. Pumayag please? Jusko, para naman 'to sa ikabubuti natin.
"Shut up."
Aba, shut up lang ang sagot niya? Napaka bastos talaga ng lalaking 'to. Hindi man lang ako kausapin ng matino, kahit isang beses lang naman manong ano! Tch.
Bastos talaga.
"Pero mag isa----" Naputol agad ang sasabihin ko dahil skaanya. Bastos talaga.
"Dad want to talk to you." Sabi niya gamit ng malamig na boses niya. Sumingkit naman ang mata ko na parang nagtataka ng marinig ko yon.
"Now." Dagdag niya pa kaya tumango tango nalang ako. Wala naman akong choice, eh.
"Okay." Bulong ko. Nagsimula na siyang maglakad palabas at ako naman naiwan dito na halong inis at pagtataka ang nararamdaman.
Hays, gumagawa na nga ako ng paraan para mapalapit sakanya. Para ko na ding tatay ang daddy niya kaya gusto kong magka sundo kami pero halatang ayaw niya talaga akong kaibiganin.
Hindi mo pa ako lubos na kilala, mister.
Dumeretso ako sa office ni ninong, nakita ko siya na nakatayo sa harap ng bintana niya. Bigla akong kinabahan ng humarap siya. May ibabalita kaya siya sakin?
"Uh, ninong, gusto niyo daw po akong makausap." Panimula ko ng usapan dahil mukhang seryoso si ninong.
"Maghanda kana sa alis natin, oras na." Nakangiting sagot niya. Tinignan ko si ninong na walang kaide-ideya sa sinasabi niya.
YOU ARE READING
I'm his Mafia Queen
RomanceAng mali mo, tinira mo ako. Binuhay mo ako. At yon ang malaking pagkakamali na ginawa mo. Ngayon, matakot ka dahil bilang na ang mga araw mo.