MAAGA pa ng magising sya sa araw na iyon. Unang araw nya ngayon sa eskwelahang pinaglipatan sa kanya. Sundalo kasi yong tatay nya kaya kapag na-assign ito sa ibang lugar lilipat nanaman sya ng eskwelahan pero iba sa pagkakataong ito. Nangako ang papa nya na hindi na sila lilipat at yon ang isa sa mga rason kung bakit maaga syang gumising.
"Excited?" nakangiteng bungad ng kanyang mama sa kusina. Nasa 35 lang ang mama nya pero hindi halatang may edad na ito.
"Medyo." aniya lang saka dumulog na sa may hapag kainan.
"Maganda yan. Sana magkaroon ka ng maraming kaibigan. Nga pala, dala mo ba yong bimpo mo?"
"Mama, hindi na po ako bata para magbimpo pa sa likod."
"Naku, para namang ang tanda-tanda mo na."
"Hindi na nga kasi ako bata." nakasimangot na sya dahil sa tinuran ng mama nya. Palibhasa kasi nag-iisang anak kaya madalas bini-baby sya nito.
"Oh sya, sige na bilisan mo na dyan at mahuhuli ka na." nakangite nitong sabi.
Pagkatapos kumain ay agad na syang pumanhik sa eskwelahan. Unang goal, maghanap ng mga pwedeng maging kaibigan. Babae o lalaki, ayos lang. Hind naman sya mapili ang importante sa kanya ay magkaroon.
"Class, do welcome your new classmate." aning classroom adviser nila
"Good morning. My name is Allen Keith Valdesco, mahilig akong sumayaw at kumanta. Sana maging magkaibigan tayong lahat." pagpapakilala nya saka ngumite ng matamis sa mga kaklase.
Sya si Allen Keith Valdesco, 15 years old at tulad ng sabi nya, magaling syang sumayaw at kumanta. Katunayan lead vocalist sya ng kanilang banda sa nakaraang eskwelahan at the same time ay membro naman ng dance troupe.
Aktibo din sya sa mga sports tulad ng track and field, swimming at basketball kaya naman sikat sya sa dating eskwelahan. Maraming nagpapadala ng mga sulat sa kanya pero wala naman yon sa kanyang isip. Sabi ng mama nya bata pa sya para doon.
"Sumayaw ka nanaman noh?" ani Kevin, ang kanilang drummer ng makarating sya sa kanilang music room kung saan sila magpa-practice. Humihingal pa sya kaya malamang ganoon nga ang ginawa nya. Ngingite lang sya sa mga ito at magpe-peace sign.
Nakangite sya habang naaalala ang mga bagay na iyon mula sa dating eskwelahan pero sa kabilang banda ay may lungkot syang nararamdaman dahil sa paghihiwalay nila ng mga ito. Tanggap na nya dati na hindi sya pwedeng makipag close sa mga kaklase pero sadyang pala kaibigan sya at marami parin napapalapiat sa kanya.
Matapos magpakilala ay agad syang sinalubong ng mga kaklase nyang lalaki at pina-upo sa bakanteng upuan na nasa likurang bahagi ng mga ito malapit sa may bintana. Gusto nya ang pwesto doon. Ganoon din kasi ang pwesto nya sa nakaraang pinapasukan.
Alam nyang mag a-adjust nanaman sya pero ayos lang, sigurado naman syang magiging magkaibigan sila ng mga kaklase nya basi na rin sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya sa unang araw nya roon.
Matapos ang dalawang subject ay agad syang hinila ng mga kaklase sa may kantina. Recess, ang pinakapaborito ng lahat.
"Pwede kang sumali sa banda dito sa ekwelahan. Ang astig." ani Ralph, kaklase nya. Medyo may katabaan ito at hindi maipagkakailang halos nakatatlong pinggan ang snacks nito.
"Oo, masaya doon." nakangite namang sabi ni Jaylord.
"Kung gusto mo samahan ka namin." ani Albern na nakikikain sa pagkain ni Ralph. "Kaibigan namin ang drummer nila, nasa Grade 11 na sya ngayon kaya madalas di na namin sya nakikita." dagdag pa nito.
