Chapter 3: Organization

35 3 0
                                    

[Zafarah's POV]

"Listen Zafarah, walang kahit sino ang pwedeng makakilala sayo. Hindi nila pwedeng malaman ang tunay mong apelyido. Gamitin mo ang apelyido ko pero wag mong gagamitin ang pangalan mo. Kahit ano, wag lang ang Zafarah dahil paniguradong matinik ang pangalan mo sa mga kalaban." Tango lang ako ng tango habang sunod sunod ang mga sinasabi ni ninong. Para akong sasabak sa isang contest na tinuturuan pa ako ng isang instructor hehe.

"Gawin mo 'to para sa pamilya mo, hindi para sakin o para sa mafia kun'di para sa pamilya mo." Dagdag pa ni ninong. Naoangiti ako sa sinabi niya, isa talaga siyang tatay sakin. Niyakap pa ako ni ninong at tinap ang ulo ko. "Okay, are you ready?"

"Yes, Mr. Chan. I'm 100% ready." Confident kong tanong kaya napatap nanaman si ninong sa ulo ko.

Bumaba na agad siya ng kotse. Kagalang galang talaga ang kilos ni ninong, ang paglakad at paggalaw ng mga kamay niya jusko. Parang hindi ko ata kaya yon. Dapat pala ayun ang pinraktis ko hehe. Sinalubong agad siya ng dalawang lalaki at pumasok na sila sa loob ng building. Woah, kaya mo 'to Zaf. Kaya ko 'to.

"Go girl."

Bulong ko sa sarili ko at bumaba na sa kotse. Aish, bahala na! Ginaya ko ang lakad ng mga napapanood ko sa Tv na mga pageant. Medyo kaya ko naman siguro kasi hindi naman mataas yong suot kong sapatos hehe. Nakasuot ako ng fitted na black leggings at fitted black sleeveless at nakapony tail din ang mahaba kong buhok tapos may suot akong mala-zorro na maskara. May suot akong jacket na may mga secret pocket at don nakalagay ang mga baril ko at kutsilyo. Amazing!

"Ay hudas!"

Pagpasok ko sa building muntik na akong natapilok buti nalang nabalance ko ang sarili ko hehe. Nakakahiya. Lagi nalang ganito, kahit na hindi naman mataas ang suot ko natatapilok pa din ako jusko. Bumungad agad sakin ang mga naglalakihang lalaki na mga naka black suit din. Amazing talaga! Mga mukha kaming professional dito hehe.

"Okay, she's the new member of our Organization." Pagpapakilala sakin ni ninong. Ay kabog! Napaka-professional din akong ipakilala ni ninong hehe nakakatuwa sa heart. "Okay, lady, please introduce yourself." Pagsabi niya non ay tumingin pa siya sakin.

"Thank you, Mr. Chan." Nag bow pa ako ng ulo kahit kaonti at humarap sa mga kalalakihan, may mga babae din pero bilang lang talaga siya. Baka nga walo lang kaming babae dito. "Hello everyone, Finn here!" Maangas kong pagpapakilala at ngumisi pa ako ng kaonti sakanila.

"Okay, Ms. Finn, wait for my s----" Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni ninong bumukas agad yong malaking pinto. Napanganga tuloy ako kasi nabitin ako sa sinabi ni ninong hehe.

"I'm here." Maangas na bungad ni Tyron. Ay wow, ang yabang yabang nito ngayon eh wala namang binatbat sa tatlong asungot na bumugbog sakanya. "Are you done?"

"H-ha!?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Tyron. Nasa harap ko na pala siya ngayon hehe grabe hindi ko naman gustong titigan siya ng ganon. Tumingin ako sa paligid at lahat sila nasa akin ang mga mata jusko. Ano ba 'tong ginawa ko!? Umiwas nalang ako ng tingin kay Tyron at tumayo na parang isang beauty queen hehe.

"Okay, Tyron Chan will be my other half here to control any problems or even transactions when I'm not around. Si Finn, siya ang magiging assistant ni Tyron. So please be nice to her."

Ay kabog! Boss na ang crush niyo. Pft haha boss ko 'tong si Tyron? Haha mas malakas pa ako sakanya. Pero wala akong magagawa kasi si ninong ang may sabi non hehe wala namang mawawala sa kagwapuhan ko kung siya ang boss ko, eh.

"Hi miss Finn! Ako nga pala si Allyana, Allyana Gomez!" Bati sakin ng isang singkit at maputing babae hehe infairness ang ganda ganda niya.

Ngumiti naman ako bilang sagot. "Hello Allyana." Kahit gusto kong makipag beso beso to the highest level kay bebe Yana'ng 'to dapat alisin ko kahit papaano ang pagiging hyper ko dahil baka makilala ang totoong ako.

I'm his Mafia Queen Where stories live. Discover now