Chapter 12 - Metal Ball

33.4K 811 46
                                    

"Class!! You have to listen to me; our exam will be up to maxima and minima. We are only in differentiating equations. We still have so many lessons to take and we don't have much time!!" tss...as if naman makikinig sila sa kanya. May mga bagay talaga na mahirap mabago.

"It wasn't our fault. Mabagal ka lang talaga magturo." Sagot ni Drei ng di tumitingin sa teacher. Nagtatalo kasi sila kung anong gagawin nila next week since malapit na ang weeklong celebration ng foundation or anniversary ng school. Kakatapos lang ng acquaintance party ngayon iba naman.

"Ganyan ba kayo kaexcited para sa foundation week?" napatigil sa paglalaro si Xander at tumingin sa akin saglit at saka nagpatuloy sa paglalaro ng Cellphone. Hindi talaga sya makausap ng matino kapag cellphone na ang hawak.

"They are not planning for foundation week. Vacation week ang pinagtatalunan nila." I faced Drew with a confused look? Excited much? Wala pang tatlong buwan na napasok bakasyon agad? Nilingon ko naman yung mga nagtatalo na sina Nathan, Trevor, Brian at Drei.

"One week yun dude, what if magpalawan tayo. Madaming resorts dun or Boracay kaya." Suggestion ni Brian.

"The hell Bro? Lapit nun, Let's go to Hawaii!!!!!! Dami pang sexy na mga nakapanghawaian," Pilyong sagot ni Drei na may pasayaw sayaw pa.

"JAPAN!!!!! Magcosplay tayo dun tapos....basta madaming magagawa dun." Parang bata na sabik na sabik na sabi ni Trevor.tss..as if papayag sila..naku, naku..iba iba sila ng hilig kaya for sure di sila pagkakasundo sa iisang lugar nyan.

"Ano ka ba? Sawang sawa na sa lugar na yun si Drei kaya mag Canada na lang tayo. Punta tayong Niagara falls tapos magcasino malapit dun. O kaya diretsong NY na." patuloy sa pagtatalo yung apat. Kung ano anong sinusuggest na bansa at lugar. Syempre hindi pa din tinanggap ang suggestion ni Nathan na Canada. Ganyan ba talaga ang mayayaman? Nung medyo may kaya kami sa buhay di naman ako humingi ng ganun kina mama.

"Di ba foundation week pa muna? Ang aga nyo atang magplano para sa vacation?" balik na tanong ko kay Drew.

"Di kami kasali dun. It's been 5 years since the last time na sumali ako sa celebration na yun at grade 6 lang ako nun. They thought na pagkasali kami dun we will only ruin their celebration kaya we are exempted. Vacation week yun para sa amin.Benefit namin."

"Pano ba kayo magcelebrate dito?" baka boring kaya pumayag sila. Nagkibit balikat lang naman si Drew. Ahh..common sense Sky..di nga sila nasali dun kaya pano nila malalaman...tss..

"Japan at France ang dalawang bansang pinuntahan namin mula nung naexempt kami." Japan at France???? I always wanted to go to France. Saglit na nag-isip si Drew.

"Nagcamping kami nung sunod sa ewan ko kung anong tawag sa lugar na yun. Tapos outing sa resort nina Xander yung sunod at last year wala, tambay mode kami. Dami naming nakaaway." Napalunok na lang ako. Ganun ba talaga kasarap ang buhay nila?

"Sky ikaw? May suggestion ka bang bansa o lugar? Naikot na naming ang buong globo pero wala naman silang mapili" sigaw ni Brian. Tapos kinutusan naman sya nung tatlo. Umalis na pala ang teacher namin, natapos ang klase na walang nakinig.

"ahmm..gusto kong umattend ng foundation week." Natigilan naman silang lahat. As in tahimik. Tila nagbanggit ako ng corny na joke na hindi nila naintindihan.

"That's impossible besides boring yun." Nathan stated.

"No!! di yun boring. Dun nga sa simpleng school namin kanya kanya kami ng gimik, may mga booth tapos pagsasama samahin yun kasama yung sa ibang section tapos kung ano anong competition at activities." Napapangiti na lang ako pagnaaalala ko HS life ko dati.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon