Lumipas ang isang oras at tinawag na kami ni ate.
Ate Clary: Harry! Ralph! Bumaba na kayo. Bukas na ang carinderia. Dali na. Baba na. (habang hawak ang sandok ng nilutong sinigang)
Harry: Oo ate. Saglit lang. Pababa na kami. (habang hawak yung sulat)
Ralph: Ano ba kasi yang tinatype mo sa google? (nagbabasa) Rodol...fo... R..... Desini...o Hala! edi ba yan yung patay na pupuntahan niyo bukas?
Harry: OO NGA. eh di naman pala to sikat. Tara na nga!
Bumaba na kami mula sa kwarto ko. Pagkababa ko, kinuha ko agad yung apron ko at sinuot. Lumapit ako sa mga customers at nagtanong.
Harry: Ano pong order niyo? (hawak ang isang papel at panulat)
Customer: Ano bang luto niyo ngayon?
Harry: May sinigang, Pritong manok, Kare-Kare, Laing at Pinatubo ho. Meron din kaming meal, Isang kanin, dalawang ulam. 50 pesos lang.
Customer: Ah sige. Yung meal niyo na lang. Sinigang at manok. (todo ngiti)
Harry: Sige po. (agad tumalikod at binigay kay ate clary ang papel)
Ano ba to? ang init-init. Tss. -__-'
Harry: Ate! Pupunta pa ba tayo sa patay bukas? (medyo nanlalaki yung mata)
Ate Clary: Ikaw, OO. Pero ako hindi, may duty ako bukas. Magsama ka na lang ng mga kaibigan mo. Si Ralph sama mo. (habang nagsasalok ng sinigang sa mangkok)
Harry: Hala? Dapat hindi na. Di ka naman pupunta eh. Ang daya naman. (kamot kamot yung ulo)
Ate Clary: Basta, pumunta ka. Nakakahiya kaya. Kahit saglit lang. Tapos umuwi ka na rin. (kumuha mg manok sa tray)
Harry: Sige na nga. Basta, pamasahe ah. (Sabay bunot ng ballpen)
Hindi na sumagot si Ate Clary pero for sure naman iiwanan ako nun ng pamasahe. Di ko alam kung bakit iba yung pakiramdam ko nung araw na iyon. Parang ayaw kong kumilos. Ang bigat ng katawan ko nun. Hay. Tss. Bahala na nga.
Umakyat ako sa kwarto ko ginamit yung cellphone ko. Tinext ko yung ilang mga kaibigan ko. Una kong tinext si Cara.
To Cara
Cara! Oy. Good pm. Pwede mo ba kong samahan bukas sa patay? Kung wala ka lang gagawin. Salamat. Magsasama ako ng iba din nating mga kaibigan. :)
Sunod ko namang tinext si Ced.
To Ced
Pre! Samahan mo naman ako bukas sa patay oh. May iba pa tayong kasama. Salamat! :)
To Dan
Bro! Kung wala kang gagawin bukas, samahan mo naman akong bukas sa patay. May iba pa tayong kasama. Salamat. :)
Nakakapagod magtext ng paisa isa. IGM ko na nga lang.
Send to many
Mga brad. Kung sino man gusto sumama bukas sa pagpunta ko sa patay, reply. Tapos kain tayo merienda dito bukas. Salamat!
Problem solved. Ayun, nag-antay ako ng mga sampung minuto at mga 6 lang ang nagreply. Haha.
Cara - Go lang ng Go!
Ced - Ge lang pre. Sama ko.
Dan - Oo ba. Sino sino?
Julia - Sureness. Kasama ba si Marie? :)
Marie - Yes. Text ko rin si Julia. :*
John - Pwede sumama? :(
NAKO PO! SUMAMA PA TO. WRONG MOVE. PANIRA LAGI TO EH.
Reply - Sure. 10 am sharp.
Medyo plastic ako dun. Ayaw ko naman replyan na "Hindi eh" DIBA?
At yun nga. Lahat sila sumama. Nagkita kita kami sa MCDO malapit sa recto. At doon na daw kami mag-almusal.
Harry: Eh bakit naman pula ang suot mo john?
John: Bakit ba? Nangingielam?
Harry: "Eh gagi ka pala eh. Nako, dapat talaga di na ko pumayag". Ahh. Wala naman. PATAY kasi yung pupuntahan. Hindi PARTY. (sabay talikod para di na makasabat. Haha)
Cara: Ang hard mo kay John. (sabay kurot sa braso ko)
Harry: Eh ang epal eh. Bait bait sa text, tapos biglang ganyan ugali. (kinuha yung tray na may chickwn fillet sa ibabaw at ilang fries.)
Cara: Hayaan mo na. Ganyan lang talaga yan.
Harry: Nako, tara na nga. GUYS. alis na tayo, para maaga din makauwi..
Habang papaalis kami sa MCDO. May kumausap saming tindera ng mga suman.
Manang: Toy! Totoy! pupunta kayo sa patay? (ang mukha ni manang ay parang mid 50's na rin. At medyo malungkot na ang mga balat.)
Harry: Ay Oho. Paano niyo po nalaman? (kinabahan at nangilabot ng konti)
Manang: Eh nakaitim kayo eh. Bakit yung isa nakapula? Alam niyo bang bawal yang pula sa pamahiin kapag bibisita sa burol o ng patay? Mamalasin kayo. Mag ingat kayo. (nanlaki yung mata at parang baliw na umalis)
Harry: ....... Huh? ano daw?
Julia: Huy, ry. Bakit? tara na. (ngiti niyang sambit)
Harry: Huh? narinig mo yung sinabi ni manang magsusuman? (weird)
Julia: Asan? nasa tapat ka ng printing shop, walang magsusuman dyan. Haha. Kaw talaga. (sabay kurot sa balikat) (Si Julia mahilig sa pink. Kaya nga madalas mag pink ako eh. Haha. May gusto kasi ako sa kanya, kaya lang dinadaga akong sabihin. HAHAHA.)
Harry: Tat..... Tara na.
Di pa rin nawala sa isip ko yon, hanggang sa marating namin yung burol. Oo nga, si john lang ang nakapula. Tsk. Pano na?
---------------------
Mga brad, bru and gals. Read, Comment, Share and Vote.
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN: WAG KANG SUMUWAY
Misterio / SuspensoNaniniwala ka ba sa mga pamahiin? Sa mga sinasabi ng lolo't lola mo? Mga taong nakatatanda? Naniniwala ka ba sa bawat ikinikilos mo ay may kaakibat na swerte o malas, mabuti o masama? Alam mo na nga ba lahat ang mayroon dito sa mundong ating ginagal...