Part 5

31 18 2
                                    

SINADYA nyang abangan si Sebastian Angeles sa may gate, kasama nya ang mga kaibigan at kaklase pero  nasa malayo lang ang mga ito. Back up ika nga in case of emergency.

"Anong kailangan mo Valdesco?" maangas itong sumalubong sa kanya.

"Makinig ka Seb..." panimula nya. "Layuan mo na si Jana."

"At may lakas ng loob ka ng kalabanin ako  ngayon huh?" itinulak sya nito sa kanyang balikat.

"Oo, dahil may mas mabigat akong rason kaya ko to sinasabi."  

"Hm, talaga? Ano?"

Akma sya nitong ku-kwelyuhan pero tinabing nya ang kamay nito. "Layuan mo si Jana, yon lang. Wala akong balak makipag-away ------------"

Bago pa man nya matapos ang kanyang sasabihin pa ay tumama na sa kanyang mukha ang kamao ni Seb.

"Wala akong pakialam kung matapang ka o nagtatapangtapangan lang."

Akam sya nitong susuntukin ulit pero nasalo nya ang kamao nito gamit ang kanyang kamay "Girlfriend ko na si Jana. Hindi mo na ulit ito magagawa sa akin."

Saka tumalikod na sya. Naiwang nakatulala si Seb sa nangyari at narinig. Si Allen Keith Valdesco lang ang nag-iisang naglakas loob na gawin ito sa kanya. Hinding-hindi nya ito mapapatawad. Nakita nyang nag-cheer ang mga kaklase nito at mga kaibigan sa ginawa nito habang sya ay kuyom ang kamaong tumalikod na lang.

HALOS hindi sya makapagsalita sa nangyari. Agad nyang kinapa ang kanyang mukha na dinaanan ng kamay ng babaeng nasa harap nya ngayon. Ano bang problema nito at ginawa nito iyon sa kanya.

"Ja-----"

"At ano sa palagay mo ang iniisip mo? Huh?!"

"A-ano ........... ano bang problema?"

"Anong problema? Tinatanong mo ako nyan?!"

"Hindi ko naman kasi alam eh." Gusto nyang mayamot sa ginawa nito. Kanina lang sya nasuntok ni Seb at ngayon nasampal naman sya ni Jana. Ano ba talaga ang problema nito?

"Hindi mo alam? Eh yan," sabay turo sa mukha nyang may pasa. "Ipaliwanag mo yan." Dere-deretso nitong sabi habang nakapameywang.

"Kasi---"

"Kasi ano?"

"Sinabi ko kay Seb na layuan ka na nya, na hindi ka na nya pedeng ligawan dahil----" bakit parang umurong yata ang kanyang dila? Samantalang kanina ay ang tapang-tapang nyang sambitin iyon kay Seb.

"Ano?"

"Sinabi kong girlfriend na kita kaya dapat layuan ka na nya." aniya habang nakayuko sa harap ng babaeng alam nyang nakatingin sa kanya.

Hindi lang ito kumibo. Recess time kaya sila lang dalawa ng babae ang natira sa classroom nila. Buti na lang dahil walang makakakita sa nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi nya alam kung anong nangyari sa mga sumunod na sandali pero naramdaman nya ang katawan ng babae sa kanyang katawan. Niyayakap sya nito.

"Ja-----"

"Shh. Shut up." anito lang

Hindi na lang din sya kumibo. Dahan-dahan nyang tinutugon ang yakap nito sabay himas si likuran nito ng maramdaman nyang binabasa ng luha nito ang kanyang uniform.

"Jana," sambit nya sa pangalan nito, "Ma----" 

"Mahal din kita Allen." anito sa pagitan ng paghikbi nito "At masaya ako dahil ipinaglaban mo ako kay Seb." pagtatapos nito sa sinabi.

Napangite sya sa narinig. Yong saya nya sa mga oras na iyon ay dinaig pa ang tuwa nya ng ibili sya ng mga magulang nya ng bagong laptop na pinaka-gusto nya o kaya nung manalo sila ng kanyang mga ka-banda sa battle of the band inter-school competition na halos magpatigil sa pag-ikot ng kanyang mundo at magpatigil sa pag-tibok ng kanyang puso.

Nanatili sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa paghiwalayin sila ng tunog ng bell na naghuhudyat ng pagtatapos ng recess at pagsisimula ng kanilang klase.

"Assignment," aning kanilang teacher sa English.

Magtatapos na pala ang kanilang klase hindi man lang nya namalayan kaka-isip sa babaeng nasa tabi nya. Nasa ilalim ng kanilang desk ang kanilang mga kamay at naka-holding hands. Kinuha nya ang kamay nito kanina habang busy ito kakasulat sa kabilang kamay. Nag-smile lang ito habang makikita ang pamumula ng pisngi nito.

"Memorize the poems, for boys, "The Passionate Shepherd To His Love" while girls will have the "The Nymphs Replied To The Shepherd", then have your classmate to recite it together tomorrow."

Hiwayan ang mga kaklase nila dahil doon. Malamang pipiliin ng mga lalaki ang mga crush nila at yong mga babae ganoon din. High school.

Tiningnan nya si Jana na tahimik lang na nagbabasa ng kanyang libro. Pinisil nya ang kamay nito. Napatingin ito sa kanya.

"Dapat bukas ng umaga memoryado mo na'to." anito

"Opo." aniya na lang habang nakangite.

Tapos ibinalik din nito ang tingin sa librong binabasa. Ngayon lang nya napansin, ang ganda pala ng mga pilik mata nitong mahahaba na binagayan ng kanyang matangos na ilong. He is falling for this girl faster than the speed of light to the extent na hindi na nya alam kung paano nagsimula ang lahat.

"Allen,"

Nagulat sya sa pagyogyog na iyon. Agad nyang tiningnan ang gumawa non sa kanya. Si Ralph. Kanina pa ba sya nag-iisip at hindi man lang nya namalayan ang lahat?

"Tara na, hindi ka pa ba kakain?" anito habang hinihimas ang tyan.

Alanganin syang mapatango pero tumango na rin. Agad na nyang iniligpit ang kanyang mga gamit saka ay tumayo na para sundan ang mga kaibigan. Saka nya napansing wala na si Jana. Nakatitig ba sya kanina sa kawalan? Eh.


NATAPOS ang buong maghapon nya sa kaiisip ng mga walang kwentang bagay. Walang kwenta nga ba? Masasabi nyang 99% ang mga oras na nag-iisip sya tungkol sa babae, kung paano sya nito napa-ibig, kung gaano kaganda ang mukha nito, kung paano ito magsalita, kung paano sya nito tinatawag sa kanyang pangalan na nagpapatigil ng kanyang paghinga at ng pagtibok ngkanyang puso. Alam nyo yong butterflies in the stomach? Yon yong naramdaman nya sa tuwing magtatama ang kanilang mga tingin at lalo na kapag nagkadikit ang kanilang mga kamay.

At 1% lang ang kanyang inilaan sa pakikinig sa mga leksyon ng kanilang mga teacher kaya naman ngayon stress na stress sya kasi hindi nya malaman kung alin ang dapat memoryahin na poem sa kanilang English subject.

"Keith, ayos ka lang ba?" si mama nya iyon. Halatang-halata sa mukha nito ang pag-aalala sa kaniya.

Inikot nya ang mga mata, nah, nasa hapag kainan pala sila at kung anu-ano ang iniisip nya. Praning na yata sya, sa palagay nya, sa tingin ng kanyang mga magulang at malamang mapagkakamalan na syang nagda-drugs ng mga ito.

"Opo ma, iniisip ko lang po kung aling poem yong mememoryahin namin bukas." na syang totoo naman.

"Ah, ok. Etext mo na lang ang mga kaklase mo." anito

Oo, yon din talaga ang iniisip nya at talagang gagawin nya. Kaya matapos kumain ay agad na nyang tinawagan si Jaylord. Ito lang ang maaasahan nya. Honor student ito kaya malamang hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral.

"Hala, hindi ko din natandaan." anito sa kabilang linya. At nagsimulang gumuho ang kanyang pag-asa.

"Wag mo nga akong niloloko, pre naman." halos maiyak na sya sa nangyayari.

"Oo, saglit etetext ko si Jana baka nakapag-take note sya kanina." anito at akmang tatapusin na ang kanilang usapan.

"Saglit saglit," aniya

"Oh may kailangan ka pa Keith?" 

Maliban sa family members niya ay ito lang ang 3 idiots lang ang tumatawag nun sa kanya. Ang iba sa apelyido. At si Jana lang ang tumatawag ng Allen sa kanya at kung nagkataon pa ay buong pangalan kapag galit sya, ang sweet diba? Erase, erase, erase. Hindi ito yong panahon para mag-isip sya ng ganoon ngayon.

"Tatawagan ko na lang sya." aniya na lang.

Sa huli ay pumayag na lang ito saka agad na tinapos ang kanilang tawag. Matapos ay agad na rin nyang tinawagan ang babae. Nag-away pa sila nito bago nito sinambit ang kailangan nya. Napangite sya, sa huli ay hindi parin sya nito matitiis pero syempre kailangan nyang ihanda ang kanyang sarili bukas dahil malamang mamamaga nanaman bukas ang kaniyang tenga.

Another Jenny & JunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon