Part 3

43 27 9
                                        

KAGIGISING nya lang ng maulinigan nyang may tao sa salas kaya nagmamadali syang bumaba para alamin kung sino ang mga tao doon.

"Oh anak, good morning, may mga bisita ka." bungad ng mama nya habang nakangite na may dalang tray na may juice.

"Po?" taka nyang tanong, panu naman sya magkakaroon ng bisita? Sabado kaya wala pasok pero wala naman silang usapang magkakaibigan na lalabas ng araw na iyon.

Naglakad pa sya papasok sa salas at nanlaki ang mga mata nya ng mapagsino ang kanyang bisita, este mga bisita. Ang F3 with Shan Cai, mali, ang F4 pala. Alanganin syang ngumite sa mga ito ng makita sya.

"Pinagpaalam ka na namin." bungad ni Jaylord

"Anong----?"

"Oo, kaya magbihis ka na. Tsk! Nangangamoy laway ka pa oh." sita ni Jana

Agad nyang inamoy ang sarili. Wala namang ganoon. Alanganin syang ngumite sa mga kaharap.

"Bilis na." ani pa ng babae

Agad na syang umakyat ulit para maligo. Saan naman kaya sila pupunta ng mga ito? Wala naman silang napag-usapan kahapon. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay agad na syang bumaba. Inabutan nyang nanonood ng TV ang mga kaibigan.

"Mama, uuwi po ako ng maaga." aniya sa inang nakangite sa may salas

"Naku, sabado naman ngayon kaya pwede kang gumala hangga't gusto mo. Basta mag-iingat lang." aning mama nya

"Opo." aniya lang sa ina "Paano po si Papa?" aniya

"Ako ng bahala sa papa mo. Wala namang pasok eh." anito lang kaya ngumite na sya dito.

"Tita aalis na po kami," ani Ralph "Wag po kayong mag-aalala, iingatan namin si Keith." anitong nakangite

"Opo Tita. Kami na pong bahala kay Keith." second the motion naman ni Jaylord at Albern.

"Hay kayo talaga." agad na nyang hinila palabas ang mga kasama.

Alam nyang masaya ang mama nya kasi may mga kaibigan na agad sya sa eskwelahan kaya sya nito pinayagang gumala kasama ang mga ito.

"Saan tayo pupunta?" naguguluhan nyang tanong sa mga ito ng makalabas ng bahay.

"Mall? Kahit saan." ani lang ni Albern.

Naglakad na sila palayo sa kanilang bahay hanggang sa may sakayan. Ng may pumarang jeep ay agad na silang sumakay. Git-gitan sa jeep kasi nga Sabado, maraming gustong gumala. Nauna syang naupo saka kumandong si Jana sa kanya tapos yong tatlo ay sa sahig na naupo. Tinginan ang mga kaedad nilang nakasakay din sa jeep sa kanila ni Jana pero hindi na nila iyon pinansin.

Maya-maya pa'y nasa mall na sila. Sa may putikan sila ibinaba ng manong na nagmamaneho ng jeep kaya napilitan silang tumalon papunta sa may tuyong semento. Nahuli si Jana, pano'y nakapalda kaya hindi makatalon na tulad nila.

"Bilis na dyan." itinulak sya ni Jaylord habang nakangite para buhatin si Jana mula sa jeep.

Sa huli ay wala rin syang nagawa. Binuhat nya si Jana mula sa may pinto ng jeep papunta doon sa may tuyong semento. Tinginan ang mga tao sa kanila pero hindi na ulit nila pinansin iyon. Agad na rin silang pumasok sa mall ng lahat ay makababa na.

Nag ikot-ikot sila pero wala namang balak bumili. Sadyang trip lang nilang magpahangin sa lugar na iyon. Ng mapagod ay sa Jolibee sila tumungo. Nag-order ng coke float saka lumabas din.

"Sa may park tayo." yaya ni Ralph

"May rentahan ng mga bisikleta doon." ani Jaylord

"Tara."

Another Jenny & JunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon