Part 4

43 22 2
                                    

NAGDADALAWANG isip syang pumasok sa loob ng yayain sya ng mama ni Jana na pumasok. Paano kong mapalo sya kasama si Jana kasi umaga na ng i-uwi nya ito. Paano kung isipin nitong may nangyari sa kanila ni Jana at biglang ipakasal silang dalawa. Pero 15 years old lang sya. Pwede na ba syang mag-asawa?

"Pasok na." untag nito sa kanya

Lumunok muna sya ng laway saka tuluyang pumasok na sa loob ng bahay. Medyo malaki ang bahay nina Jana kumpara sa kanila at halatang may kaya ito.

"Kumain na ba kayo?" aning mama ng babae ng maka-upo na sila sa may sofa

"Hindi pa po." sagot lang nya dahil yon naman ang totoo.

"Maghahanda lang ako ng makakain ninyo, magpalit na kayo ng damit at baka mapano kayo dyan sa basang suot ninyo." 

Pagkatapos magsalita ay agad na itong pumasok sa loob ng kusina. Sya nama'y hinila na ni Jana paakyat sa kwarto nitong nasa second floor ng bahay nila.

"Jana,"

"Bakit?"

"Uuwi na lang ako." aniya ng nasa talagitnaan na sila ng hagdanan paakyat

"Hmm."

"Baka hinahanap na rin ako sa amin ngayon."

"Eh di tawagan mo."

"Naiwan ko yong cellhone ko sa bahay eh."

"Hay naku! Puro ka rason." inirapan lang sya ng babaeng kausap

"Babawi na lang ako sa school, please."

"Bahala ka sa buhay mo." anito lang saka tuloy-tuloy na sa itaas.

Napakamot lang sya sa ulo saka bumuga ng hangin. Agad na rin syang bumaba para magpaalam sa mama ng babae.

"Tita, sa bahay na lang po ako. Baka din po hanapin ako sa amin." aniya

"Naku, kumain ka muna." anito

"Tita, marami pong salamat pero kailangan ko  na po talagang umuwi, sa bahay na lang po."

"Sya sige."

Yon lang saka ay umalis na sya. Kailangan nya na din talagang umuwi na dahil baka nag-aalala na yong mama nya sa kanya ayaw pa naman nyang nag-aalala ito sa kanya. Magkikita naman sila ni Jana bukas, makikibalita na lang sya rito.


EXCITED syang pumasok sa eskwela. Gusto nyang makita ang babae. Hindi nya alam kung bakit pero gusto nya talaga itong makita.

"Si Jana?" aniya sa mga kaibigan

"Hindi pa dumating." si Ralph iyon

"Uy!!!!!" kantyaw ng dalawa sa kanya

"Anong uy?"

"Excited ka  bang makita ang girlfriend mo?" pabulong na ani Jaylord

"Anong girlfriend pinagsasabi nyo?"

"Blind lang?" si Ralph iyon

"Magsabi ka na ng totoo pre. Nakakasama ka ng loob eh." ani Albern

"Kasi hindi naman talaga." aniya sabay kamot sa ulo

"Naku! Kung ako si Jana sisipain kita deretso sa mukha, kasi naman ang lakas ng loob mong e-deny ako." Ani Jaylord sabay talikod sa kanila.

"Mga pre, hindi talaga kami ni Jana." Napakamot sya sa ulo, alam nyang mahabang paliwanagan ang gagawin nya.

"Sure ka talaga dyan?" Si Ralph na hindi parin makapaniwala

"Oo nga. Hindi ko  naman sya nililigawan, paano magiging kami?" aniya, alam nyang mahirap pagpaliwanagan ang mga ito pero sa ngalan ng pagkakaibigan gagawin nya na.

Another Jenny & JunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon