Part 2

60 28 6
                                    

KARARATING lang nya sa eskwelahan ng araw na iyon, ang bilis ng mga araw at may dalawang linggo na agad. Sisipol-sipol pa syang pumasok sa kanilang classroom ng makasalubong nya ang isang pamilyar na lalaki.

"Pwede ba tayong mag-usap Valdesco?" nakapameywang itong sumalubong sa kanya.

"Se-Sebastian." aniya "Ah, a-anong pag-uusapan natin?"

"Marami. Sumunod ka sa akin." anito saka nagpatiuna ng umalis.

Napakamot sya sa kanyang batok saka nag isip, saka napabuntong hininga ng hindi naman nasagot ang kanyang tanong. Ano ang kailangan sa kanya ni Sebastian Angeles? Baka dahil iyon sa kanyang pag-aaplay bilang alternate lead vocalist ng banda ng eskwelahan o baka dahil sa nabubuong pagkakaibigan nila ni Jana? Alin man doon ay ito lang ang nakakaalam. Agad na nyang sinundan ang lalaki at nakita nya ito sa rooftop ng building na iyon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." panimula nito

"Ahm, ano, ahm anong pag-uusapan natin?"

"Kilala mo naman ako diba?"

"Huh? Ahm oo." aniya, hindi nya alam kung ano ang punto ng sinasabi nito.

Si Sebastian Angeles, pamangkin ng principal, lead vocalist ng banda, sikat sa buong eskwelahan. 16 years old at nasa Grade 11 na ito, mas matanda sa kanya ng isang taon. Malamang kilala nya ito.

"Layuan mo si Jana kung ayaw mong mapahamak ka." anito

"Huh? Ahm, kaibigan sya ng mga kaklase ko kaya imposible naman na--------------"

"Gusto mo bang malagot huh?" hindi na sya nito pinatapos magsalita at agad na sya nitong kwenilyuhan.

"Easy lang pre, naiintindihan ko naman ang ibig mong sabihin eh." itinaas nya ang dalawang kamay para ipaalam na wala naman syang balak makipagtalo dito.

"Good." binitawan na sya nito saka ipinamulsa ang kamay sa suot nitong pantalon. "Pasok ka na sa banda, sa isang kundisyon."

"Ah, a-ano yon?"

"Layuan mo si Jana."

Alanganin syang tumango pero tumango na rin sya. Mahinahon syang humugot ng malalim na buntong hininga. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gusto ni Sebastian si Jana. At sya? Wala naman syang balak na makipagkumpitinsya sa lalaki dahil wala naman syang naramdaman sa babaeng pinag-uusapan.

"Sana lang naiintindihan mo talaga ang mga sinasabi ko. Wala pang kahit na sino ang naglakasloob na kalabanin ako. Ayokong ikaw pa ang kauna-unahan."

May halong babala iyon, ramdam nyang seryoso ito.

"Ay, naman eh." aniya pa sa sarili. Napakamot na lang sya sa batok ng makitang paalis na ang lalaking kausap.  

Siguro nga kailangan na nyang lumayo sa babae, ayaw na ayaw talaga nya ang may kaaway lalo na sa eskwelahan. Hindi naman sa natatakot sya pero bilin kasi ng mga magulang nya na wag makipag-away.

Agad na syang bumaba pagkatapos nilang mag-usap ni Seb. Mula sa araw na iyon lalayuan na nya ang babae, kahit pa ito ang makipag-usap sa kanya. Ayaw naman nya na unangn taon lang nya sa eskwelahan ay may makabangga na sya.

"Valdesco."

Nagulat sya doon kaya agad syang napatalon palayo sa kasalubong na tumawag sa kanya at nag-pose na para bang may kalaban. Parang si Jackie Chan kapag kaharap ang kanyang kalaban.

"Ja-jana." aniya ng matauhan. Napakamot sya sa ulo

"Baliw o bangag?" anitong halatang nainis sa ginawa nya

Another Jenny & JunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon