Pamahiin: Ang Panaginip

647 0 0
                                    

Mausok. Madilim. Madaming nag-uusap. Maraming nagsasalita. Sumisikip. Masakit sa dibdib.

"Asan ako? Tao po. Tao po. Tulong! Tulong! May tao ba dyan?"

Tumakbo ako. Kinatok lahat ng pinto. Sumisigaw. TULONG!
Habang tumatakbo ako, nakarating ako sa isang maliwang na lugar. Dito nanggagaling ang ingay, ang mga usapan. Nakita ko ang isang lalaki, nakasuot ng blue na damit. Sinundan ko. Nakarating siya sa isang kainan. May kausap siya. May kausap siya, lalaking nakapula. Nagpapaalam ito. Umalis. Sinundan ko ito. NagCR. May nakita ako, lalaking nakaitim. Pumasok rin sa loob. Sino yun? Sino? Inantay ko silang lumabas. May narinig akong sumigaw. Isang malakas na sigaw. Tumakbo ang lalaking nakapula palabas habang hinahabol ng lalaking naka itim. Lahat sila, pamilyar ang mukha. Parang nakita ko na. Sa kung saan. Naabutan yung lalaking nakapula ng nakaitim at hinawakan sa leeg. Kumuha ng patalim at itinapat sa kanyang leeg. Ano to? Anong gagawin niya? Unti unting dumiin yung patalim. Parang nararamdaman ko. Masakit. Mahapdi. Aray. ARAAAAAY!"

HUH? Panaginip. Isang panaginip. Nako, salamat naman. Tiningnan ko yung oras, alas-sais na. Nako, magbubukas pa pala kami ng tindahan. Tumayo agad ako sa kama at pumunta sa CR. Naghilamos at nagsipilyo. Pagtingin ko sa salamin, nakita ko ying suot ko. Hindi pala ako nakapagpalit ng damit. Suot ko pa rin yung blueng damit mula kahapon. Nagpalit agad ako ng damit at iniligay sa labada.

Bumaba agad ako at nakita ko sa Ate Clary na nagluluto na ng ititinda.

Ate Clary: Ano Harry? Tanghali na ah. Anong oras ba kayo umuwi ng mga kaibigan mo kagabi? (habang hinahalo yung bilo-bilo sa kalan)

Harry: Uh... uh. (nauutal) mga alas-otso po siguro. Di ko matandaan, basta. Wala na kong maalala mula kagabi maliban sa nangyari kay john.

Kuya Ralph: Nako, ate. Di yan alas otso nakauwi, alas-onse imedia na yan umuwi at mukhang lasing.

Ibinaba ni ate clary yung sandok ng pabagsak at tumalikod. Hininaan yubg kalan hanggang sa hugis hinliit na lang yung apoy.

Ate Clary: (lumapit sa akin) Totoo ba? Harry, totoo ba? Kailan ka pa natutong uminom ha?! Sabi ko bumisita ka lang sa patay. Hindi magpakamatay sa paglalasing!! Tigas talaga ng ulo mo. Kahit kailan ka talaga, PABIGAT!

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa dibdib ko.

Harry: ATE! ANG O.A MO. DI AKO UMINOM.... AT DI RIN AKO NAGPAPAKAMATAY. May nangyari sa amin kagabi. Si John namatay!! At dinala kami sa pulis. Oh ano? Masaya ka na? Ang OA mo ate.

Ate Clary: Ano? Nako, Harry ah. Umayos ka. Hindi ako nagbibiro. (habang dinu duro ako)

Harry: Ano ba? Naniniwala ka kasi dito kay Kuya Ralph. eh siya yung lasing kagabi, ano? kuya ralph?

Ate Clary: (lumapit kay kuya ralph) NAKO. Nako RALPH! Kung sa tingin mo makukuha mo ko sa pagpapahamak sa kapatid ko, pwes HINDI. MANIGAS KA.

Harry: Tss. -__-" ang epal kasi eh. Papampam. (para akong bata)

Umalis si Ralph at lumabas at dinabog ang pinto. Pagkalabas niya ay ni lock ni ate clary ito, at tinawag ako.

Ate Clary: Ry. Halika ka nga dito. Mag usap tayo. Ano ba talagang mangyari ha?

Harry: Ate, ewan ko. Pumunta lang kami doon sa patay at bigla na lamg nangyari yun.

Ate Clary: Ano? Baka naman may nalabag kayong pamahiin?

Harry: Ano? naniniwala ka pa rin doon ate?

Ate Clary: Bakit? Masama ba? Wala namang mawawala kung susunod tayo diba?

Harry: Ate, ang totoo kasi niyan eh si john pumunta ng patay na nakapula. At yung iba sa amin eh nag uwi ng pagkain.

Ate Clary: ANO?! hindi niyo ba alam na mahigpit na ipingbabawal yang ginawa niyo? Kapag nagsuot ka ng pula sa patay, nangangahulugan itong natutuwa ka dahil namatay siya at lapastangan to sa patay. Isa pa, ang pag uuwi ng pagkain. Alay niya ito sa huling pananatili niya dito sa mundo at gusto niyang tanggapin mo ito at kainin sa harapan niya at hindi ang iuwi at itambak. MALAS YUN. Nag-uwi ka ba?

Inalala ko. Natandaan kong kinausap ako ni Marie at sinabing wag daw akong mag uuwi. Nung una inilagay ko sa bag ko, pero natakot rin ako at pag kaalis niya eh binalik ko rin. Ayoko lang makita niyang naniwala ako sa kanya, baka nagbibiro lang din yun.

Harry: Ibinalil ko ate. Hindi ko tinuloy ang pag-uuwi.

Ate Clary: Tama.. Tama.. Osha, sha. Magbukas na tayo at baka malugi na tayo niyan. Ayy, Nako po. Ang bilo-bilo ko.

Harry: Sige ate susunod na din ako sa baba. Saglit lang. (Sabay tayo sa study table at kuha ng cellphone)

Ate Clary: Oh sige, bilisan mo ah. Malapit ng dumating yung mga customers, sayang kita. (Sinara ang pinto.)

Habang nakatayo ako sa study table, nakaramdam ako ng pagkalamig sa batok at mga balahibo ko. Di ko na pinansin kaya tinext ko na lang sila.

Send to many

Guys, good am. Howerya'll? Grabe di ako nakatulog masyado. Kita kita tayo mamaya ano? Textback asap.

Maya-maya nagreply na rin sila pero iisa lang conclusion ng kanilang mga sagot.

"Harry, natatakot ako."

PAMAHIIN: WAG KANG SUMUWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon