Chapter 6

33 1 0
                                    

                       Jun Ramos <3

Kei P.O.V

Habang nagpapakilala sila, hindi naman nila pinapahalata na tumitili sila sa dalawang nasa harapan. Si Jinx, uhmmm okay naman sya. Pogi at mabait? siguro. Yung Hannix naman halata namang masungit sya. At syempre kung sino yung masungit sya pa ang pogi.

Halatang masayahin si Jinx base sa pagpapakilala nya sa harap ng namin. Mukhang masarap syang kasama, pwede kaya kaming magkaibigan?. Si Hannix naman masyadong misteryoso. Sige sabihin nyo nang nagmamaganda ako pero di ko sya type. Mas gusto ko si Jun hihihi. Shhh lang kayo ah <3.

Kahit na makulit yun at saksakan ng lakas mang-asar, gusto ko pa rin sya. Siya lang kasi yung kaibigan kong lalaki at lagi kong kasama. Alam nyo over protective yung mga kuya ko.

Pagkatapos nila mag-introduce na hindi ko naman maintindihan kasi lumilipad yung utak ko kay Jun. Shocks! Tigilan mo nga yang kalandian mo Kei!!

Dumiretso sila sa kinauupuan ko. Huh? Bakit?  Anong meron? Bakit sila dito pumunta? Tinignan ko silang dalawa at binigyan sila ng tingin na nagtatanong.

"Uhmm Kei, baka pwede kami tumabi sayo? " tanong ni Jinx.

"Bakit? "

"A-ah kasi maingay yung ibang babae dito. Ayaw kasi ni Hannix ng maiingay na babae. " paliwanag ni Jinx. Pero dahil mabait naman ako, pinayagan ko na. Mukha namang hini nila ako guguluhin, kailangan focus ako sa study ko. Kundi yari ako sa mga kuya ko.

Lumipat ako sa pinakadulo, pero sinabi saken ni Jinx na sa gitna ako umupo kasi nakakahiya daw at babae ako tapos sa gilid pa ako uupo. So, umupo na lang ako sa gitna. Sa kanan ko si Hannix, at sa kaliwa ko naman si Jinx.

Nag-kwentuhan lang kami ni Jinx, si Hannix naman nakikinig lang samin. Minsan nagkakatinginan kami. Well, di ko sya papansinin dahil dun sa ginawa nya nung nakaraang linggo.

"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga Jinx! " tawa ko ng mahina.

"Grabe ka naman, ganun ba ako kapangit at natatawa ka sa mukha ko. " pa-awa face pa sya. Hahaha ang cute lang. Sabi ko na nga ba mabait sya eh. Etong nasa kanan ko ewan ko na lang kung hindi mapanis yung laway nya, hindi kasi nagsasalita.

"Di sorry na po ^_^ " sabi ko.

"Di pwede yun! Kailangan sabayan mo kami sa lunch mamaya. " natawa naman ako.

Umentra naman si Hannix. Yung totoo? Ugali nya ba talaga yung bigla na lang sisingit sa usapan? Tss.

"May practice tayo mamaya. " ani Hannix.

"Practice saan? " tanong ko.

"Sa music room kami magpapraktis. " sagot naman ni Jinx.

"I mean para saan hahaha! " tanga mo talaga Kei!

"Ah, para yung sa special performance namin. "

"Bakit? "

"Hindi mo talaga kami, kilala? " namamangha nyang tanong.

"Hindi? " alanganin kong sagot. Eh sa hindi ko talaga sila kilala.

"Hahahahaha! " tawa lang nya.

"Mr. Jinx. Please quite kakatransfer mo palang ang daldal mo na. " sabi ni Ma'am.

"Sorry Ma'am. " hahahaha! Ang cute nya talaga.

Tumahik na yung sa pwesto namin dahil, pinagalitan na sya. Pero akala ko lang pala, dahil nagkwento nanaman si Jinx. Tungkol dun sa contest nung nakaraan, may mga audience daw na nagagalit kasi meron daw hindi naka perform. Ughhh! Naalala ko naman yung sinalihan ko na contest nung sabado dito sa school. Bwisit kasi bakit late ako palagi eh!!! Huhu :( sayang yung pagkakataon.

------------------------------

Pagkatapos ng klase sa isa naming subject. Hinanap ko si Jun, sito rin kasi sya nag-aaral eh. Nung nagkita kami ni Jun malapit sa music room, shett! Bakit ang gwapo nya sa paningin ko? Ughhhh! Stop it Kei!

"Jun! " sigaw ko sabay, kaway. Nagtinginan agad saken yung mga babae na may crush din kay Jun. Sorry guys pero ako ang bestfriend ^_^…

"Oh kanina pa? Pasensya na ah, may ginagawa kasi ako saglit. " sabi nya. Pero umiling na lang ako.

Inakbayan nya ako. Naku! Sorry talaga guys :*.

"Sabay tayo maglunch tapos diretso na tayo sa rooftop. Jamming tayo."

Napangiti naman ako sa sinabi nya kaya po umayag na ako. Sweet pa rin sya kahit hindi na kami masyadong nagkikita kasi medyo busy na kaming dalawa eh. Hehehehehe!  Kuyari na lang busy ako. ^_^

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa room na katabi ng music room. Gusto ko sanang sumilip kasi nabangggit ni Jinx kanina na sa music room sila magpapractice. Eh kaya lang baka maistorbo ko sila tsaka hindi ko marinig yung boses nung kumakanta dahil sound proof ang pader ng music room.

Pumasok na kami sa room na katabi lang ng music room para kumuha ng instrument na gagamitin namin sa rooftop. Pwede kasi hiramin yung mga instrument dito basta magpapaalam ka, eh dahil sa matagal ng ginagawa namin to ni Jun. Kaya okay lang tsaka alam naman sa school na kapatid ako nila kuya Ken. May banda kasi sila tapos scholar pa sila dahil nanalo sila nung nakaraang taon sa contest na ginanap din dito sa school.

Dumiretso na kami sa rooftop, si Jun lang ang may dalang gitara. Nag-isip kami ng kanta at syempre sa dami ng kanta yung Marvin Gaye na lang ang kinata namin.

Insert Marvin Gaye Cover by Sam mangubat and Allen sta maria

Habang kumakanta si Jun, naisip ko na bakit napapaligiran ako ng mga lalaking magagaling kumanta. Nakakabilib lang kasi, gwapo na may talent pa katulad na lang ng mga kuya ko. Buti na lang nagmana kami sa mga magulang namin. Dati kasi may banda ang mga magulat ko kaya ayun sinanay nila kami.

Nang matapos ang kanta bigla na lang sumara ng malakas yung pinto. Napalingon kami dun ni Jun, alam ko sinara namin yun.

Nagkatinginan kami ni Jun saka sabay na tumawa.

-to be continued

Happy reading :) - KC

Pasensya na po sa update.

Ugly DucklingWhere stories live. Discover now