Part 6

21 9 2
                                    

HALOS gumapang sya papasok sa klase ng araw na iyon. Kung hindi naman kasi sya nayaya ng mga kaibigan na maglaro ng DotA hanggang alas 2 ng madaling araw kanina disin sana'y hindi sya nag-aalala sa pagharap sa babae.

Papatayin syang talaga nito dahil bukod sa late sya sa first period nila ay hindi pa nya na-memorize yong poem na nakatuka sa kanya. Ano ba namang buhay to? Una, may mga kaibigan kang inconsiderate, pinipilit talaga sya ng mga ito na maglaro kahit ayaw nya. Pangalawa, may girlfriend kang hindi mapagpatawad dahil hindi sya makikinig sa rason mo, palaging sya ang tama at hindi ikaw. Yong totoo? May nagawa ba syang malaking pagkakamali sa dati nyang buhay kaya sya pinaparusahan ng ganito ngayon?

"Valdesco,"

Dahan-dahan nyang itinaas ang kanyang ulo para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya pero kahit naman kasi nakapikit sya ay alam na alam nya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon. Napalunok sya ng di oras.

"J-jana,"

"Bakit ngayon ka lang?" kahit pa sabihing mahinahon ito ay hindi pa rin maipagkakailang may diin sa bawat salitang binitawan nito.

"Sorry," nasambit lang nya.

"Anong magagawa nang sorry mo huh?!" Sabi na nga ba at galit talaga ito. Napakamot na lang sya sa batok. Malamang ayaw na nyang dagdagan ang galit nito sa kanya.

Nakasimangot itong tinalikuran na sya. Gusto nya itong kausapin at magpaliwanag kung bakit na-late sya. Akma na nyang kausapin ang babae ng pumasok ang kanilang English subject teacher.

"Good morning class," anito

"Good morning Ms. Clemente," sabay-sabay nilang bati sa kanilang guro.

"Alright," anito saka binuksan ang libro na nasa harap nito.

Kilalang-kilala niya ang librong yon at yon na ang kanyang katapusan na tila ba ito yong librong magpapataw sa kanya ng malaking kaparusahan. English.

"Sinusumpa ko ang gumawa ng librong yan," nasambit nya ng wala sa oras.

"May sinasabi ka?"

"Huh?! Ah w-wala," aniya habang nakangise sa harap ng babae. Tumango lang ito saka ibinalik sa libro ang mga mata.

Nagkaroon sya ng pagkakataon na buksan din ang kanyang libro at agad na pumunta sa pahina kung saan naroon ang mahabang poem na mememoryahin nila. Napalunok sya ng makita kung gaano kahaba iyon. Patay!

"As of the poem," panimula ni Ms. Clemente. Sa pakiwari nya ay tila ito nag-slow motion sa harap nya. Pati ang boses nito ay tila ba parang sa robot na putol-putol kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib na parang drum sa loob ng concert hall. May butil ng pawis na nagbabadyang pumatak mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang talampakan. Malamig iyon kaya alam nyang dahil sa nerbyos nya iyon.

Huminga sya ng malalim. Masakit sa lalamunan ang kanyang laway na nalunok. Bakit parang ako lang ang nahihirapang huminga habang yong mga kaklase ko ay halos tumalon sa tuwa? Anong meron? May na-miss ba ako?

"Anyare?" halos pabulong lang iyon sa kanyang sarili pero narinig iyon ng babaeng katabi.

"Kasi kung san-san dumadako yang isip mo." Anito

"Huh?"

"Isa pa at sispain na kita,"

"Oh," aniya na lang habang pinipigilan ang kanyang sarili na muling banggitin ang naunang salitang binanggit.

------

Halos maiyak sya sa sobrang saya nung malamang sa susunod na linggo na nila mememoryahin ang Poem na naka-assign sa kanila. Maswerte syang talaga ng araw na iyon. Tapos bukod pa sa nag-top sya sa kanilang exam ay ililibre pa sya ni Jana na manood ng sine dahil pinayagan ito ng kanyang mama at sya rin pinayagan ng kanyang mama. Oh diba? Ang swerte?

"Anong iniisip mo dyan?" Untag ng babae sa kanya.

"Huh? Uh, wala naman," sabi na lang nya sabay ngise dito.

