Chapter -- - down

28.3K 746 28
                                    

Hey my party people.. it took me a while to update right? Well I'm really sorry for that. Just very busy in school and personal problems. I'm currently on the verge of breaking down so I hope you understand. Poor thing I don't have my own Xander :(( ..Any way thank you to all the support guys and to those who are putting my story in their rl; to those who are patiently waiting for my update; to those who are still reading this story and to those who made it to 5k reads. Thanks everyone. I owe you a lot. And to those who are having their finals..Good luck and wish you luck..to those who are heving their vacation, enjoy guys. It's too long already I hope you enjoy this simple update of mine^^. This Chapter is inspired by the photo at the side..An anime that  on my news feed..

-rosen

"Tulog ka na naman sa klase." Komento ni Drew habang pinagmamasdan akong mag-inat. Hindi ko na namalayan na natapos ang klase. Kung sabagay hindi ko din naman maiintindihan dahil sa ingay nila.

"Puyat lang." Ilang araw na nga ba akong puyat at palaging nakakatulog sa klase? About a week? I don't know. Paano ba naman kasi, bukod sa extra na gawain ko maliban sa school ay kailangan ko ding gawin ang reviewer nila. Hindi lang naman yun para sa kanila kundi para sa akin din. Magiging napakalaking tulong ng marka nila para sa akin. That way, magkakaroon ng liwanag ang scholarship ko.

"Nga pala Sky, thanks sa reviewer. Laking tulong eh halos lahat ata ng lumabas sa exam nakasulat doon." One of our classmates said. Hindi rin ganoon kaganda ang resulta ng mga exams nya kaya nakakatuwa na may magandang naidulot ang reviewer ko.

"Anyway, malapit na ang field trip, sasama ka ba?" Drew asked again. They must be really excited. Nagpakabait talaga sila para doon. Kahit anong naririnig nila sa labas at paghahamon ni Nick ay hindi nila pinapatulan at nilalampasan na lamang. Kung nung una pa lang ay ganoon na mas malaki siguro ang patutunguhan nila ngayon.

"Baka hindi na, malaki din ang gastos dun eh saka medyo busy ako ngayon."  I simply explained. Hindi na naman kasi sakop ng tuition fee na yun ang bayad para sa camping at saka saan naman ako kukuha ng pera? Ngayon pa na nawalan ng trabaho si Mama. I can't just slack off at maghintay na magkatrabaho si Mama. I don't want to end up sleeping in the street again just like before. I don't wan to eat once a day because we have nothing to eat. Those days were hell for us. But this time I'm gonna make a move.

Matapos ang klase namin ngayong araw ay napilitan din akong umalis kaagad. I'm not really sure kung nakapagpaalam pa ba ako sa kanila. Maiintindihan naman siguro nila. At ayaw ko ding malate sa trabaho ko. Bago pa lang ako dun at ayaw ko din na magkaroon ng masamang record.

Maingay na sa bar ng makarating ako. It's not a bar na kalimitang nasa isip ng mga tao. Isa itong resto-bar. At comportable at hindi rin nakakabastos ang suot ng mga waitress dito. Madami nga lang kaming costumer na talagang halos di na makatayo ng dahil sa alak. Mom knew about my job pero hindi nya alam na sa ganitong lugar. All she knew is that I'm working on a restaurant. Malaking tulong din siguro na ang naging lagi kong kasama ay mga lalaki kaya't hindi ako naiilang sa paligid nila not when they're drunk. Kapag kita kong lasing na ang dadalhin ko ng pagkain ay ibinibigay ko na sa kasamahan kong lalaki. Magaling na ang nakakasiguro.

"Sky pakikuha naman ng order sa table 21!" sigaw ng isa kong kapwa waitress din. Ano bang meron sa araw na ito at talagang napaka daming tao?

"Isang order ng baked oyster, sizzling sisig, two rice at saka juice."

"Yun lang po sir?" I asked.

"Yes," tugon nito at saka humarap sa akin with that smile again. Napaatras ako ng makita sya. Ngunit di ko ipinakita ang takot. Tuwing magpapakita sya siguradong may masamang mangyayari.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon