Habang madami ang nag-uusap, kami naman ay aligaga. Si Julia at Marie nag-iiyakan. As usual si Cara ay no emotions pero alam na malungkot. Si Dan kinocomfort kuno sila Marie at kami naman ni Ced nag-uusap.
Harry: Pano nangyari yon? Eh kanina lang kasama natin siya. (nakunot ang noo)
Ced: Tsk. Di ko rin alam. Sino namang gago ang gagawa nito? (nakapamewang)
Harry: Tsk. Pano tayo niyan? Lagot. (habang hawak ang bag)
Ced: Puntahan muna natin sila dun.
Harry: Tara. (naglakad ng mabagal papunta kila cara na nasa tabi ng isang furniture shop na ang pangalan ay walang koneksyon sa binebenta)
Harry: Cara! Ano?
Cara: Ry, dumating na yung mga taga soco ba yun? Dinala na nila yung bangkay ni john. (nagsosob)
Harry: eh teka, wala man lang tinanong sa atin? di pa tayo sasama?
Ced: Ano ka ba? Kung tatanungin tayo, dapat kanina pa.
Harry: Kaya nga, bakit hindi?
Ced: banaman to? Lagot tayo sa mga parents natin. (napakamot sa ulo)
Harry: Tsk. Di ko na alam. Bahala na. Walang uuwi. Baka mapagbintangan pa tayo.
At tama nga ang hinala ko, pinapunta kami sa presinto.
Pulis 1: Bakit kayo nasa mall?
Harry: Sir, galing kami sa patay ng kamag anak ko. Nagpag-pag lang kami dito sa mall. (magkasalubong ang kilay)
Pulis 2: HAHAHAHA!! Mga gung gong. Naniniwala pa kayo dun. (habang hawak yung malaking bundat na tyan)
Harry: eh Yung patay pa ba pinag-uusapan natin dito? (medyo galit na)
Dan: Pre, hinay lang. (tapik sa likod)
Pulis 1: Oh kung ganon, ilapat niyo yung daliri niyo dito at gagawa ako ng record. (nilabas yung stamp pad)
Harry: Eh teka muna, bakit gagawan niyo kami ng record?
Pulis 2: Para alam namin kung sino yung mga kasama nung namatay. (grim sa mukha)
Dan: Hayaan niyo na. Sumunod na lang tayo. (pagod na)
Marie: Ry, bilisan na natin. Malalagot ako nito kila mommy eh.
Julia: Oo nga Ry, sumunod na tayo para matapos na.
Harry: Oo na. Sige na. Gawin na. (kamot sa ulo)
Pagkatapos naming gawin yung mga pinapagawa sa amin, kaagad na kaming umuwi. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang mga pakiramdam ko. Parang bagang may nakasakay sa likod ko. Sa sobrang pagod ko, itinulog ko na lang.
Dito ko naintindihan amg nangyari, sa king panaginip.
-----------
Read Comment Vote and Share
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN: WAG KANG SUMUWAY
Misteri / ThrillerNaniniwala ka ba sa mga pamahiin? Sa mga sinasabi ng lolo't lola mo? Mga taong nakatatanda? Naniniwala ka ba sa bawat ikinikilos mo ay may kaakibat na swerte o malas, mabuti o masama? Alam mo na nga ba lahat ang mayroon dito sa mundong ating ginagal...