Hi. Hahaha took forever para makapag-update. Sobrang busy lang talaga tapos nakalimutan ko may story pa pala ako dito. Let me make it up to you guys. 👍🏼
===========================
"Natakot talaga ako sa mga reply nila. Di ko alam kung paano ko sila icocomfort. Nahihirapan akong tanggapin na ako yung dahilan kung bakit namin nararanasam itong mga pangyayari. Bakit ba kasi may mga pamahiin? Pwede naman kasing bumisita ka lang sa patay tapos, tapos na. Bakit kailangan sundan ka ng patay? Patay na nga diba?"
Nagreply ako sa kanila.
Send to Group
Guys, meet me sa usual na tambayan natin (parking lot) may gusto lang akong iklaro tsaka may ikukwento ako sa inyo. Reply asap.Maya-maya may nagreply na.
Katy: sige sinabi mo.
Julia: if you say so.
Dan: sige lang bro
Ced: Try ko. May laro kami mamaya.
Marie: go lang natatakot ako.
Hayy buti na lang okay pa sila. Medyo kinabahan ako dahil baka mamaya may namatay na o naaksidente sa mga to. Di ko kakayanin.
Habang nagbibihis ako para makapag-ayos na at makapunta dun sa meet up namin. Tinawag ako ni ate clary, nakaramdam siguro.
Ate Clary: RY! San ka nanaman pupunta?! Maaga pa para maglakwatsa ka.
Harry: Ate saglit lang to (habang tumatalon para masuot yung pantalon) Kakamustahin ko lang sila, dyan lang kami sa Araneta.
Ate Clary: Nako kang bata ka. Sinasabi ko sa'yo ah, umayos ka mamaya kung anu-ano na ang pinaggagagawa mo. Umuwi ka agad bago mag alas-tres may catering tayo dyan sa may malapit.
Harry: Sige lang ate. Itext na lang kita kapag pauwi na ko before 3. (Habang inaayos yung laman ng bag) so bakit nga ba ako nagdala ng bag? Kasi ito ang history niyan..... "Bago ako naligo nagresearch muna ako about sa pamahiin kahit pa hindi ako naniniwala dito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagka-interes ako. Siguro kasi dahil dun sa panaginip ko. Hindi ko alam. Bahala na. Research lang ng research pagkatapos pinrint ko na agad. Mamaya ko na lang siguro ipapa-photocopy para may kopya sila kung sakali. Bahala na." Kaya ako nagdala ng bag. Okay?!
Habang pababa ako, parang may aninong dumaan sa salamin ko sa kwarto. Tumalikod ako para tingnan at wala naman. Pero hindi na ko nag-isip pa, kumaripas ako ng takbo pababa ng hagdan na muntik ko pang ikalaglag at narinig ni ate yung kalabog.
Ate Clary: OH? Ano ka ba? Takbonkasi ng takbo! Bakit ba aligaga ka at atat umalis? Sabi ko tulungan mo ko dito. (habang nagpiprito ng hotdog para sa mga kumakain)
Harry: Basta before 3 andito na ko. Sige alis na ko. Andyan si Jeoff, patulungin mo ate. Jeoff! Tulungan mo si ate, may bente ka sakin mamaya. Dali! (Si jeoff yung pinsan kong may pagka-may-tililing)
Ate Clary: Anyare dun? (Kausap ang sarili)
Habang nag-aantay ako ng masasakyan, nagtext si Ced.
From Ced
Bro, di ako makakasama. Practice muna kami. Pasensiya na.
To Ced
Ah sige text mo na lang kami kung makakasunod ka.
Habang naglalakad ako, kinuha ko yung mga research papers ko at binasa. Ilan nga sa mga nakatype doon eh yung mga pagbabawal sa pag-uwi ng pagkain at ang pagsusuot ng pula sa patay. Ang mga ilan din dito ay ang paggamit ng salamin sa burol, ang pagluha sa kabaong ng patay at ang pag-punas nito, at ang pagkuha ng gamit o anumang bagay na nasa loob ng burol.
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN: WAG KANG SUMUWAY
Mistério / SuspenseNaniniwala ka ba sa mga pamahiin? Sa mga sinasabi ng lolo't lola mo? Mga taong nakatatanda? Naniniwala ka ba sa bawat ikinikilos mo ay may kaakibat na swerte o malas, mabuti o masama? Alam mo na nga ba lahat ang mayroon dito sa mundong ating ginagal...