Tinaasan lang sya ng kilay into bago sya siniko sa may tagiliran. Napatingin sya sa babae at inginuso naman nito ang nasa harapan nilang dalawa. Nasa senihan na pala sila di man lang nya napansin.

Napakamot sya sa kanyang batok saka lumapit na sa may counter. Sinabi nya dito kung ano ang panonoorin nilang dalawa ng kanyang girlfriend saka binigay dito ang pera na pambayad. Iniabot naman nito agad ang kanilang ticket.

Bumili muna sila ng popcorn at soft drinks bago tuluyang pumasok na sa loob ng senihan. pagpasok nila ay nagka-rolyo pa sa malaking screen ang mga trailer ng mga pelikulang palabas na sa lahat ng senihan.

Maya-maya pa'y nagsimula ng ang pelikula. Power Ranger. Sa palagay nya pambata talaga ito pero ito yong gusto ng babae kaya gusto na rin nya. maganda naman talaga ito. Mga dalawang beses na nyang napanood ito, noong una ay kasama ang mga magulang nya tapos ang pangalawa ngayon.

----------

Kumabog ng husto ang kanyang dibdib. Hindi ito yong unang pagkakataon na haharap sya sa maraming tao, mas marami pa nga yong huli kesa ngayon pero dinaig pa nya ang first timer sa lagay na yon. Nagpapawis ng malamig ang kanyang buong katawan, hindi sya mapakali.

Sinipat nya ang kanyang wrist watch na bigay ng kanyang mama. Dati nagbibigay ito ng hindi maipaliwanag na confidence sakanya sa ganitong pagkkataon, ngayon ay mas lalao pa syang kinabahan ng makita iyon.

Humugot sya ng malalim na buntong hininga bago inilabas iyon saka humakbang palapit sa microphone na nasa gitna ng stage. Inayos nya muna ang pagkakahawak ng kanyang gitara saka unti-unting kinakaskas iyon sa tunog na gusto nya.

"Hi, I'm Allen Keith Valdesco, Grade 8 from section Japan. The title of this song is "Hello" by Adele, sana magustuhan nyo."

*Its the version. Hehehe Just like Taka's

Palakpakan ang lahat ng manunuod ng matapos ang kanta at ng simulan na nyang kaskasin ang huling nota nito.

"Thank you." Sabi nya sabay yukod para ipahiwatig ang kanyag pasasalamat sa lahat.

Halos takbuhin nya ang exit ng stage ng makita nya ang grupo nina Seb na nasa hagdanan. Malamang naghihintay ang mga ito sa kanilang number. Ayon kasi sa program, tutogtog pa sila sa huling parti. Ito din ang huling concert nila bago sila grumadweyt at papalitan ng mga mananalo sa contest ngayon na kinasalihan ni Allen para sa titulong bagong lead vocalist ng Phantom Shadows (pangalan ng banda ng eskwelahan). Kung saka-sakaling mananalo sya, sya ang papalit sa pwesto ni Seb.

"Sisguraduhin kong hindi ka mapipili, Valdesco." pagbabanta ni Seb na itinawa lang nya.

"Ikaw bahala," sabi lang nya saka nilagpasan na ang mga ito. Wala syang balak makipag-away sa mga ito lalo na't hindi nya gugustuhing mapatawag ang mga magulang nya sa eskwelahan dahil lang sa walang kwentang katulad nito.

Agad syang sinalubong ng girlfriend sa labas ng gym kung saan naroon ang programa. Niyakap sya nito ng mahigpit saka binati. Ngumite lang sya dito saka nagnakaw ng halik sa babaeng namula ng husto matapos iyon.

"Uy Keith, congrats. Ang galing nun ah." Si Jaylord iyon na hened-lock sya saka ginulo ang buhok nya.

Tumawa lang sya sa ginawa nito saka dumating ang iba pang tropa nya na yumakap din sa kaniya. Napatingin sya sa babaeng napapangite lang sa kanila. Ngumite na rin sya dito. Manalo o matalo, alam nyang suportado sya nito at ng mga kaibigan nya kaya sapat na sa kanya yon. Gawin man ni Seb ang sinasabi nito, hindi na sya mababahala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Jenny & JunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon