Di ko alam gagawin ko. Papasukin ko ba si john o hindi? To kasing baklang to eh. Masyadong kinareer, patay nga, nagpula pa.
Harry: Ah, John. Papasok ka pa ba?
John: Malamang! Kaya nga sumama ako eh. (sabay taas ng kilay)
Aba!! Nakakapanggigil ka na ah. SIGE! BAHALA KANG MALASIN.
Harry: Ced! ano? tara na?
Ced: Kanina pa. Haha. Tara.
Harry: Asan sila Dan? (hawak yung cellphone)
Ced: Ayun oh, bumibili ng mangga. Di mo pinatapos kumain kanina eh. (natatawa)
Harry: Tara na, mauna na tayo dun. Text ko na lang sila.
Umakyat na kami ni Ced kasabay sila Julia. Kung makahawak namang tong john na to kay julia, di naman magkamukha. HAHAHA. joke.
As expected, pinagtinginan si john dahil sa suot niya. Ewan ko ba, ako yung nahihiya para sa kanya.
Harry: Condolence po.
Ced: Condolence rin po.
Sila Julia dire-diretso sa nakaburol.
Harry: Di naman kayo nagmamadali. Antayin muna natin sila Dan.
Julia: Ayy. Sorry. Haha. sige.
Ced: Ry, text mo na sila Dan. Para makauwi na rin tayo agad (pabulong)
Harry: Ito na nga oh. Ikaw na kaya magtext. HAHAHA.
To Dan
Dan! Saan na kayo? tagal kumain. Tara na. Akyat na kayo dito.
Wala pang ilang segundo nagreply na.
From Dan
Eto na. Paakyat na. Chill. :)
Pagkatagal tagal naman oo. Nung makarating na sila, sabay sabay kaming tumayo at lumapit doon sa patay. At tahimik na nagdasal. Pagkatapos ay naupo ulit kami. Syempre nag antay siguro ng mga 5 minutes at may matandang lumapit sa amin. Binigyan kami ng kape at chiffon cake na nakabalot. Syempre yung iba kinain nila yung balak daw nilang iuwi. Baka sakaling gutumin. At isa ako dun sa nag-uwi.
Harry: Tara na. Alis na tayo. (sabay lagay ng cake sa bag)
Marie: Huy. Sabi daw bawal daw mag-uwi ng kahit ano kapag galing sa patay lalo na sa pagkain. Masa daw yun.
Harry: Wow. Andito ka pala. Niyaya kita pero ngayon ka lang nagka dialogue ah. HAHAHA joke. Di naman totoo yun. (pinasok yung cake sa loob, zinniper)
Ced: Pre. Tara na.
Harry: Eto na nga oh. Tara. Ano ba sasakyan natin?
Ced: Taxi na lang. Kasya na tayo.
Cara: Daan muna tayo dyan sa mall. Kain lang tas libot. Haha.
Dan: Puro ka talaga lakwatsa.
Harry: Oh tara na.
Pumunta kami sa isang mall dito sa gilmore.
Habang kumakain kami nagpaalam si john na mag-cCR lang daw sya. Syempre di na namin siya inantay at nag-order na kami ng makakain. Mga ilang minuto rin at hindi pa bumabalil sa john. Kung sabagay, sa isip ko. Baka finifeel niya masyadong maging babae kaya matagal kuno magCR. Tss. -__-'
Habang kumakain kami, andami kong nakikitang mga bagay na kulay violet. Bag, damit. As in lahat ng makikita, habang lumilinga-linga ako, bigla na lang akong makakakita ng violet.
Di ko na pinansin. Habang kumakain kami, eh may narinig kaming isang malakas na malakas na sigaw. WAAAAAAAAAH!!! AAAAHHHHH! WAAAAAGGGG! TULONG!!!! WAAAAAAAAAAHHH!!
Cara: Huh? ano yun? Ced!
Ced: Di.. di ko alam. Ry, puntahan natin.
Harry: Teka, baka mamaya hostage yan. Madamay pa tayo. Dito na lang tayo. (sabay kurot sa mantel ng lamesa.)
Cara: BAHALA NGA KAYO. Julia, tara. (hinatak yung kamay ni julia)
Julia: Oh. O sige. Ang duduwag niyo (sabay tingin ng masama kay harry)
Harry: HA...... Tara na nga Ced. Ba'tong mga 'to. (tumayo na inis na inis)
Ced: Dan, tara. Halina kayo.
Harry: BILIS!!
Habang patakbo kaming pumunta sa kinaroroonan nung sumigaw. Nadatnan naming nakarating kami sa CR ng boys. Lahat ng tao, doon nagtipon tipon. Mga guards, janitor, pati mga iilang matanda.
Di kilala: "Grabe. Labas ang lalamunan."
"Shet. Bat nagkaganyan?"
"My goodness. Who would have done that?"
Ang daming kuru kuro. Ang ding nagsasalita. Palapit kami ng palapit sa pinag-uusapan nila. Pabaho ng pabaho ang paligid. Pataas ng pataas ang mga balahibo namin at............
Harry: Si.... Si.... (nabubulol) Si..... J...oh...n.. Si John!! Si John!!
Si john na nakahandusay sa gilid ng basurahan na kulay violet at wala ng leeg kundi lalamunan na ang nakikita.
-----------------
Guys. Sorry late. Pasukan na kasi. Ayan na yun. Sige. Bye. Dont forget to Comment, Vote, And Share. =))
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN: WAG KANG SUMUWAY
Mystery / ThrillerNaniniwala ka ba sa mga pamahiin? Sa mga sinasabi ng lolo't lola mo? Mga taong nakatatanda? Naniniwala ka ba sa bawat ikinikilos mo ay may kaakibat na swerte o malas, mabuti o masama? Alam mo na nga ba lahat ang mayroon dito sa mundong ating ginagal...