"Pwede kaya ako doon?" alangan nyang tanong sa mga ito.
"Naku! Tinatanong pa ba yan? Kung magaling ka ayos yon tsaka plus factor na yong pogi ka." sabay kindat na sabi ni Matt.
"Subukan ko." nakangite na rin nyang sabi.
Sinimulan na agad nilang kumain ng dumating ang kanilang inorder na pagkain at mailapag iyon sa kanilang mesa.
"Pre, si Jana." nakangising puna ni Ralph na parang nag i-imagine pa.
"Lupit, ang ganda nya talaga." ani rin ni Albern.
Lumingon na rin sya sa direksyong tinitingnan ng mga kaibigan. "Sino yan?"
"Si Janalana Shiineda Cortes. Ang anghel na bumaba dito sa lupa mula sa langit." ani Jaylord
"Taga section Japan." ani rin ni Ralph
"At ang 20th century Wonder Woman." dagdag pa ni Albern
Napatango na lang sya. Mukhang may tama ang mga ito sa babaeng topic nila. Hindi na nya pinansin pa ang mga ito at patuloy lang syang kumakain.
"At si Sebastian Angles ang nakakuha sa kanya." ani Jaylord na may halong lungkot sa boses nito. "Tsk tsk tsk." pailing-iling pa ito.
"Swerte." halos sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Sino naman yang Sebastian?" aniya
"Shhhh. Dahan-dahan pre baka marinig nya tayo at malagot." ani Ralph na tinakpan pa ang kanyang bibig.
"Vocalist ng banda, pogi din, sikat dito sa school. Lahat ng babae pre nagkakandarapa sa kanya." ani Jaylord
"Ahh." napakamot na lang sya sa batok sabay tango. Mukhang kailangan nyang mag-ingat sa Sebastian Angeles na iyon kung ayaw nyang maging miserable ang highschool life nya.
"Pwedeng maki-upo?"
Napalingon silang lahat sa may ari ng boses na iyon at natulala ng mapag sino ang may-ari niyon.
"Sure." halos sabay-sabay na tumayo ang mga kasama at kaniya-kaniyang offer ng upuan sa babae.
Sa huli ay pinili nito ang upuang kaharap ng kanyang kinauupuan. Maganda ito, makinis ang mukha na hindi yata dinaanan ng pimples. Magaganda ang mga pilik mata at mukhang masarap halikan ang mga labi yong parang sa movie. Napalunok sya sa iniisip. Hindi pa sya nagkakaroon ng girlfriend, sabi kasi ng mama nya bata pa sya para doon.
"Sino ka?" anito sa kanya.
"Huh? A-ako? Ahh, Allen." inilahad nya ang kamay rito para makipagkilala.
"Bago?" anito lang
"O-oo." binawi nya ang kamay ng hindi naman inabot ng babae.
"Tagasan ka?"
"Sa may Sgt. Andres Subdivision."
"Ah, sundalo tatay mo." anito
"Huh?" nagulat sya doon. Hindi naman pinagsasabi na sundalo tatay nya panu nito nalaman iyon? "P-paano mo malaman?"
"Nasa kabilang subdivision lang ang bahay namin. Lahat ng nakatira sa Andres mga sundalo o kaya mga pulis." pormal nitong sabi
"Ah, oo nga pala." nakangite nyang sabi sabay kamot sa ulo.
"Bah, ang galing ah." ani Jaylord.
Ngumite lang ang babaeng kausap saka patuloy lang na kumakain habang sila ay nakatulala lang na nakatingin dito. Maamo ito kahit saan tingnan. Parang naniniwala na syang isa itong anghel na bumaba dito sa lupa mula sa langit.

BINABASA MO ANG
Another Jenny & Juno
General Fiction"Akala ko ba ako ang forever mo? Bakit ngayon hindi mo na mapanindigan ang mga pangako mo?" Umiiyak na tumalikod na ang babaeng pinakamamahal nya sa kaniya. Tumulo ang luhang matagal na nyang pinipigilan.